Chapter 25

0 0 0
                                    

Erin told me na mamaya na ang uwi niya. Ako ang magsusundo sa kan'ya sa airport.

While waiting in my house, I received a message. Message from Erin, malapit na raw siya. So, I decided to go in the airport at doon na lamang maghintay.

Siguro bukas ko na lang ikekwento sa kan'ya ang lahat, pagod pa 'yon galing byahe eh. She need to rest.

I distracted myself through using a phone while waiting here in airport. Naglaro na lang ako ng kung ano anong laro ang maisipan ko.

Nasa malayo pa lang ay nakita ko na siyang naglalakad patungo sa pwesto ko holding her luggage bag.

Habang papalapit na siya, I clearly saw her. I am surprised, sobrang laki ng pinayat niya kahit ilang buwan lamang siyang nawala. And her eyes, sobrang yugto ang mga ito. Ang kapatid ko.

Agad ko siyang niyakap at sa ikalawang pagkakataon ay yumakap siya ng pabalik ng napakahigpit.

"Raiah, pagod na pagod na ako" she whispered

Isang beses, isang beses ka pa lang nagbitaw ng gan'yang salita sa akin Erin ngayon pa lang, ang sakit sakit kasi alam kong hindi mo na talaga kayang bitbitin lahat. Hinarap ko siya sa akin.

"Shhh, halika na uuwi muna tayo and we'll figure it out together" pinunasan ko ang mga luha niya at kinuha ang luggage bag niya

Pumunta na kami sa kotse at ako na ulit ang nagdrive, she's my passenger seat. Sobrang tahimik, nakakabingi. Pero sobrang sakit makitang nagkakaganito si Erin. Nakatanaw lamang siya sa bintana buong byahe at parang napakaraming iniisip.

Paminsan minsan ay natatanaw ko siya sa peripheral vision ko na nagpupunas ng luha.

Nakarating na kami sa kanila. Dito na muna ulit ako magpapalipas ng gabi, my sister needs me.

Dumiretso kami sa living room and ibinaba ko lahat ng gamit niya. Pinaupo ko muna siya and pinagkuha ko siya ng water.

"Breathe in, breathe out" wika ko rito

Sinunod naman niya ako, nang medyo kumalma siya ay saka ko inabot ang tubig. Matapos niya itong inumin, tatanungin ko pa lang sana if comfy or mas prefer niyang pagusapan ito but....

"Raiah, hindi ko na kaya. I don't want to bother you but I can't keep it on myself anymore" wika nito

"Hmm shh don't think that way, let it all out Erin. I'm here, I'll just listen hmm?" wika ko rito

"I go there because akala ko business ang problema, akala ko nalulugi na ang nga company because that's what my mom said, and every time she calls me umiiyak siya, business is the reason I know behind it. But going there, I saw how miserable she was. Araw araw na lang siyang nakakulong sa kwarto at umiiyak, ang hirap niya rin pakainin. Akala ko ayos pa ang pamilya ko, Raiah. Akala ko umuwi lang si Daddy para imanage ang business dito sa Philippines. Wala man lang akong kaalam alam na my family is falling apart, kung hindi pa ako pumunta roon. My mom is the one who's miserable, even though she's the one who cheated with my dad. Siya pa mismo ang nagkwento ng lahat sa akin. Gustong gustong ko magalit Raiah, kasi she's the one who created her own tragedy. Na hindi man lang niya naisip kami apektado rin, pero kasi magulang ko pa rin siya, Raiah. Ang daddy ko, kailangan niya ako, pero pinili ko ang mommy kong unahin dahil mas kailangan niya rin ako. Hindi ko matanggap Raiah. Hindi ko pa kaya. Ang sakit sakit, may ibang anak sa lalaki ang mommy ko, Raiah."
 
Kasabay ng huling salita na binitawan niya ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Paano ko pa ibabalita sa'yo ang akaa kong good news, hindi naman pala. Anak din ako sa ibang babae ng daddy mo, Erin. But it's not because of cheating.

Right now, the living room is filled of someone tearing their eyes and aching their heart. It's us.

Erin, I'm sorry. I'm sorry, Erin. Ang dahilan ng lahat ng  ikinasasakit mo ay katulad ko rin. In the mirror of her sorrow, I see my reflection.

Sana mapatawad mo ako Erin. Hindi ko na kaya pang dagdagan ang lahat ng sakit mo. Mas lalo mong hindi kakayanin kung isisingit ko pa.

Walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko pagkatapos niya ito sabihin.

Yumakap na lamang ako sa kan'ya.

"Thank you, Raiah. Kahit papaano gumaan kasi nailabas ko na. You're always the best" she whispered

Hinaplos ko lamang ang likod niya habang patuloy kami sa pag-iyak.

Nagpaalam na rin naman siyang pumunta sa kwarto upang magpahinga at matulog na. Pagtalikod niya sa akin patungo sa kwarto, I whispered in the air

"Sorry"

Kasabay ng pagdiskubre ko sa lahat ng kasiguraduhan sa buhay ko ang pagbagsak ng nag-iisang taong iniingatan ko mula noon. My best friend, Erin.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now