CHAPTER TWENTY

10 0 0
                                    

LATRELL

KAKARATING ko lang sa bahay matapos kong ihatid si Myla.

Hindi mawala ang ngiti ko lalo na nang pagmasdan ko ang daliri kong may singsing.

Sobrang saya ko sa oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang kagalakan sa aking puso pagkatapos kong magpropose sa babaeng mahal ko.

Well, hindi naman iyon engagement ring. It's just our proof that we can't be separated.

Balang araw ay yayayain ko rin siyang magpakasal. At hindi na ako makapaghintay na mangyari yun.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko tanda ng pagka-low battery nito.

Kinuha ko iyon upang i-charge. Kumuha ako ng damit sa closet ko at nagtungo sa banyo para sana maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Lumapit ako at kinuha iyon nang hindi tinatanggal sa pagkakacharge. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Hindi nakarehistro ang caller pero sinagot ko parin iyon.

"Hello?"

"Trell, si Myla!"

Nagulat akong makilala ang boses niya.

"C-Celine? Wait, anong nangyari kay Myla?"

"Trell, pumunta ka sa bahay ngayon din, bilis!"

"Just---." Napatingin nalang ako sa screen ng cellphone ko dahil pinatay na niya iyon.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Nag-alala ako bigla kay Myla kaya nagmadali akong lumabas ng bahay at  pinaharurot ang sasakyan.

Kinapa ko ang bulsa ko para sana tawagan si Myla. Napamura nalang ako nang mapagtantong naiwan ko iyong nakacharge sa kwarto.

Sa halip na bumalik ay nagmadali na akong dumeretso sa bahay nina Celine.

Patakbo kong pinasok ang bahay nila at agad na hinagilap si Myla.

"Where's Myla?" Hinihingal kong tanong sa nabungaran kong kasambahay.

Nagbaba lang siya ng tingin. "S-Sumunod po kayo sakin..." Yon lang ang sinabi niya at nagpatiuna nang umakyat sa hagdanan.

Nagtataka man ay sinundan ko nalang siya.

Nakarating kami sa tapat ng pintuan ng isang kwarto.

"Pumasok na po kayo sir..." Ang sabi niya.

"Andito ba si Myla?" Tanong ko na hindi naman niya sinagot. Hindi man lang niya ako tinitingnan. Binuksan niya ang pinto para sakin.

Pumasok siya kaya sumunod naman ako. Nagtaka ako dahil malawak ang kwarto.

Dito kaya ang kwarto ni Myla?

"Nasa terrace po si Mam Celine."

"Pero si Myla ang hinahanap ko.." Sa halip na sumagot ay umalis nalang ito at lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako saka tinungo ang terasa.

Naabutan ko si Celine na nakaupo habang umiinom ng wine.

"You're here.." Nakangiting aniya nang makita ako.

"Where's Myla? I thought my masamang nangyari sa kanya."

She smirked. "Ano ka ba, ayos lang sya. Come and join me." Iminuwestra niya ang isang upuan.

"Asan na ba kasi siya?" Salubong ang kilay na sabi ko.

"Relax, naliligo pa siya. Halika na at maupo. Uminom na muna tayo ng wine habang hinihintay siya."

Napapakunot noo na lang ako sa inasta niya.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now