CHAPTER FIVE

12 0 0
                                    

LATRELL

KATATAPOS lang ng aming practice sa basketball para sa darating na INTERHIGH na lubos naming pinaghahandaan. Lalo na ako dahil goal ko muling makuha ang pagiging MVP.

May mga nanonood doon at karamihan ay babae. At lahat sila ay nagtitilian dahil sa amin.

"Good job, Latrell." Baling sakin ni Coach Ancit. "Practice-in mo lang ang ganoong tira palagi at siguradong malaki ang tulong niyon sa performance mo. Sa lahat, ikaw ang inaasahan ko kaya sana, wag mo akong bibiguin." Tinapik niya ang balikat ko. "Sige na magpahinga na kayo." Aniya saka kami iniwan.

"Panigurado, panalo nanaman tayo at ikaw nanaman ang MVP niyan." Sabi ni Tao.

"Wag tayong pakampante." Sabad ni Franco. Napatingin kami sa kanya. "Sabi ni Coach, may new player raw ang kalaban at magaling raw."

"Kaya nga todo ang practice natin diba. We'll make sure na tayo parin ang champion." Sabi naman ni Eunho.

Naglakad na kami sa bench at sinalubong kami ng mga babaeng kanina pa kami hinihintay. May mga dala itong towel at bottled water.

Nakangiting nagsilapitan ang mga ito kina Tao, Franco at Eunho at binigyan sila ng tubig at towel.

May lumapit din sakin.

"Here." Nakangiti niya akong binigyan ng malamig na tubig.

At tinanggap ko naman iyon. "Thanks Celine.." Saka tinungga ang laman ng bottle.

Bahagya akong nabigla nang punasan niya ang mukha at leeg kong pawisan ng dala niyang towel.

Classmate ko si Celine, matagal ko na siyang kilala. Palagi siyang lumalapit sakin. Pag may practice kami sa basketball ay naroon siya at lagi akong binibigyan ng tubig at pinupunasan ang pawis ko pero hanggang ngayon ay di parin ako sanay sa ginagawa niya.

Celine is not just a typical girl, she's pretty and sexy...but I don't like her attitude.

Minsan ko na kasi siyang naabutang may binubully. Sa lahat ng ayaw ko ay ang mga BULLY.

At sa tingin ko rin ay playgirl ito. Noong wala pa sakin ang atensyon niya ay ilang beses ko siyang nakikitang iba iba ang kasamang lalaki.

But I always tried to be nice pagdating sa kanya kasi nice din naman siya sakin.

"A-Ako na.." tipid ngiting sabi ko saka inagaw ang towel sa kanya at ako na ang nagpunas ng sarili kong pawis. Saka kinuha ang bag at isinukbit iyon sa balikat ko.

Lumapit siya sa akin. Ikinawit niya ng kamay niya sa braso ko. "Ah, Trell?" Aniyang sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa labas.

"Hmm?" tugon ko.

"Can you join me..?" Malambing niyang turan.

"Saan?" tanong ko.

"In a restaurant, matagal na kasi tayong hindi lumalabas. I want to eat in your restaurant with you."

"Where's your friends?" salubong na kilay na sabi ko.

"They went home na eh. Busy daw sila. Sige na Trell...treat ko." Pagmamakaawa niyang hindi parin ako binibitawan sa pagkakahawak niya.

"Kaso busy rin ako eh, kailangan kong mag-aral sa biology."

"Sige na please, kahit saglit lang.." Paglalambing niya uli saka hinilig pa ang ulo sa balikat ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Imbes na gusto ko sanang ipahinga ang oras na iyon.

"Okay fine..." Nasabi ko nalang at lumiwanag naman ang mukha niya. "Pero sandali lang ha? Mag-aaral pa ako."

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now