Chapter 5

7 0 0
                                    

Tumuloy ako sa loob ng office na act nothing happened. Ang sarap pala sa pakiramdam na sasalubungin ka ng mga tao ng ngiti. With all my life, this is one of the places I felt welcome in. Pakiramdam ko, belong ako. May mga nagapproach sa akin and gave their welcoming words and smiles, a genuine one.

Mukhang maganda ang napasukan kong office, makakasundo ko ang lahat ng tao rito. But wait, the girl previously kahit papaano naman I was looking to be close with.

Pagkaupo ko sa designated table, I look around para mamangha ulit sa kabuuan ng office. Sobrang laki nito, and may kan'ya kan'yang table ang bawat employees na nakapalibot sa apat na sulok nito, so basically ang nasa gitna is malaking table. May malaking window glass din kung saan ay tanaw na tanaw ang iba pang mga building.May mga arts din na nakadikit sa wall pero puro numbers and shapes.

"Hi! Zhamahra?" ani ng lalaki sa akin sa patanong na tono, trying to start a conversation huh

Pero syempre hindi ako snob, it's a no no.

Binigyan ko siya ng ngiti "Hello! yes you're right, but you can call me Raiah"

"Nice to meet you, Raiah. I'm Lanceler, Alen na lang din" sabay lahad ng kamay and agaran ko itong tinanggap

Nauubusan agad ako ng topic kainis, ang hirap makipagsocialize kapag gipit ka sa sasabihin huhu.

"Anyways,do you mind if I ask?" asik ko sa kan'ya. Naisip ko 'yong babae kanina.

"Nagtatanong ka na nga eh, go ahead" tumatawang sagot niya.

Aba loko 'to ah, pero okay lang. Magkakasundo tayo sa gan'yan.

"Diba before ako pumasok here may nakasalubong akong girl so baka kilala mo? Isa niya lang naman lumabas kanina eh"

"Oh right, si Ms. Havenn. Nagmamadali nga siya kanina kasi may emergency daw sa kanila" kwento niya

I see, may problema nga. And now I get it again, mas lalo lang talagang tumitibay paniniwala ko na there's always a reason behind everything.

Sila kaya, ano kayang mga rason ang meron sila?

Tumango na lang ako sa kan'ya and he do the same. Buti hindi chismoso 'to, akala ko magtatanong kung bakit eh.

Bigla na lang may pumasok na babae sa office namin pero hindi naman gano'n katandaan. Kung estimated ko baka nasa 40 pa lang siya.

Busy si Alen sa computer pero istorbo ako eh, kinuwit ko siya.

"Ay palaka!" gulat na sabi niya

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA nakakatawa naman magulat 'tong lalaking 'to.

"Alam mo dapat ka ng umiwas sa kape" hindi na ako makahinga sa kakatawa

Tumatawa na rin siya sabay sabing "pangit kabonding"

Hanggang sa sabay na kaming nagtatawanan. Hindi ko naman kasi ginulat, kinuwit ko lang bigla na lang nagulat.

Nang matapos kami kakatawa back to our senses na.

"So, what's the matter?" sabi niya

"Sino 'yon?" sabi ko sabay turo sa babaeng kakapasok na nakaupo sa table na nasa gitna, I point her out using my mouth

Ginawaran niya ito ng tingin "ahhh 'yon ba?......chismosa ka 'no?" sabay halakhak

Hindi ko ineexpect 'yon ah.

Hinampas ko siya ng marahan "Whatever, answer my question na lang" okay so close na kami. Okay siya ha.

Hindi naman kasi kachismosahan ang magtanong para sa awareness syempre kailangan ko rin kasi makilala mga tao rito para naman aware ako sa surroundings. Mamaya kaharap ko na pala may ari ng company diba.

