Chapter 8

6 0 0
                                    

Kumain na lang ako baka gutom lang talaga ang lahat. Hindi ko na nahintay si Erin kaya nagtira na lang ako ng food niya. Sabi niya rin kasi baka malate siya ng dating dahil traffic, sinabi ko na lang din sa phone call na hindi ko na lang ilalock ang door and matutulog na ako.

Lumipas ang mga araw ng walang ganap kundi ang kumain at matulog lang ang ginagawa namin ni Erin. Grabe after so many years, ngayon lang ulit namin naranasan magpahinga ng totoong pahinga. Noong college kasi para wala lang karapatan magpahinga lalo na kung nagsstrive ka ng mas mataas. May time naman na makakapagpahinga ka pero occupied pa rin ng schoolworks ang isip mo. Buti na lang talaga nakapagtapos na kami, we survived!

Nagkaroon na kami ng enough na rest so eto na kami ni Erin sa exploring phase namin, medyo gala time.

Naisipan naming puntahan ang flower shop na sinasabi ni Erin.

"Gala tayo, may nadaanan ako kahapon. Heaveennn, sobrang gandang flower shop huhu. Gusto ko ng flowers nila" wika ni Erin "Tutal wala namang nagbibigay sa atin, bilihan na lang natin sarili natin"

"Sa'yo lang, damay mo pa ako" tumatawang wika ko

Bigla na lang niya ako tinaasan ng isang kilay "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Joke lang eto naman, halika na pala"

Nakarating kami agad sa flower shop na sinasabi niya and totoo nga sobrang nakakamangha ang lugar. Pinapalibutan ito ng mga puno kaya napakapresko, dagdag pa na nag-iisa lamang ang shop na ito kaya'y kapag nadaanan mabilis talaga makakuha ng atensyon.

Naghiwalay muna kami ni Erin dahil naghahanap siya ng iba't ibang flowers na bibilihin niya while me loyal lang sa tulips.

Flowers will always be a top tier for me. It can really make your day bloom as it is.

"Uy Erin? What are you doing here" nahimigan kong pamilyar na tinig

Kasabay nito ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Calm down Zhamahra please 'wag ngayon.

"Hey, Klev! Syempre flower shop 'to ofc bibili akong flowers" sagot sa kan'ya ni Erin ng tumatawa

Hindi ko naman kasi sinasadyang marinig, malakas lang talaga conversation nila.

Nakatalikod ako sa kanila, distracting myself by still choosing tulips.

"I see, sino kasama mo?" tanong ni Klev

Bakit kasi magtatanong na lang gan'yan pa, ba naman 'yan oh.

"Raiah, can I disturb u for a minute?"

At heto na nga, Erin magkakilala na kami for pete's sake. Hindi kasi alam ni Erin na 'yong kinekwento ko sa kan'ya before na nireject ko ay si Klev.

Humarap ako sa kanila at slight na ngumiti kay Klev.

"Hi Raiah, you again" sabi nito

Sinuklian ko na lang siya ng tango at naguguluhan akong tinignan ni Erin.

"Magkakilala kayo?" tanong pa nilang sabay ni Klev sa isa't isa

Hindi rin alam ni Klev na best friend ko si Erin, ewan ko ba kasi after niya umamin hindi ko na siya ulit nakita. Nakakapagtaka nga kasi lagi naman kaming magkasama ni Erin sa school. Baka hindi lang talaga siya lumalabas ng room kaya hindi niya kami napapansin.

"Oo, best friend ko si Raiah" sabi ni Erin

"Oo, magkakilala kami" sabi ni Klev sabay tingin ulit sa akin

Natawa ako ng bahagya, hindi naman kasi kami lovers, hindi rin friends. Magkakilala nga lang naman talaga.

"Paan-" putol na sabi ni Erin

Kinurot ko siya ng marahan at nagsenyas na 'wag niya na ituloy, mamaya na lang pag-uwi. Ang awkward naman din kasi pagusapan 'yon ngayon.

Bakit kaya andito si Klev sa flower shop, baka may pagbibigyan ng flowers.

Nag-uusap sila ni Erin ngayon pero hindi ko maintindihan puro pang engineering term ang ginagamit nila, mukhang close naman sila.Nakikinig na lang ako kahit hindi ko maintindihan.

Nangangawit na ako, bakit kasi nakatayo sila mag-usap. Right, wala naman kasing upuan nga naman dito sa shop.

Hindi ako mapakali kasi nga gusto ko na uupo, kainis.

"Let's go at the back, may upuan doon" sabi ni Klev

"No it's okay, we need to go na rin. Diba, Erin?" wika ko

Sumangayon ka Erin parang awa mo na.

"Yeah actually, nakapili na rin ako ng mga flower, how about you Raiah?"

Kinuha ko sa basket ko ang tulips sabay pakita sa kan'ya nito na parang bata.

"Ang ganda talaga ng flowers" ani Erin

"Absolutely, seems perfect" singit ni Klev habang nakatingin sa akin

Kanina pa siya, hindi na nakakatuwa. Buti na lang hindi napansin ni Erin.

Magbabayad na sana kami ng si Klev na ang nanguha ng mga flowers na napili namin.

Pagpunta namin sa counter ay may babaeng nakatalikod at pagharap sa amin.

"Ma" wika naming sabay ni Klev

Kilala ng kilala ko siya, hindi ako nagkakamali. Siya ang nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako. When I was 6 years old, kinupkop niya ako at sa kanila ako nanirahan, pinag-aral nila ako at tinuring na parang isang pamilya. Ang mama ni Klev at dati kong tinatawag ding mama ay iisa? So after all, siya ang dati kong kalaro bata, ngunit ang pangalan nito ay Marc.

"Anak ko Ara, sobrang laki mo na. Napakagandang bata, kamusta ka na" wika nito sa akin

Ara lamang ang alam kong pangalan ko rati dahil ito ang pinalayaw sa akin ng magulang ko noong bata ako. Kaya't naging mahirap din ang proseso ng pag-aaral ko dahil wala akong kasiguraduhan sa identity na meron ako.

Nadiskubre ko nga lamang ang buong pangalan ko noong ako kay kolehiyo at sakto namang sa Maynila na ako mag-aaral. Nalaman ko ang pangalan ko dahil sa pagiimpake ko ng gamit bago lumuwas ay may nakita akong litrato sa aming tahanan at may nakasulat dito.

'Zhamahra Mneshia Kleih'

Lumapit kami sa isa't isat at yumakap ng napakahigpit.

"Ayos lang po ako ma, hinanap ko po kayo rati para magpaalam sana bago pumuntang siyudad ngunit wala na po kayo sa tinuluyan nating bahay"

"Oo anak, lumipat na kami malapit lamang dito sa flower shop ang tinutuluyan namin ngayon"

Sa kanila pala ang flower shop na ito.

"Ikaw ang si Ara na madungis palagi dati, Raiah?"
"Ikaw ang kalaro kong batang Marc na makulit dati, Klev?" sabay pa naming tanong nito

Napatawa na lamang kami sa isa't isa.

Mas lalong naconfuse si Erin sa amin.

Hindi na sa amin pinabayaran ang mga binili naming flowers at nagtagal kami sa shop nila nagkwentuhan at pinagusapan ang nakaraan.

Pagtapos nito habang nasa byahe ay hindi na nakapagpigil si Erin magtanong. Inkwento ko sa kan'ya mula sa naging past namin ni Klev, the guy na inkwento ko sa kan'yang nireject ko before at si Klev ay iisa. Nakwento ko na rin sa kan'ya kung paano ako kinupkop ng pamilya nila Klev.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now