Chapter 1

670 17 5
                                    

WARNING: THIS STORY CONTAINS A LOT OF SEXUAL & SENSITIVE SCENES OR TOPICS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READER'S DISCRETION IS ADVISED. THANK YOU.

-THE AUTHOR


********************************************************


"THIS court finds the accused, Carter James Monares, guilty!"

Fear automatically creeps in. Sunod-sunod siyang umiling habang sunod-sunod din na umaagos ang luha mula sa mga mata. May mali sa mga nangyayari. Hindi siya ang pumatay kay Colleen. Wala siyang kasalanan. Nalilito na lumingon si Carter sa ina, kapatid at Lola niyang umiiyak.

"Mom, tulungan mo ako! Hindi ako ang may gawa! Hindi ko pinatay si Colleen! Mommy!" patuloy na sigaw Carter habang walang hinto itong nagmamakaawa sa mga pulis na pilit itong sinasama.

"Alam ko, anak! Naniniwala ako sa'yo," umiiyak na sagot ni Elizabeth.

"Lola? Lola! Do something! I didn't do anything! Ate!"

Mula sa police station, ilang buwan palang ang nakakalipas mula ng mamatay ang kanyang nakababatang kapatid na si Colleen, natagpuan ni Carter ang sarili sa harap ng korte, humaharap sa sentensya mula sa krimen na sinabi nilang ginawa niya.

"Inmate 1025! Monares!"

Natagpuan ni Carter ang sarili na sumisigaw sa pagmulat ng mga mata. Bumalikwas siya ng bangon habang habol ang hininga. Pinagpapawisan ng malamig ang kanyang mukha. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagising dahil sa panaginip na iyon, o maaari niyang sabihin na bangungot?

"Inmate 1025, hoy Monares!"

Bahagya siyang lumingon sa likod, tumikhim bago tumayo at lumapit sa rehas na bakal.

"Bakit?" tanong niya sa mababa at baritonong boses.

"Binangungot ka na naman?" pag-uusisa ng jail warden.

"Anong kailangan mo?" sa halip ay tanong niya.

"Magbalot ka na ng gamit mo, aalis ka na ngayon."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin na aalis? Saan ako pupunta?" naguguluhan tanong ni Carter.

Bumuntong-hininga ang warden. "Binigyan ka ng parole mula ngayon kaya laya ka na."

Napahawak siya sa mga rehas. Biglang nawala ang bigat na nararamdaman mula sa pagiging balisa dahil sa kanyang panaginip. Nakaramdam siya ng pag-asa sa puso, nagdadasal na sana ay totoo ang kanyang narinig.

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Sampung taon. Isang dekada na ang lumipas mula ng makulong si Carter dahil sa kasalanan na sinabi nilang kanyang ginawa. Na-sentensyahan siya na hanggang labinlimang taon pagkakakulong dahil hindi niya nagawang depensahan ang sarili. Ayon sa mga police, pinatay niya daw ang kanyang kapatid na si Colleen, na isang malaking kalokohan para sa kanya. Malapit ang relasyon ng magkapatid na Carter at Colleen. Magkasundo sila. Walang maalala ang binata na nag-away sila ilang araw bago ito mamatay o kahit na noong araw na namatay ito.

Ang sabi nila ay natagpuan daw ang kanyang finger prints sa m*rder weapon. Ang sabi nila ay dahil daw sa inggit kaya niya nagawang patayin ang kapatid. Lahat ng iyon ay sinabi ng mga tao sa kanyang paligid na dahilan kung bakit siya napunta sa impyernong lugar na iyon at nanatili ng sampung taon. Ngunit ang katotohanan ay walang maalala si Carter sa nangyari ng gabing iyon. Mula noon, naghintay na lang siya ng kanyang paglabas, nang sa ganoon ay masimulan niya ang paghahanap ng katotohan sa pagkamatay ni Colleen.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalWhere stories live. Discover now