PROLOGUE

9.5K 121 4
                                    

WARNING: 

This story contains mature themes, sensitive content (like volience, suicide and abuse) and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. 


                            *****

NAKATAYO at nakaharap sa malaking bahay ang pitong taong gulang na batang si Myla. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Sobrang laki nito kumpara sa kanilang bahay.

Mas mayaman ang mga ito kaysa kanila. Maraming properties ang pagmamay-ari ng mga ito  saan mang sulok ng Pilipinas.

Samantalang sila ay meron lang shares sa mga ito. Sa murang edad niya ay di niya pa nalalaman ang tungkol sa business nila at kung anong mangyayari sa bahay nila gayong wala nang nakatira doon.

Sa Pampanga sila nakatira. Nag-iisa siyang anak nina Mae Laurie at Marvin Gizuvel at masaya sanang namumuhay.

Nasa school siya nang mangyari ang aksidente. Sakay ng kotse, di nila inasahang makakasalubong ang isang 10 wheeler truck na nawalan ng preno at sa isang iglap lang ay tumilapon at tumaob ang kotseng sinasakyan ng dalawang mag-asawa. Dead on arrival ang mga ito sa lala ng natamo sa aksidente.

Agad na nagsagawa ang ilan sa mga kamag-anak ng libing ng mga ito. Isang linggo lang matapos ng libing ay nagpasya ang tito Ben niyang isama na siya sa Maynila at doon na tumira para magpatuloy sa pag-aaral.

Ito na lang ang makakatulong sa kanya dahil ito lang pinakamalapit nilang kamag-anak. Si Benedick ay panganay na kapatid ng kanyang ina. Dalawa lang ito sa mag-kakapatid.

Samantalang ang kanyang ama ay ulila na noon pa at nag-sikap lang na mamuhay.

Kaya wala na siyang ibang matutuluyan kundi ang tito Ben niya.

"Halika na hija." Sabi ng tito Ben niya ng makalapit ito sa kanya at yayain siyang pumasok sa loob. At inutusan nito ang mga katulong. "Ipasok niyo na sa loob ang mga gamit ni Myla."

Nagpatuloy sila hanggang makapasok sa sala at agad niyang nakita ang mga taong naghihintay doon. 

Ang tita Selina niya at ang anak nito na si Celine na parehong salubong ang mga kilay. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkadisgusto nito sa kanya. 

Nang makalapit siya sa gitna ay tumungo siya bilang paggalang. 

"G-Good Afternoon po tita." aniyang nakangiti pero di siya nito pinansin at di parin nagbago ang ekspresyon nito. Tumingin naman siya sa pinsan niya. "H-Hi, Cel---." Di natuloy ang pagbati niya rito nang agad siya nito talikuran at akmang aakyat sa hagdan. 

"Celine!" Tawag ng tito Ben niya rito. "Di mo lang ba babatiin ang pinsan mo?" 

Lumingon naman ito pero agad siyang inirapan. "Hmp!" saka tuluyang umakyat. 

"Celine!" sigaw ng tito niya. Pero di ito pinansin. Tinalikuran din sila ng tita Selina niya at nagtungo sa kusina. 

"Pagpasensyahan mo na sila. Halika, ihahatid kita sa magiging kuwarto mo." Anito at inihatid siya sa guestroom na magiging kwarto niya. 

Naupo siya sa kamang naroon at iginala ang mata. Medyo maliit kaysa sa dati niyang kuwarto. Malamang dahil guestroom kasi ito. 

May closet, cabinet, maliit na mesa at upuan. Naisip niyang pwede siyang mag-aral doon. Meron din itong sariling banyo. 

Agad naman siyang nalungkot nang mapansing nag-iisa siya roon. Mabilis na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata nang maisip na wala na siyang mga magulang. 

WHY CAN'T WE BE?Место, где живут истории. Откройте их для себя