Chapter 7

5 0 0
                                    

Ng hindi namamalayan ang oras, nakarating na kami. Sabay na rin kaming bumaba sa terminal.

"Saan ka?" ani Klev

"Sakayan ng jeep" sagot ko sa tanong niya, masungit lang naman ako sa kan'ya pero hindi ako gano'n kasama na tao para ignored lang siya.

"Sabay na tayo" nakangiting offer niya "hatid na kita" pahabol niya pa

Teka, paano niya ako ihahatid? 'wag niyang sabihing aarkilahin niya ang jeep para lang ihatid ako, oa ha.

Nakakunot ang noo ko sa kan'ya.

Bigla na lang siyang may kinuhang susi sa bulsa niya at pinakita ito sa akin, nahalata yata tanong ng isip ko.

"Naihatid na nila motor ko rito sa terminal kanina pa, iniwan na lang para may sakyan ako pauwi" explain pa niya

Ano naman po? kainis

"Ayoko, u can go na" matipid na sagot ko

Hindi siya nagpatinag bigla na lang kinuha ang isa pang helmet sa box sa likod ng motor niya at isinuot agad ito sa akin. Fvck, my heart. Ang lapit no'n buti na lang hindi ko nakatingin dahil sa pagkabigla.

"Ang kulit mo, mahirap sakayan ng jeep dito para namang hindi mo pa ranas" tila nanenermon na wika niya after iñock ang helmet ko

May point din naman kasi talaga siya, sana pala sumabay na lang ako kay Erin.

"Okay fine, please dahan dahan ka lang magpatakbo mahal ko ang buhay ko"

"Mas pabor pa nga sa akin" ani niya ng nakangiti

Huh? hindi ko magets ang point niya, anong pabor? gzzz whatever.

Sumakay na kami sa motor niya. Malapit na lang din ang bahay namin pero ang tagal naming makarating dahil sa sobrang dahan dahan niya magpatakbo, pinanindigan nga eh. Inguide ko lang din siya kung saan ang daan patungo sa bahay namin. Hindi ko pala alam kung saan ang bahay ng lalaking 'to basta ang alam ko lang taga rito lang din siya, I don't know his exact location at wala naman akong balak alamin 'no.

Hindi ko naman alam alisin ang lock ng helmet, damn it. Siya ang nag-alis nito para sa'kin, but this time with our eyes meet each other. Nang maalis na ang helmet I quickly looked away.

"Uhm, thank you" nahihiya kong sabi

"No, thank you. I'm the one who insist it" ani niya

"For what?"

"For trusting me, you won't ride on my motorcycle if you don't. So, thank you" direct niyang sabi habang nakatingin sa mata ko

Lord plsssss, ayoko pong lumambot pa lalo.

"Ah basta thank you rin, have a safe ride" this time I gave him a smile for the first time

Nagulat pa ako kasi bigla niya na pinaandar ang motor niya, pagtalikod ay natanaw ko siya sa malayo lumingon pa sa akin.

Habang hinihintay si Erin inayos ko na ang mga gamit ko, nilagay ko sa aking cabinet ang mga damit ko.

Before lunch na rin pala ako nagbyahe so basically hindi na ako nakapagtake nito kaya nakakaramdam na ako ng gutom but I don't have an energy pa para magluto kasi pagod pa galing byahe. Baka may dala naman na si Erin.

Sa paghihintay ay nakaidlip ako. Nagising lang ako ng busina ng sasakyan. For sure si Erin na 'to.

Pero bakit man....

"Ma'am delivery po" sabi ng kuyang rider

Wala naman akong inorder, baka nagkamali lang si kuya. Naligaw lang siguro ng bahay.

"Baka po nagkamali lang kayo kuya, wala po akong order na ineexpect darating ngayon"

"Pero rito po ang location, Ma'am Zhamahra po?" tanong nito

I can't believe this.

Hindi na ako nakipagtalo kay kuya, kinuha ko na lang ito. Bayad na rin daw pala.

Pagpasok sa loob ay agad kong binuksan ito surprisedly ay food. Sumakto sa pagkagutom ko ah, pero baka naman lason 'to or may gayuma.

I checked the paper bag and ayon nga may iniwang note.

"I heard your tummy recently, sabi gutom na siya. Maybe you didn't take your lunch. Pray before and after you eat po, okay? Eat well, my Leih"

Nakakainisssss, inis na hindi na para sa kan'ya pero sa sarili ko na. Nakakainis kasi bakit ako nakangiti after basahin ang note niya. Pero ahhhhh I don't like this feeling na bumabalot sa sistema ko, I can't take this.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now