CHAPTER THIRTY-THREE

14 0 0
                                    

WARNING:

SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR VERY YOUNG AUDIENCES. READ AT YOUR OWN RISK.

CELINE

NANLAKI ang mata ko nang makita si Myla na nakahandusay sa paanan ng hagdanan, walang malay at...may dugo na umagos mula sa ulo nito.

Napalunok ako nang tingnan ako ng ilang estudyante doon.

"Oh my God!" Bulalas ng isa.

Natutop naman ng isa ang kanyang bibig. "Celine, bakit mo siya tinulak?"

Hindi naman ako makapagsalita. Kumibot lang ang labi ko at napakuyom ang kamay.

"Tara tumawag na tayo ng tulong!"

Patakbo silang bumaba at sigaw ng sigaw ng tulong habang ako naman ay nanigas sa kinatatayuan.

Maya maya ay nagsidatingan narin ang ilang estudyante at gulat na gulat sa pagkakita kay Myla. Napalunok nalang ako nang makita ko si Trell na patakbong umakyat palapit kay Myla.

"Myla!" Sigaw niya habang sinusubukang gisingin ang walang malay na si Myla. "Love!"

Napatingala siya sa gawi ko at kunot noo akong tiningnan. Maya maya ay galit na galit siya lumapit sakin at sinakal ako.

"Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Trell! Nasasaktan ako!" Usal kong nahihirapang huminga.

"I told you not to hurt Myla again, pero hindi lang yon ang ginawa mo! You even tried to kill her!"

"Latrell!" Sigaw ni Tao. "Kailangan na nating dalhin si Myla sa hospital!"

Marahas akong binitawan ni Trell saka dinuro. "Kapag may nangyaring masama kay Myla, humanda ka sakin!"

Agad niya akong tinalikuran at patakbong binalikan si Myla. Pinagtulungan nilang buhatin ito.

"Ingatan mo ang ulo ni Myla." Utos ni Tao.

Maya maya lang ay wala nang tao roon maliban sakin. Patakbo akong bumaba at lumabas ng building saka mabilis na nilisan ang UE.

Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho pauwi sa bahay.

"Why are you so early?" Bungad na tanong ni Mommy. Sinilip niya ang mukha ko at napakunot noo. "Why are you so pale?"

Agad akong dumiretso sa kusina at kumuha ng tubig gamit ang nanginginig kong mga kamay. Nilagok ko ang laman ng baso saka nagtungo sa sala. Si Mommy naman ay nagtataka sa kilos ko habang sinusundan lang ako.

"May problema ka ba Celine?"

Napasalampak ako sa sofa at mariing napapikit.

"I-I pushed Myla down the stairs." Sabi ko.

"What?" Gulat na tanong niya. "Ano? buhay pa ba siya?"

"I don't know, dinala na siya sa ospital."

"Buti nga sa kanya." Napatingin ako kay Mommy. "Sana nga matuluyan na siya."

"Mom, makukulong ako pag nagkataon." Saway ko.

"May nakakita ba?"

"Oo, marami."

Nasapo niya ang noo. "Problema nga iyan."

"Mom, ayukong makulong. I never dreamed being in jail."

"Wag kang mag-alala, hindi mangyayari yon."

"Pero Mom, there are witnesses. Even Latrell saw me in that place."

"What? Ba't kasi hindi ka agad umalis!"

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now