CHAPTER THIRTY-SEVEN

9 0 0
                                    

MYLA

NANG makababa si Myla ay nakaayos na siya uli. Ako naman ay ibinalik lang ang kaninang suot.

"Pupunta na tayo kay Tao.."

Umismid ako. "Excited ka talagang makita ang kabit mo."

"Tsk, andyan ka na naman. Tigilan mo ko, nagugutom na ako, Latrell." Inis na sabi niya.

"Sinong hindi magugutom? Sa ating dalawa, ako lang ang kumain---Oy!"

Bigla niyang ibinato ang unan ng couch sa akin at hindi ko na-ilagan iyon.

Sumama ang mukha niya. "Wag mo na ngang mabanggit banggit yan! Bastos ka talaga!" Inis na sabi niya saka muli akong binato at doon palang ako nakailag.

Napangisi lang ako. "Sorry, Love. I just can't help myself from thinking of what happened a while ago. It's our first..."

"Pwes, hindi na mangyayari uli 'yon!"

Mas lalo akong napangisi, mas lalo siyang iniinis. "Are you sure?" Panunukso kong tanong.

"Hindi!" Galit na niyang sigaw. "Diyan ka na nga, ako nalang ang aalis!"

Bigla siyang naglakad palabas at agad ko naman siyang hinabol.

"Love! Wait, sasama ako."

"Wag ka nang sumama, ako nalang ang pupunta." Nasa tono parin niya ang inis kaya kaagad ko siyang hinawakan sa kamay at niyakap.

"Love, sorry na.."

"Nang-aasar ka eh!" Singhal niya.

"Sige, hindi na mauulit." Nakangiti sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi. "Pupunta na tayo don. Nagugutom narin ako eh, hehe."

"Tsk, eh ayaw mo ngang pumunta don dahil nagseselos ka kay Tao."

"Hindi, joke lang naman 'yon."

"Hmp!" Asik niya saka nagpatiunang pumasok sa kotse.

Napabuntong hininga ako. Pero napangiti ng nakakaloko nang maisip na baka nagutom siya dahil sa ginawa ko sa kanya kanina.

"Ano pang ginagawa mo dyan?" Salubong ang kilay niyang nakasilip sa bintana."

"Eto na po." kakamot kamot akong pumasok ng kotse. "Meron ka ba ngayon, love?" Tanong ko habang pinaandar ang kotse.

"Ng alin?" Masungit na tanong niya.

"Menstruation."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala."

"Ang init kasi ng ulo mo kanina pa. Akala ko meron ka."

"Tsk, kung meron, di sana puro

dugo 'yang bibig mo kani...---" Natutop niya ang kanyang bibig habang nanlalaki ang mata nang mapagtanto ang kanyang binitawang salita.

Lumobo ang pisngi ko upang pigilang matawa sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin nang mamula ang kanyang pisngi. "F-Forget about it." Aniyang sa bintana ang tingin.

Tahimik akong napabungisngis habang nagmamaneho.

HINDI siya umimik, ni tumingin sakin hanggang makarating kami sa Restaurant ni Tao. High class ang restaurant ni Tao. Naghuhumiyaw ang kinang at liwanag ng mga chandelier. Napaka-elegante ng ayos ng loob niyon lalo na ang mga furniture.

Hindi ka makakakain doon kung wala kang sapat na pera. Halos triple ng mga presyo sa ibang mga restaurant ang mga pangkain doon. Bukod kasi sa galing pang Taiwan ang mga pinanggagalingan ng mga niluluto ay world class pa ang chef na hired niya doon. Hindi lang iyon ang kanyang Restaurant, dahil meron siyang walong branch sa iba't ibang sulok ng Pilipinas, sa Luzon, Visayas at Mindanao at patuloy parin siyang nagpapagawa ng branch nito.

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now