Chapter 12

3 0 0
                                    

Nasa gate ako nila Erin, pinindot ko ang doorbell.
Agad ko siyang natanaw sa pintuan nila papalapit sa akin.

"Good evening po ma'am pwede ka ba ligawan" biro kong bungad sa kan'ya

For the first time, niyakap ako ni Erin. As in WOAH I'm shocked. Is she okay?

Niyakap ko na lamang siya pabalik

"Hey, ang random mo. May problema ba? Something's bothering you?" tanong ko kay Erin

"I missed you. Nakakainis kasi pinapamukha sa akin ng mundo na wala talagang makakapantay sa'yo" sabi nito na parang nagmamaktol

Damn it, Erin. Naaamoy ko ang alcohol sa bibig niya. Kaya naman pala, omg girl.

Bakit kaya siya uminom?

Pumasok kami sa loob ng bahay nila at pinainom ko muna siya ng water. Nilagay ko muna sa ref ang dala kong barbeque at inalalayan si Erin patungo sa sofa dahil nakatulog na siya sa table sa kitchen.

Buti na lang at inlock ko ang pinto ng bahay, dito na lang muna ako matutulog. Night mission, bantayan ang tipsy kong kaibigan, jusko.

Habang natutulog siya ay tinitigan ko siya, napakahimbing ng tulog niya. Ang payapa ng hitsura niya.

"Hindi ko alam kung paano papagaanin pero God knows how much I've prayed for you, may you win all your silent battles, Erin. I am so proud of you, always" bulong ko sa hangin

Si Erin kasi 'yong tipo ng tao na hindi nagsasabi, hindi dahil wala siyang tiwala sa'yo pero wala siyang tiwala sa sarili niya. Kaya magulat ka na lang din talaga kapag nagopen 'yan and pinakita ng kusa 'yong vulnerable side niya eh. Sobrang dali niya ring basahin na parang libro, sobrang expressive kasi ng mga mata niya. She used to wear her mask para takpan ang nararamdaman niya. Pinapakita niya palagi na malakas siya pero ang hindi niya alam kitang kita ang nakatagong panghihina niya.

Habang nakatitig sa kawalan ay hindi ko namamalayan ang pagbagsak na naman ng mga luha ko.

Gustuhin ko mang akuin lahat ng sakit na hindi masabi ng kaibigan ko ay wala akong magawa. She doesn't deserve it, deserve ni Erin lahat ng best sa mundong ito. Life is so unfair. Why does it need to be freaking like this.

Sa kakaiyak ay hindi ko namamalayang nakatulog na ako ng nakaupo sa lapag habang ang ulo ko ay nasa tabi ni Erin.

Kinabukasan ay mas naunang nagising si Erin sa akin. Pagkagising ko ay nasa sofa na ako at may kumot pa. Well prepared na rin ang breakfast.

"Wow aga nagising ng tipsy kagabi" ani ko kay Erin na busy mag-ayos ng mga gamit sa bag niya

"Sorry naman ah, nagpaparty kasi 'yong kasamahan namin kagabi dahil mapopromote na siya" depensa niya sa sarili

"Defensive naman neto, control mo pa rin pag-inom sa mga gan'yan kasi, 'wag uhaw sa alak" sermon ko sa kan'ya

"Opo nay" sagot nito habang tumatawa

Kumain na muna kami at saka ako umuwi sa bahay ng kasama na si Erin, hihintayin niya lang ako mag-asikaso ng sarili dahil sabay kami papasok ngayon.

Mabilis lang din kaming nakarating na sa building at nagtungo sa kan'ya kan'ya naming office.

Nang makapasok ako sa office ay wala pang tao, isa ko pa lang. I checked the time and it's already 7 in the morning na, late ba sila? or wait-

Fvck, sa conference pala ako assigned ngayon, need ko umattend ng meeting dahil ako ang representative ng department namin.

Habang patungo sana sa conference room ay nakareceived ako ng text message galing sa kaibigan kong si Havenn.

"Rai, don't come na sa conference room pinapalitan na representative natin. Stay ka na lang sa office for a while, pabalik na rin ako maya maya diyan" wika nito

Sang-ayon na rin sa akin na pinalitan ako dahil each department may representative, nakakahiya namang maging grand entrance ako roon if ever 'no.

Dahil solo ko ang office naisipan ko na lang magconcert muna. Nagpapatugtog ako at sinasabayan ito ng kung ano anong galaw na maisipan ko.

I heard a laugh. Nakakahiyaa ahhh.

"Dancerist pala ang kaibigan namin na 'yan" habang humahalakhak na wika ni Alen standing right the door

Napahilamos na lang ako ng mukha sabay patay sa tugtog.

"Bilib ka na naman, dati kaya akong part ng got talent" saad ko pantakip sa kahihiyan.

Mas lalo kasi akong pagtripan nito kapag pinakita kong nahihiya ako sa kagagawan ko.

Naglalakad na siya patungo sa akin at biglang huminto sa tapat ko, nagulat ako akala ko kung anong gagawin.

Ginaya niya ang paraan ng pagsayaw ko.

"Epal ka talaga Alen, tama ka na nga" tumatawang sabi ko, ba naman kasi ang epic ng galaw niya

Bigla niyang pinakita ang phone na hawak niya sabay play ng video ko na nagsasayaw, Idiot. Nakakainis navideohan niya akooo, nakakapawi ng tawa 'yon ah.

Hahablutin ko sana ang phone niya para idelete ng bigla niya na itong inoff.

"LANCELER, can you please delete it" nagmamakaawang sabi ko

"AYOKO" sabi niya sabay upo sa table niya

"Sige naman na ah, I'm begging you" wika ko sabay upo rin sa table ko at hawak hawak ko ang arms niya niyugyog ko ito

"In one condition" sabay wink niya sa akin

"Go ahead, kahit ilan pa 'yan" no choice kong wika

"Treat me tomorrow, doon sa restaurant na nadadaanan bago magbahay niyo" ayon lang naman pala, palag na.

"Fine, delete mo sa harap ko ah"

Tumango na lamang siya habang tumatawa.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now