CHAPTER FORTY-ONE

16 0 0
                                    


MYLA

"T-TAO.." Humagulgol ako nang humagulgol sa balikat niya. Hindi ko akalaing nandito siya para iligtas ako.

"Sshhh, tahan na. Andito na ako. Ililigtas kita at aalis na tayo rito." Alo niya sakin habang hinahagod ang aking likod.

Pero agad ding nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo na ang lalaki at lalapit na samin.

"Tao!" Sigaw ko.

Agad akong pinakawalan ni Tao at pinatabi.

Gamit ang dala niyang makapal na kahoy ay hinarap niya ang lalaki.

"Tao, may kutsilyo siya!" Bulalas ko nang hinugot ng lalaki ang kanyang patalim sa likuran nito.

Ilang saglit lang ay nagkabunuan sila. Panay ang ilag niya sa tangkang pagsaksak nito sa kanya. Ako naman ay nasa tabi lang habang kagat ang labi at nananalanging wala sanang mangyaring masama sa kanya.

Maya maya lang ay nahampas ito ni Tao sa ulo dahilan para matumba ang lalaki at nawalan ng malay.

"Let's go, Myla." Agad niya akong hinawakan at hinila palabas ng kwartong iyon. "We need to get out of here. Baka magising sila ulit."

Iniakbay niya ako sa kanyang balikat at inalalayan palabas.

"Tao, si Celine, nakatakas siya sa kulungan."

"What? So siya ang nagpadukot sa'yo?"

"Oo, at kailangan na nating makaalis dito bago pa sila makabalik."

Pinilit kong maglakad kahit na kumikirot ang tiyan ko at nanghihina ang aking tuhod.

"Don't worry, ilalabas kita dito. Parating narin sila Latrell."

Nakarating na kami sa pasilyo. Napagtanto kong nasa ikalawang palapag kami kaya kailangan pa naming bumaba ng hagdan.

"Pano ka nga pala nakapunta dito?" Tanong ko.

"Nakita kitang dinukot ng mga lalaki, kaya sinundan ko kayo hanggang dito."

"Salamat talaga Tao, akala ko mamamatay na kami ng baby ko." Naiiyak na sabi ko.

"Hindi ko naman hahayaang may mangyari sa inyong dalawa ng inaanak ko."

Napangiti parin ako sa kanya sa kabila ng sakit na dulot ng sugat sa tiyan ko. Sana lang ay ayos lang ang sanggol sa sinapupunan ko.

Nakarating na kami sa ground floor at hindi pa man kami nakakalabas ay agad naming nakasalubong sina Celine.

"Pano kang nakarating dito!" Sigaw ni Celine.

Agad na umatras si Tao at hinila ako palayo sa kanila.

"Hoy!" Narinig ko pang sigaw ng lalaking kasama ni Celine.

Binilisan namin ang pagtakbo ni Tao.

"Kailangan nating magtago." Aniya saka iginiya ako paakyat ng hagdanan.

Ganon nalang kabilis ang pagsunod nila samin. "Hindi na kayo makakalabas dito ng buhay!"

"Magtago ka, Myla." utos sakin ni Tao.

"P-Pero pano ka?"

"Ako na ang bahala dito, ililigaw ko sila. Sige na!"

Agad naman akong tumalima. Halos takbuhin ko ang isang kwarto at pumasok doon. Buti nalang at maraming nakatambak doon na pwede kong pagtaguan.

Madilim ang paligid at tanging buwan nalang nag nagbibigay ng liwanag sa ilang sulok ng kwartong iyon.

Doon ako nagtago sa likod ng mga tambak na kahoy at iba pang kagamitan kung saan madilim at di nasisinagan ng buwan.

WHY CAN'T WE BE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon