Chapter 10

3 0 0
                                    

Naging masaya ang araw-araw na magkasama kami ni Klev. Naging routine namin ang lumabas ng magkasama, may mga time na sinasama namin si Erin, pero hindi naman siya ginagawang third wheel ofc. Kapag tatlo kami ang gumagala, we're all friends. She doesn't deserve to be left out 'no. May mga sarili rin naman siyang gala.

Walang araw na hindi naiparamdam sa akin ni Klev kung gaano niya ako kamahal. Sobrang consistent niya and I didn't expect na bukod kay Erin, meron pang isang taong magpaparamdaman sa akin na deserve ko rin ng ganitong trato. Their consistency makes me feel na I'm enough.

Araw-araw akong bumibisita sa flower shop nila Klev, may time rin na nagiinsist ako na ako na ang magbantay sa flower shop nila kapag may pupuntahan si mama, sinasama ko si Erin para naman hindi maburyo sa bahay lang.

"Love, saan pala si papa?" ngayon lang ako nakahanap ng tiempo para itanong ito sa kan'ya

Tumingin ito sa kalangitan bilang sagot sa tanong ko.

Umabot kami ni Klev ng 8 months and our relationship still the same as at the beginning. He used to give me flowers and gifts.

Until umabot kami ng 1 year, I saw the different side of our relationship.

Everytime na lumalabas kami, gastos ko na lang palagi. He can't even buy a gift for me na. It's not like na I demand for something but nakakapanibago lang kasi nawawala na 'yong consistency niya towards me.

Kapag nagshoshopping kami, ako na lang palagi ang may present for him. Dati nageexchange kami palagi, pero ngayon it's always ako na lang ng ako.

Hindi rin naman ako mayaman, may ipon lang ako no'ng college that's why kahit wala pang trabaho ay meron akong panggastos. And no'ng dumating si Klev sa buhay ko ay nagkaroon ng direction ang pananaw ko, na I need to earn more para hindi ako aasa sa kan'ya kaya nga namotivate na ako para magtrabaho. I also need to make money para kapag may family na kami we can provide a better life sa magiging mga anak namin. I can't see my future kung hindi siya. Mahal ko siya pero umaabot na ako sa punto na nakwekwestiyon ko na ang sarili ko.

Paano naman ako? Kailan naman ulit ako?

Does relationship needs to be unfair like this?

Bakit pakiramdam ko nagiging sugar mommy na lang ang atake ko? not totally like that but in aspect of providing him lavish gifts, na kulang na lang ata buong needs niya ako na rin.

I don't feel like I'm her girlfriend anymore.

"What's bothering you?" sabi niya sa mahinahong boses

"Hindi ko na maramdaman" I said

"What can't you feel anymore, hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya ng diretso

"Mahal kita palagi, Klev. Pero hindi ko na maramdamang girlfriend mo ako. You're not into your usual self, ibang iba ka na"

Ayokong makita niya ang vulnerable side ko, onti na lang at tutulo na ang mga luhang iniingatan kong hindi bumagsak.

"Enlighten me naman oh, I don't understand it. I thought we're okay" wika niya

"Akala ko rin Klev, akala ko rin. Pero ako, hindi na ako okay Klev"

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko na napiglan ang sunod sunod na pagbagsak ng mga luha ko.

"Klev, nagiging sugar mommy mo na lang ata ako eh" direct to the point na sabi ko

"Leih, pure lahat ng intentions ko sa'yo at alam kong wala 'yan sa intention ko" wika niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Wala pero naiparamdam mo na"

"In what way?" tanong niya ng naguguluhan

Nakakapanghina makita siyang nasasaktan.

"Gifts, payments and kahit na rin ibang needs mo. Before walang problema sa pera kasi balanced tayo. Pero ngayon hindi ko na maintindihan, Klev"

"Honestly? Leih never akong humiling sa'yo, sa lahat ng bagay na binibigay mo sobrang naappreciate ko but alam kong alam mo na ikaw ang nagbibigay at hindi ako ang humihingi. Pero bakit ngayon parang sinusumbat mo?" his voice cracked, kitang kita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang luha

"Hindi ganon, Klev. Inintindi ko naman eh pero nakakapagod din pala. Nakakapagod, n-nakakaubos. Nagsesettle ako kasi I fvkcing love you. Nawawala na ang consistency mo. Umaabot na ako sa puntong p-puro na lang ako tanong sa sarili ko na ikaw mismo ayaw akong bigyan ng sagot. Paano n-naman ako, Klev? You can tell me everything naman eh, tell me if you're struggling, tell me all your problems........c-can you also tell me your reasons?" pagmamakaawa ko

Kasabay ang pagbitaw niya sa kamay ko at binalot na lamang kami ng katahimikan. Doon pa lang ay alam ko ng talo ako.

Kung gaano kabilis nagsimula, gano'n din kadaling matatapos.

"I don't know where this relationship will go but I don't want to continue anymore. I'm done, Klev. Nakakapagod umintindi ng wala ka man lang makuhang rason" saad ko habang patuloy ang pagagos ng mga luha sa aking mata

Nakita ko kung paano siya dinudurog, kung paano siya nasasaktan sa bawat salitang binitawan ko.

Ang sakit makitang nasasaktan kami pareho dahil sa isa't isa. Alam kong napakababaw ng rason ko para bumitaw pero I'm not that strong to hold on when i don't even know how to gather myself together, I'm falling to pieces and I need to fix myself if he can't do it.

"Mahal na mahal na mahal kita Leih. But I'm sorry if my love makes you questioned yourself again.  I swear, I really swear na it's not my intention. I am really sorry, mahal ko. If your want is what I don't want, you're always above everything else. Farewell, my Leih"

Eto ang ikalawang pagtalikod niya

"Alam mo lahat diba, sinabi ko sa'yo lahat yet kaya mo akong talikuran ng wala man lang kahit anong explanation?"

Napahinto siya ngunit tuluyan niya na akong hinayaan at hindi man lang nilingunan. Alam ko ng talo ako.

Hindi niya ako pinaglaban, hindi man lang niya ako sinubukang pigilan. Am I easy to let go of? I want it pero ang sakit sakit, umasa ako sa baka sakali. He just left me without any sort of explanation and reason. Alam niya lahat, I tell him everything about may past and still he choses to do it and let me experience it again.

Sa buhay kong binabalot ng mga katanungang hindi ko pa nahahanapan ng kasagutan, siya rin pala ang rason para ang mga ito ay madagdagan.

END OF FLASHBACK

Embracing Certainty Where stories live. Discover now