CHAPTER TWENTY-NINE

11 0 0
                                    

MYLA

NAPAPALUNOK nalang ako sa kahihiyan habang gulat na gulat na tinitingnan ng mga naroon. Mga nakakunot ang noo at nakataas ang kilay. Tila nagtatanong kung sino ba itong babaeng ito na naglakas loob na mag-iskandalo sa isang kasal.

Nang makita ko ang mukha ng kuya ni Latrell ay mas lalo akong nahiya. Naniningkit ang mga mata nito na sa hula ko ay nainis dahil naudlot ang kanya sanang paghalik sa magiging asawa.

Ang bride naman ay salubong ang kilay na tumingin sakin at saka sinamaan ng tingin ang kanyang groom.

At nanlumo nalang ako nang makita si Latrell sa tabi na kunot noong nakatitig sakin. Nang magtama ang paningin namin ay tumaas ang sulok ng kanyang labi, pagkuway napangisi.

Doon palang nanginit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Hiniling ko na sana lamunin ako ng lupa, maging invisible o matunaw para lang makaalis doon.

Huminga ako ng malalim.

"S-Sorry.." Mariin akong napapikit at agad na tumalikod. Mabilis akong lumabas ng simbahan dala ang nakakahiyang karanasan.

"Myla!" Narinig kong sigaw ni Latrell. Pero hindi ko siya nilingon. Iiling iling akong naglakad pababa ng hagdan. "Myla wait!"

Mahirap makababa lalo na't naka-heels ako. Kaya naman hindi kataka takang naabutan ako ni Latrell.

Agad niya akong hinawakan sa braso. "Sa tingin mo hahayaan kitang umalis pagkatapos mong mag-eskandalo sa kasal ng kuya ko?" Pinilit niya akong iniharap sa kanya. Ako nama'y na patungo dahil hindi ko siya kayang tingnan. "Hey, look at me.." Hinawakan niya ang baba(chin) ko at iniangat ang mukha ko. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko. Narinig ko ang pagtawa niya. "Hoy, ano bang ginagawa mo?" Tinanggal niya ang mga kamay ko. Napabungis-ngis siya nang ipikit ko ang mga mata ko. "Hey, look at me. I want to ask you."

"A-Ayuko." Sabi ko na hindi iminumulat ang mata.

"Tch! Open your eyes." Utos niya.

Umiling ako. "Ayuko."

"Ayaw mo?"

"Ayuko.."

"Ah ayaw mo. Kung halikan kaya kita ngayon.."

Inis akong napamulat at sinamaan siya ng tingin.

Matamis na ngiti lang ang iginanti niya. Mas lalong lumalalim ang dimple niya sa pagkakangiti niya. Napakagwapo niya sa kanyang white tux.

Mas lalo akong nainis nang kagatin niya ang labi niya para pigilan ang pagtawa.

"Wag mo nga akong pagtawanan!"

Muli siyang napangiti. Yung amuse na amuse.

"So why are you here?" Agarang tanong niya na ikinatigil ko. "Bakit bigla ka nalang sumigaw ng 'itigil ang kasal!'" Napanguso ako nang gayahin niya ang ginawa ko kanina. "Hoy." aniya nang hindi ako nakasagot.

Napatungo ako. "A-Akala ko kasi..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Lumapit pa siya at sinilip ang mukha ko. "Akala mo ano?.."

Nakagat ko nalang ang labi ko sa hiya. Dagdag pa ang lapit ng mukha niya sakin. Tumikhim ako at bahagyang inilayo ang mukha sa kanya.

"A-Akala ko ikaw ang...ikinakasal.."

Napahagikgik siya. "Sino bang nagsabi sayong ako ang ikakasal ngayon?"

"Sinabi ng Mommy mo sakin.."

"Si Mom?"

Tumango ako. "In-invite niya kasi ako sa kasal daw ng anak niya. Binigyan niya pa ako ng invitation. H-Hindi ko na binuksan, akala ko kasi ikaw.."

Napabuntong hininga siya. "Biglaan ang pagpapakasal nina kuya. Buntis si ate Cat kaya kinailangan nilang magpakasal agad. So na-postpone ang balak nilang ikasal kami ni Celine. Next year nalang daw." Napasinghap nalang ako nang mas ilapit niya ang katawan niya at hinapit ako. "Pero mukhang may dahilan na ako para hindi ituloy ang kasal na iyon." Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang paningin namin. Nakita kong kumislap ang mata niya kaya ganon nalang ang tahip ng dibdib ko. "Hindi ko na kailangang itanong pa ang dahilan kung bakit gusto mong itigil ang inakala mong kasal ko." Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinaplos niya ng kanyang hinlalaki ang aking labi. "I just want to hear from you the words that I wanted to hear for so long.."

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now