Chapter 24

0 0 0
                                    

Lumunok muna ako at huminga ng malalim.
"What about him?" sinusubukan kong kontrolin ang emosyon kong isang pitik na lang bubuhos na

"About last time we're in the restaurant when you just left me there, I am about to talk to you para sana magtanong kung hinahanap mo pa rin siya pero binabalot ka kasi ng emotios mo that time. I saw a man kasi in our building and the feature of his face ay katulad ng papa mo, the picture na pinakita mo sa akin"

That time pala ay gano'n ang intensyon niya, hindi ko man lang siya pinakinggan.

"Then because of curiosity I gathered some information about him. I don't surely know his position in the company but I think makapangyarihan siya. And kahapon lang nakasalubong ko siya, I just confirmed my speculation about him being your father dahil nagmamadali siya may nahulog sa papers na hawak niya lumipad and hindi niya ata napansin, I get it. Here"

Sabay lahad sa kamay ko ang mga litrato. Litrato na katulad mismo ng nag-iisang litratong meron ako. Our family picture.

I can't control my emotions. Hindi ko napigilang humagulgol. Niyakap ako ni Klev and there when I forget what his once role in my life. I just need someone to lean on.

Bakit siya nasa company nila Erin? And bakit ngayon lang naman siya biglang sumulpot?

Gustong gustong gusto ko magalit sa kan'ya. Gusto ko siyang kamuhian, gusto ko siyang saktan. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, the little girl within me still longing for him, he's still my father. Bata pa ako no'n pero sobrang linaw sa memorya ko ng lahat. Kung paanong nawalan ako ng ina, sumabay din ang pagkawala niya, sabi niya babalik siya. Naghintay ako, naghihintay pa rin ako. Patuloy akong naghahanap ng kasiguraduhang babalik siya. At ngayong andito na siya, gusto kong malaman ang rason niya.

"Can I ask a favor, Klev. Pwede mo ba akong samahan sa kan'ya ngayon mismo?" I want to face it right now, para isahang sakit na lang. Mas gustong kong masaktan habang malaman ang totoo kung ano ang story sa likod ng lahat kesa alam ko ng may option ako pero wala pa akong gagawin agad.

"Are you sure? Okay then, let's go ihahatid kita papunta sa kan'ya. Wipe your tears, pull yourself together" wika nito sabay hawak sa kamay ko

Hinayaan ko na lang muna, wala na akong oras para idagdag sa iisiping sakit ang nangyari sa amin dati.

Nakatungtong na kami sa building and dinala niya ako sa harap ng isang office. I ask him na mag-isa ko na lamang pumasok sa loob.

I just knocked on the door at may sumalubong sa aking isang lalaki na palabas na rin ng office. I don't know but he's giving an investigator look, wearing his cap pa.

Pagkapasok na pagkapasok sa loob, I saw a man standing infront of the glass window habang tinatanaw ang labas, nakatalikod ito sa akin.

"Sir"

Ngunit sa isang iglap ay dire-diretsong bumuhos ang mga luha ko. Kabisadong kabisado ko ang bawat feature ng mukha niya. Kahit unang tingin lang, kilalalang kilala ko siya, ang papa ko.

"Yes, miss? What can I do to help you, why are you crying?" tanong pa nito sa akin habang nakatayo.

Walang paligoy ligoy kusa ko na lang natagpuan ang sarili ko palapit sa kan'ya at saka ito niyakap.

"Pa...papa" hagulgol kong bulong dito

Mas lalong humigpit ang mga yakap niya sa akin at ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga niya. I heard him sobbing too.

hinahaplos nito ang buhok ko.

"A-anak ko, I'm sorry anak I'm sorry. P-patawarin mo si papa anak, gawin mo sa akin lahat ng gusto mong gawin tatanggapin ko. Kung kinakailangan s-saktan mo ako ibuhos mo lahat ng galit mo sa akin, hindi pa nga iyon sapat sa l-lahat ng nagawa ko sa'yo anak ko. Sorry anak ko"

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kan'ya at tumingin sa mukha niya muling tinititigan ang bawat feature nito. At ang huling kong tinignan ay ang mga mata niyang nakatingin sa akin puno ng sinseredad.

Hindi, hindi ko kayang magalit sa kan'ya sa kabila ng lahat. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman ang side niya.

"Shhh, iintindihinn ko po papa. Bakit po? Sabi mo po there's always a reason behind everything. Ano po ang rason niyo? wika ko rito habang pinupunasan ang mga luha ko

Pinunasan niya rin ang mga luha niya, hinawakan nito ang mga kamay ko. With it, I rediscover safety, in his hold my worries dissolve.

Inkwento niya ang lahat sa akin, simula sa kung paano siya magreresign sana sa trabaho hanggang na napilitan siyang gumawa ng desisyon na hindi naman niya gusto. My heart ached hearing all his explanations. I feel bad for everything that happened. We don't deserve it. But as in the present, we need to live on it.

My Yierryn Laniisha, my best friend is my sister.
Malakas ang kutob ko na matutuwa siya kapag nalaman niya ito, gaya ng galak na meron ako ngayon. It's a good news for me, dahil the blood that running on us was the same. We're blood related.

Umupo muna kami ng papa ko and he made a coffee for both of us at nagkwentuhan ng kung ano ano, I asked him a lot of things about his family but everytime I did ay iniiba niya ang topic. But I believe that he's a good father to Erin. Our conversation went well and ako na mismo ang nagsabi ka sa kan'ya na I'm the one who will tell Erin everything and he agreed. Maybe hahanap lang ako ng pagkakataon. Gusto niya pa sana akong bilihan ng matitirahan but sabi ko naman sa kan'ya na kuntento na ako sa meron ako, hindi ako hihiling ng kung ano ano dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang mga pagkakataon na bumawi kami sa mga panahong nasayang noon.

Palabas na ako ng office and I saw Klev standing habang naghihintay. Hindi ko naman alam na maghihintay siya, akala ko umalis na 'to kanina. Edi ang tagal niyang nakatayo, kangawit man.

"Hey, I didn't say to you na maghintay. Akala ko umalis ka naman na kanina pa"

"Nope, don't worry it's my choice. How are you?" wika nito sa akin

"Ayos na. You can go na, uuwi na rin ako. Salamat" wika ko rito

Sa napakarandom na pagkakataon naalala ko na naman ang nakaraan namin. Nahanap ko na ang sagot sa pagkatao ko, may kasiguruhan na ulit ang lahat. Ngunit may kulang pa rin. Naghahangad pa rin ako ng sagot....galing sa kan'ya. But maybe this is not the right time para isingit ito.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now