CHAPTER THIRTY

11 0 0
                                    

MYLA

KINABUKASAN...

DAHIL linggo, niyaya ako ni Latrell na mamasyal. Napili naming pumunta muli sa Park sa Maynila. This time, may dala na kaming mga pagkain, inumin at sapin.

Aaminin ko, hindi ako naging masaya nung si Tao ang kasama ko. Ngayong kasama ko na si Latrell, masaya na muli ang puso ko.

"Kagagaling lang namin ni Tao kahapon dito.." Pag-amin ko habang nilalatag ang sapin.

"What?" Agad siyang nagalit. "Bakit mo naman naisipang  dalhin siya dito? Alam mo namang para lang satin 'to."

"Tsk!" Singhal ko. "Siya ang nagdala sakin dito. Di ko rin in-expect yon."

"Tch!" Sumama parin ang mukha niya. "Ano, nag-date ba kayo dito?" Inis na tanong niya.

"Ang sabi niya gusto lang niya akong ipasyal at para daw makalimutan ko muna ang lahat at makapagrelax ako. Pero pano ako makakapagrelax kung ikaw ang laging naaalala ko dito.?"

"Tch, so burden pala ako sayo huh?"

"May sinabi ba ako?"

"Hindi ka nga makapagrelax dahil naaalala mo ko diba?" Aniyang napanguso.

Napabuntong hininga ako. Umupo na ako sa telang sapin at kinuha ang dala naming basket saka inilabas ang mga pagkain.

"Hindi naman sa burden, hindi lang talaga ako nag-enjoy dahil kahit si Tao ang kasama ko, ikaw naman ang nasa utak ko."

Bigla siyang napangiti at humiga sa tabi ko. "Talaga? So kahit anong pa-cute nung lokong 'yon, walang epekto sayo dahil ako ang nasa utak at puso mo?"

Ngumisi ako. "Nadali mo. By the way, dito rin nga pala siya nanligaw."

Napabangon siya at inis akong tiningnan.

"Ano???"

Umikot ang mata ko. Kumuha ako ng grapes at isinubo sa kanya. Masama parin ang mukha niya habang kinakain iyon.

"Gusto niyang bigyan ko siya ng pagkakataon. Malas lang niya dahil sa oras na iyon, bumalik lahat ng alaala nating dalawa dito. Dito ko rin naisip na mahal na mahal talaga kita at hindi ko kayang mawala ka. So ang nangyari, binusted ko si Tao--agad agad--at nagmadaling pumunta sa simbahan para puntahan ka."

Napabungisngis siya. Malamang ay naalala nanaman niya ang katangahang ginawa ko.

"So nagkausap pala kayo ni Mommy?" Tanong niya. Humiga siya at ginawang unan ang binti ko.

Tumango ako. "Hmm. Kinabahan nga ako eh. I thought she would sue me. Ang seryoso kasi niya ung time na yun."

"Ganun si Mom kapag nai-stress. Minsan masungit."

"Hm. At yung kuya mo ang nakakuha. Ang sungit niya pala."

Natawa siya. "Yeah right. Pero pagdating kay ate Cat, tiklop siya agad."

"Ikinuwento ng mommy mo ang kalagayan mo noong nawala ako." Nakita ko ang mapait na ngiti niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilapat sa pisngi niya. "Pagkatapos ng nangyari, hindi na daw ikaw ang dating Latrell na anak nila. Yung masayahin, makulit at malambing. Hindi ka na daw nila makausap ng maayos."

"Malaki ang epekto ng pagkawala mo." Aniya. "Dahil malaki ang naging parte mo sa puso ko."

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"S-Sorry. Hindi kasi kita pinagkatiwalaan nung gabing yon. Hihintayin pa sana kita kahit abutin ako ng umaga doon pero may dahilan kaya nagpasya akong umalis doon at 'di na magpakita sayo."

WHY CAN'T WE BE?Where stories live. Discover now