CHAPTER THIRTY-ONE

8 0 0
                                    

TAO

NAKARAAN...

"IPAKITA mo iyan kina Myla at sir Latrell." sabi ni ate Olivia nang ipasa niya ang isang video sa akin. Agad niya akong tinawagan para ibigay iyon. Nasa tapat kami ng bahay nina Celine.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapanuod ang video.

"Malaking bagay iyan laban kina Mam Selina." dagdag niya. "Grabe ang mga taong iyan, mga halang ang kaluluwa!"

"Maraming salamat, ate Olivia. Napakalaking bagay nga nito."

"Isa pa, kailangan niyong magmadali, sir Tao."

"Bakit, ate Olivia?" kunot noong tanong ko.

"Kakaalis lang nina Mam Selina at Mam Celine. Pupunta sila kina sir Latrell. May dala silang abugado. Balak na nilang sampahan ng kaso si sir Latrell."

"What?" gulat na tanong ko. Agad akong nagmadali. "Sige, ate Olivia. Kailangan ko nang umalis. Kailangang maabutan ko sila doon."

Agad akong nagpaalam para puntahan ang bahay nina Latrell.

Kung tutuusin ay wala na sana akong pakialam sa mga ganoong bagay na may kinalaman kay Latrell. Pero alang alang kay Myla ay gagawin ko ang lahat sumaya lang siya kahit sa piling man iyon ng iba.

Tulong ko rin ito para mapagbayaran nina Celine ang ginawa nila kay Myla. Nagdusa nang husto si Myla nang dahil sa kanila.

Bumibyahe na ako patungo sa bahay nina Latrell nang mapansin ko ang sasakyan na tila kanina pa sumusunod sa akin. Nakita ko pa itong nakabuntot sa akin sa highway kaya nagtaka akong hanggang sa village nina Latrell ay sumusunod parin siya.

Nakakunot lang ang noo ko habang sinusulyapan siya mula sa rearview mirror ko.

Salubong ang kilay kong biglang pinahinto at muntik nang mabungo ng bumper ng kanyang  sasakyan ang likuran ng sakin. Marahas itong napabusina.

Agad akong lumabas at nilapitan siya. Bumaba ang isang babaeng hindi pamilyar sa akin. Maputi, blonde ang buhok at maganda.

"Bakit mo naman inihinto bigla ang sasakyan mo nang hindi nagbibigay ng signal sakin?!" Galit na asik niya.

Napahalukipkip ako. "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "What?" bulalas niya.

"Sinusundan mo ba ako?" Ulit ko. "Kanina ka pa sa highway, hanggang dito nakabuntot ka parin. Now tell me, are you a stalker? Sino ka ba? Hindi kita kilala."

"Ha!" Natawa ng mapakla ang babae. "At sino ka ba sa tingin mo? Stalker? Patawa karin eh no? Arista ka ba? FYI, hindi kita sinusundan, nagkataon lang na iisa ang dinaanan natin. Psh!" She flipped her hair in front of me then walked out. Mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan saka binusinahan ako. "Tabi! Dadaan ako!" Sigaw niya dahilan para magsalubong lang ang kilay ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumabi nalang at bigyan siyan ng daan. Napabuntong hininga ako bago bumalik sa aking sasakyan at nagdrive patungo sa bahay ng mga Alvarez.

Pero nagtaka ako nang nakahinto rin sa tapat ng bahay nina Latrell ang babaeng iyon.

Halos sabay lang kaming bumaba ng sasakyan. Katulad ko ay nagtaka rin siya.

"Dito rin ang punta mo?" Tanong niya at tumango ako.

"Yeah, andito ako para kina Latrell at Myla. How about you? May I know your name?"

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now