CHAPTER SEVENTEEN

10 0 0
                                    

MYLA

"MS. GUIZUBEL, what is Taxonomy?" Tanong sakin ng guro namin sa Biology.

Tumayo ako. "Taxonomy is the science of naming, describing and classifying organisms and includes all plants, animals and microorganisms of the world. It come's from the ancient greek word (taxis) which means 'arrangement', and (nomia), means 'method'."

"Good, sit down... Then who can give me the main levels of the modern taxonomic classification system?"

Nagtaas ng kamay ang classmate kong si Franklin. "Yes, Mr. Cabral?"

"From the most inclusive to the most exclusive levels. Those are Domain, Kingdom, Phylum, Class, Order, Family, Genus and Species."

"Very good. Thank you, Mr. Cabral. The Swedish botanist Carl Linnaeus is regarded as the founder of the current system of taxonomy, as he developed a system known as Linnaean Taxonomy for categorizing organisms and Binomial Nomenclature for----."

KNOCK! KNOCK!

Sabay sabay kaming napalingon sa kumatok. Binuksan ni Ms. Agustin ang pinto.

"Yes? Oh---Mr. Alvarez.."

"Good morning Miss. Agustin." Kumunot ang noo ko at nagtataka kung anong ginagawa dito ni Latrell.

"Look, si Latrell.."

"Oo nga ang gwapo niya talaga! Kahit may benda ang ulo niya."

"Ano kayang ginagawa niya dito?"

"Waaah..ang cute niya."

Yan ang mga naririnig kong bulungan ng mga kaklase ko.

"May kailangan ka, Mr. Alvarez?"

"Yes miss." Bigla siyang tumingin sakin. "May I borrow, Ms. Myla Guizuvel?" Nanigas ang katawan ko. Bakit dito niya pa ako naisipang puntahan?

"OMG! Bakit niya hinahanap si Myla?"

"Oo nga, bakit niya hinahanap ang trapo na yan?"

"Mga gaga! Di niyo ba alam ang balita? Naroon siya ng mabagsakan ng paso sa ulo si Latrell.."

"Do you mean...siya ang may kasalanan niyon?"

"I think hindi. Kasi galing raw sa itaas ang paso at nahulog. And guess what.."

"What?"

"May tsismis na iniligtas ni Latrell si Myla.."

"What?"

"Class, quiet!" Saway ng aming guro ng mapalakas ng mga nasa likuran ko ang pinag-uusapan nila.

"Pinapatawag po kaming pareho sa Dean's Office." Sabi ni Latrell sa muling lumingon sakin. Naiilang ako dahil bakit niya pa ako kailangan ngitian.

"Ay oo nga pala. Kumusta nga pala yang sugat mo sa ulo?"

"Pagaling na po Miss, thanks."

"Mabuti naman, o siya sige." Bumaling ang guro sakin. "Ms. Guizuvel, samahan mo na si Mr. Alvarez sa Dean's Office. Excuse ka na muna for today."

Tumayo na ako at lumakad sa gawi ni Latrell. "Thanks po, miss." Sabi ko saka lumabas.

"Grabe, ang swerte niya!!"

"Oo nga, pero di sila bagay hahaha."

Napabuntong hininga nalang ako sa pahabol pang mga bulungan ng mga kaklase ko.

"Don't mind them, love.." Aniya nang maglakad kami sa hallway.

Gulat akong napalingon sa kanya. Saka nag palinga linga kong may tao. Buti naman at wala.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now