Chapter 17 🔞

170 15 0
                                    

NAGISING si Lei na bahagya pa rin masakit ang ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at naupo doon sa sofa. Huminto siya sandali nang bahagyang mahilo kaya't pinikit niya ang mga mata. Huminga siya ng malalim bago lumingon sa paligid para lang mapagtanto kung saan siya sa mga sandaling iyon.

"Bakit ako nandito sa opisina niya?" tanong pa niya sa sarili.

Sinubukan ni Lei na alalahanin ang nangyari. Matapos siyang itulak ni Theo Monares at nauntog siya sa mesa. Matapos makita iyon ni Carter ay tuluyan nang nagkagulo ang mag-tiyuhin. Matapos iyon ay binuhat siya ng binata papasok ng opisina nito. Nakatulog na siya matapos bigyan ng doctor ng gamot.

Nang muling lumingon sa paligid, wala doon ang taong nais sana niyang makita. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Sadie. Agad itong ngumiti sa kanya.

"Oh, gising ka na pala."

"Ngayon lang."

"Kumusta ka na?"

"Medyo hilo pa at masakit ang ulo pero mas okay na ako."

Naupo si Sadie sa tabi niya at inayos pa nito ang kanyang buhok.

"Tinakot mo kami kanina, lalo na si Sir."

"Sorry."

"Nah, wala 'yon. Hindi mo naman kasalanan. Pero first time makita na ganoon kagalit si Sir, as in iyon na iyong pinakagalit niya ever!"

"Talaga?"

"Oo! Nakakatakot siya magalit kaya nagulat kami na sinuntok niya ang Uncle niya."

"Iyong si Theo Monares, lagi ba siyang ganoon? Palaging gumagawa ng eksena at lasing?"

"Hay naku, oo! Nakakasawa na nga 'yon. Walang may gusto sa kanya dito sa kompanya. Naiinis sa kanya lahat ng empleyado lalo na noong siya ang CEO. Hirap na hirap kami noon. Karamihan sa amin muntik nang umalis dahil sa hindi magandang pamamalakad niya."

Nakaramdam ng bigat sa damdamin si Lei nang maalala kung paano nito ininsulto si Carter at walang habas na ipagsigawan ang nakaraan nito. Galit na galit siya sa lalaki dahil pagtawag nito sa binata na mamamatay tao at ex-covinct. Hindi niya matanggap na sariling pamilya ni Carter ang magtatrato sa kanya ng ganoon. Hindi niya kayang tiisin na may isang tao na hihila sa binata ng pababa. Nag-aalala siya sa maaaring maging epekto nito kay Carter.

"Nasaan pala si Sir?" tanong niya.

"Nasa labas. Nakaupo sa doon sa table mo habang may kausap. Kaya nga ako nandito para samahan ka dahil sinabi niya na may importanteng tawag siyang kailangan sagutin. Ayaw daw niya na magising ka."

Napangiti siya. Tila may humaplos na mainit na pakiramdam sa kanyang puso dahil sa pag-aalala nito sa kanya.

"Sobra ang pag-aalala sa'yo ni Sir."

"Talaga?"

"Sa tingin ko may gusto sa'yo 'yon," natatawang tudyo nito.

"Heh, tumigil ka," natatawang sagot din niya.

"Well, pumasok ako kanina dito tapos naabutan ko siya na hawak ang kamay mo tapos hinalikan niya. Kung wala pang ibig sabihin ang nakita ko, ewan ko na lang."

"Anyway, kumusta na sa labas?"

"Tahimik na. Nag-uuwian na nga kami. Bumalik lang ako dito para tignan ka."

"Okay na ako, Sadie."

"Sige, sabi mo eh. Aalis na rin ako."

"Sige. Bye. Salamat ulit."

"Wala 'yon. Bye."

Nang makaalis si Sadie ay agad niyang kinuha ang phone at nag-compose ng text message saka pinadala iyon kay Carter.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon