CHAPTER FOURTEEN

10 0 0
                                    

MYLA

GAYA ng nakagawian ay sinusundo ako ni Latrell sa labas ng village.

"Good morning, pretty." Matamis na ngiti ang isinalubong niya sakin. Naglakad pa siya palapit sakin at nagulat nalang ako nang akbayan niya ako. Kunot noo ko siyang nilingon pero malapad na ngiti lang ang binigay niya sa'kin. "Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya nang makalapit kami sa kotse niya.

"Normal naman.." Simpleng sagot ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero 'di parin ako pinakakawalan.

"Hindi man lang gumanda ang tulog mo pagkatapos nung kagabi?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inalis ang kamay niya sa balikat ko saka pumasok na ng sasakyan. Tumatawa naman siyang sinara ang pinto saka pumunta sa kanyang upuan.

"Sure ka bang hindi maganda ang tulog mo kagabi?" Tanong niya uli habang kami ay nasa biyahe.

"Normal nga lang, hindi maganda hindi rin pangit, normal lang ang kulit mo!" Inis na sabi ko saka hamalukipkip.

Napasimangot naman siya. "Grabe ka, samantalang ako, ang sarap sarap ng tulog ko dahil ikaw ang panaginip ko hehehe."

Inirapan ko lang siya. Wala akong imik hanggang sa pagdating namin sa University. Sanay akong makulit siya pero hindi ang ganitong mga pinagsasabi niya.

Nagugulat nalang ako sa mga kilos niya kapag kasama ko siya. Nagugulumihanan ako kung paano ko siya pakikitunguhan. Naisip ko na lang na parte iyon ng kanyang pagkatao.

Pero paano naman iyong paghalik niya sakin? Nakadalawa na ang loko at pinabayaan ko lang? Lihim kong sinasaway at pinagsasabihan ang sarili ko na iyon na ang huling beses na magpapahalik ako. Dahil hindi tama iyon. Ni hindi ko nga siya tinuring na kaibigan. Sadyang napilitan lang ako sa kakulitan niya.

Alam kong may dahilan kaya ganoon ang kilos niya sakin at kung bakit niya ako hinalikan. Pero alam kong hindi iyon dahil sa gusto niya ako. Iniisip ko na lang na playboy siya at hindi ako natutuwa ro'n. Hindi ako umaasang magustuhan niya---dahil ayaw ko ring mangyari yun---pero hindi ibig sabihin niyon na papayag akong paglaruan niya.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya.."

Natigil ang pag-iisip ko sa sinabing iyon ni Latrell. Nakarating na pala kami sa parking lot.

Gulat akong napalingon sa kanya. "Ano?"

"Sabay tayong mag-lunch mamaya.." Ulit niya. Hindi tanong at mas lalong hindi request, para iyong utos.

"Nababaliw kana ba? Nag-usap na tayo hindi ba? Hindi nila tayo pwedeng makitang magkasama, Latrell---."

"Hey, easy..." Putol niya saka natawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi tayo sa Canteen kakain, Myla." kumunot ang noo ko. "Doon tayo sa puno kakain. Para mahaba-haba ang pagsasama natin." aniya na kumindat pa sakin.

"Ang dami mo talagang naiisip na trip noh?" sarkastikong sabi ko.

"Ako pa.." Pagmamayabang niya pa na napabuntong hininga lang ako. "Ako na ang bibili ng food. May mga packed foods naman sa canteen. Hintayin mo ko dun ha?" Aniyang hindi ko sinagot. Lalabas na sana siya nang pigilan ko. "Bakit?" Aniyang takang tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Mabilis kong inalis yon. Biglang sumilay ang nakakalokong ngiti niya. "Eyy..Ikaw ah..may pa hawak hawak ka narin sakin ah.."

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka tumingin sa labas.

"Ako na muna ang lalabas." Itinuro ko ang ilang mga taong nasa parking lot. "May mga tao, hindi nila tayo pwedeng makita."

"Tch!" Reklamo niyang nakanguso pa. Akma na akong lalabas nang pigilan niya ako. "Wait."

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Hindi lang siya nagsalita at basta niya na lang inilapit ang mukha niya at nahulaan ko na agad yun. Bago pa man makadikit ang nguso niya ay tinakapan ko na ang mukha niya ng palad ko at itinulak siya.

WHY CAN'T WE BE?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora