Special Chapter

1 0 0
                                    

Note: This special chapter ay continuation lang po ng last scene with same setting.

RAIAH'S POV

After hearing those statements of him, hindi ko alam ngunit lahat ng galit at hinanakit ay napalitan ng maginahawang paghinga at payapang kaisipan. Sa bawat paglapit sa akin ng kasagutan ay ang pagharap ng mga kasiguraduhan. Kasiguraduhan na lahat ng pangyayari ay may malalim na dahilan, just let ourselves widen the perspective in every area of it. Lahat sila ay naiintindihan ko, sapagkat ang naging desisyon nila ay once ko ring naging desisyon. They thought that it was the best option, and they're right, it really was.

Here we are in the sea as the sky turning into beautiful and spectacles colors but our eyes are filled with tears.

"Patawarin mo ako, Raiah. It's not my intention to hurt you, but it's my choice to let you hurt. Alam kong naging vulnerable ka because of it, but naniwala akong after no'n ay mas magiging malakas ka ulit, and I witnessed it. Kung ako man ang naging dahilan ng sakit mo, ako lang din ang makakapagpagaling sa'yo"

"And this day, I am brave enough as what you want. Ang kilala mong Klev na duwag, marunong ng lumaban. I fight all the silent battles life throws at me. Nagtagumpay ako, Raiah. I really thought that success without you was nonsense. Pero I realized, na sa tagumpay kong naalis man ako sa buhay mo ay ikaw naman palagi ang rason ko at iyon ang pinakapinanghawakan ko" wika nito habang umiiyak

"We both commited mistakes. Pareho tayong hindi lumaban. I'm sorry din, Klev and thank you so much. Let's forget the past, may mas maganda lang pala talagang plano si God for us. I'm proud of you, Klev. Nanaig kasi sa akin ang galit, pero hearing your side lahat gumaan. After all masasabi kong, ikaw pa rin talaga" habang nakatingin ako ng diretso sa kan'yang mga mata

"I am proud of you too, palagi. Ikaw noon,ngayon at bukas, ikaw lang naman araw-araw. Kung hindi kita naipanalo noon, I am now standing right here infront of you not just to let you win, but to let US win"

After niya sabihin ito ay nagtaka ako dahil bigla na lamang siyang umalis at tumakbo pabalik sa garden kaya't napaikot ako sa pwesto kung saan nasa likod ko na ang karagatan.

May kinuha pala siya. Pabalik na siya at may hawak na bouquet ng bulaklak. Kasabay ng biglang pagplay ng music.

"Zhamahra Mneshia Kleih Hayes , my surname suits you well. I don't want to ask you rather I want to let you inform na ikakasal ka sa akin" kasabay ng pagtawa nito

Inabot muna nito ang bulaklak sa akin and hold my other hand.

"Wala ng makakapigil sa akin, sa atin. Even the doubts and fears, challenges and problems. Since the beginning, you have been the only woman I can see walking down on the aisle. We've gone through a lot individually but that doesn't mean na magtatapos na ang lahat. We will still face variety of instances even the strongest storm, but this time let's face it together with our own weapon, our unconditional love. You're my endlessly. Now turn around and look at the sky, love" wika nito

Patuloy ako sa pag-iyak habang hawak ang mga bulaklak. When I turn around, there's a firework spelling out the words "Be my wife". Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko. Mas lalo pa akong naiyak dahil sa view ng sunrise. Everything seems perfect. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Sa kung paanong nabuo ang love story namin sa harap ng karagatan habang lumulubog ang araw, magsisimula ulit kami ngunit sa karagatan naman na pagsikat pa lamang ang araw. Ang sinag ng panibagong storya, na wala ng huling pahina.Isang panghabang buhay na kabanata.

With the dawn of a new day, weaving together a tapestry of new beginnings and endless possibilities, and starting anew with the one who holds and owns my heart.

Nang maramdaman ko ang pagalis niya sa pagkakayakap ay nilingon ko siya.

Sa paglingon ko sa kan'ya, he's now already kneeling holding a ring.

Instead of answering him, iniabot ko na lamang ang kamay ko sa kan'ya. Isinuot niya ang sing sing sa daliri ko and this is the real moment and highlight I will cherish with my whole life.

"Mahal na mahal kita, Klev" saad ko at hinalikan ako nito sa noo

"Mas mahal kita, Leih. Kapag asawa na kita, hindi na gan'yan lang" wika nito na nanunukso kaya't hinampas ko siya ng marahan kasabay ng pagyakap ko sa kan'ya.

I hugged him as I embraced certainty. With him, I found security beyond all the ambiguity

END OF STORY

THANK YOU SO MUCH!

Embracing Certainty Where stories live. Discover now