"She's the head of our department, 'wag ka matatakot sa kan'ya kasi mas tatakutin ka niya, awooo" nagaact pa na parang multo, parang ewan

"Parang mas dapat akong matakot sa'yo"

"Pero seriously, malakas mantrip 'yan si Ma'am Claud. Baga kasabay din namin sa mga kalokohan 'yan" biglang habol na sabi niya

"Alright, ayon lang naman. Thank you, hindi ko 'to tatanawin na utang na loob" biro ko

"You owe me two na nga" sabay wink sa akin

Tinawanan ko na lang siya. And after that, back doing our work naman.

Kamusta kaya si Erin sa office niya, I hope she's doing well there.

As my first day work done, it all went well naman. Looking forward pa ako na magkaroon ng ibang kaclose sa office, syempre friendly ang atake ko muna. May mga friend naman ako no'ng college pero I don't know what's happening na sa kanila, nawalan ng communication eh pero still I considered them as my friend pa rin naman.

Sabay kami uuwi ni Erin but hinihintay ko pa siya rito sa labas ng building because may inaasikaso lang daw saglit. Nakaupo ako ngayon sa bench.

While waiting, gonna use my phone na lang nga pampalipas boring. Sinalpak ko sa tenga ko ang earphone to listen music.

Nag-eenjoy akong makinig sa music to the point na nakaclose pa ang eyes ko para dama hanggang sa.....

"Zhamahra Mneshia!" sigaw ng kaibigan ko

Hindi ko kasi siya napansin, buti na lang hindi ako nakafull volume.

"Grabe ah umabot sa eardrums ko"

"Hehe sorry, let's go home na I'm tired"  bagsak na balikat niyang sabi

Bakit kaya pagod na pagod ang babaeng 'to, mukhang unang pasok pa lang ang dami ng ginawa sa work.

Habang naglalakad pauwi may natatanaw akong restaurant na bukas pa, sakto para hindi na kami magasikaso, kapag uwi magpapahinga na lang. Hindi na rin naman need ayain si Erin matic na agree neto eh.

Hinila ko ang kamay ni Erin habang tumatakbo papunta sa restaurant na natanaw ko. Nagtataka siya pero hinayaan niya lang akong tangayin siya.

"D-dito n-na lang tayo magdinner para later magrerest na lang" hinihingal kong saad

Tumatango siya bilang pagsangayon habang hinahabol din ang hininga.

Sinuklian ko na lang siya ng ngiti.

We just ordered pork sinigang and sisig. Uhm yummy! We ate peacefully.

After namin ubusin nagpapahinga na lang muna kami bago uuwi. Naisipan kong kunin ang chance para kamustahin si Erin dahil malabo ko ng magagawa mamaya.

"How's your first day of work pala, Erin?"

She sighed "Nakakapagod kasi unang araw na unang araw ng pasok nawala ko 'yong necklace ko. Ayon ang inasikaso ko kanina no'ng saktong wala ng tao sa office saka ko hinanap tapos naipit lang pala sa chair. May sentimental value kasi eh"

Ang illegal naman tanungin kung galing kay past someone. Hindi ko pa siya ulit nakakausap regarding doon kasi hindi ako makakuha ng tiempo.

Makwento na nga lang din ang nangyari sa'kin kanina

"How about me? look ha so diba kanina papasok ako sa office syempre bago ako papasok I checked myself muna tapos no'ng kakatok na ako OMG may lumabas ng pinto edi ayon parang nasapak ko" sabi ko na may halong hiya

Nakikita ko ang mukha ni Erin, may halong nagpipigil ng tawa at parang nahihiya para sa akin.

"Boogsh nga 'yon, kahit ako gusto na lang ibaon sa lupa kapag kwan gano'n eh. Anyways, makalimutan ko na lahat 'wag lang ang isabi sa'yo ang balitang 'to"

Nakakatakot ah ano bang balita 'yan Erin, mamaya mapangibabaw pa sa'kin na mas okay na lang pala na hindi ko nalaman.

"I saw him and guess what ha? He's our boss in the department" what the?!?

Sabi na eh, hindi ko na lang dapat nalaman.

Lahat nagflashback sa akin, from the start til how it is ended. There's still a scar left on me and I think it will never fade.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now