07

570 36 2
                                    

[ ◉¯]

Chapter 7

Lied

"Hindi naman 'yan ang si-nend ko!"

Nag-aaway si Thaianara at Euclid sa tabi ko habang sinusubukan kong makinig sa Empowerment Technology naming subject sa Computer Lab. I tried to sit much farther from them earlier but our professor told us to sit with our group in our classroom so I didn't have any other choice. Ang ingay pa nila, baka mamaya kapag mahuhuli silang hindi nakikinig, i-pa-pa-recite sila at wala silang maisagot.

Tumawa si Euclid. "Mas maganda 'to! Mas bagay siya sa theme ng pictures natin as a group. Yung si-nend mo kasi masyadong trying hard!" Ani ni Euclid habang nag-e-edit ng kung ano-ano sa cellphone niya.

Mayroong PC sa harap niya kaya hindi masyadong kita na humahawak siya ng cellphone, dagdag na rin na nakaupo naman kami sa bandang likod. Sinadya ata nila para makapagchikahan sila nang hindi mataas yung chance na mahuhuli sila.

"Gaga! Professional camera ang kumuha no'n! Kaya 'wag mo 'kong angasan!" Pagtanggol pa ni Thaianara.

Umismid si Euclid. "Kaya nga! Masyadong professional. Okay na 'tong jeje pic mo na naka-puppy filter, mas lalo kang nagmumukhang aso—"

Binatukan siya ni Thaianara.

I stretched my neck to see what they were rambling about.

Euclid was manipulating the group's pictures on an editing app on his phone. He was making a collage like Grazen said he would. I even got to see everyone else's pictures—they were all so jejemon, especially Thaianara who had a selfie with a puppy filter on while her bangs was swept to form a side bangs. Buti na lang hindi pa nailagay ni Euclid ang picture kong si-nend sa kaniya.

And speaking of, I also haven't got the chance to open the GC as I was preoccupied with reviewing notes and my own leisure time these past few days, but I assumed that Euclid got added already 'cause I could hear loud chat notifications every night which I'd have to mute every so often.

"Favorite ko yung kay Kaia kasi naka-B612 siya," singit ni Freya at nakititig naman sa screen ni Euclid.

Tumawa lang si Euclid at tsaka ako binalingan. Nahuli niya akong nakatitig sa cellphone niya.

"Complete na lahat, yung sa 'yo na lang, Elize."

Kumunot naman ang noo ko. Akala ko ba na-send-an ko na siya?

"Huh? I already sent it to you via direct message, though. Did you not receive it?" Nagtataka kong tanong.

Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Ha? Parang wala naman—"

"What's the commotion over there, Mr. Protacio?"

Natigilan kami nang biglang binanggit ang pangalan ni Euclid. Nanlaki ang mga mata niya at ni Thaianara, habang ako naman ay napaupo nang matuwid, napabulong ng mura.

Kahit na sila na lang yung papagalitan, 'wag lang ako.

Euclid chuckled awkwardly.

"Wala naman, sir." He blinked profusely.

Our E-Tech professor rose his brow, not believing him one bit.

Napatingin naman ako sa katabi niyang si Thaianara na pumipigil na ng kaniyang tawa, natutuwa na nahuli si Euclid at hindi siya nasama.

"Stand up."

Ito na nga ba yung kinakatakutan ko.

Kaagad namang tumayo si Euclid, lahat naming kaklase ay nasa kaniya na ngayon ang mga mata. Sumandal yung professor namin sa kaniyang desk at diretso ang titig sa porma ni Euclid na inosenteng ngumingiti habang ang mga kamay niya ay nasa likuran.

Always Have Been, Always Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon