Chapter 60 (MILD 🔞)

116 15 3
                                    

"SAAN tayo pupunta?" excited na tanong ni Lei habang nakasakay sila kay Midnight.

"Sa Cabin."

Pasado alas-dos ng hapon nang yayain siyang lumabas ng Carter. Ang sinabi lang nito ay may pupuntahan sila doon sa loob ng hacienda.

"Doon tayo matutulog?"

"Puwede, gusto mo ba? Kaya lang kailangan natin gumising ng maaga dahil dito na tayo manggagaling papasok sa office."

Saglit siyang nag-isip at bahagyang nakaramdam ng lungkot bago sumandal sa dibdib ni Carter.

"Huwag na nga lang, doon na tayo matulog sa mansion. Kaya lang parang ayoko muna umalis dito, baby. Mamimiss ko 'yong ambiance dito sa farm. Iyong magigising ako sa umaga sa huni ng mga ibon."

Hinalikan siya nito sa pisngi. "Hayaan mo babalik tayo dito every weekend."

"Eh ano ang gagawin natin sa Cabin?" tanong pa ulit niya.

"Maliligo sa ilog, 'di ba matagal mo nang gusto maligo doon?"

"Talaga?"

"Yeah. Pinauna ko na kanina sa mga tauhan ng farm 'yong mga prutas na gusto mo kainin."

Nakaramdam ng excitement si Lei. Maganda ang ilog na nasasakupan ng Hacienda Monares, lalo doon sa parte malapit sa cabin. Ayon kay Carter ay hanggang dibdib lang daw ang lalim niyon. Bukod sa malinis ang tubig at malamig pa dahil sa direkta iyong nangggaling sa bundok. Minsan ay may mga naliligaw pa daw na mga isda doon. May mga malalaking bato rin doon kung saan puwede silang maupo.

"Marami bang naliligo doon?"

"Sa ibang parte ng ilog, pero dito sa may cabin, wala. Sadyang hindi nagpupunta ang mga tao dito dahil alam nila na private at akin ang parte na ito."

"Ay sana sinabi mo na maliligo tayo, hindi ako nakapagdala ng swimsuit."

"No need babe, you can just use your underwear!"

Ilang sandali pa ang lumipas nang sa wakas ay makarating na sila sa Cabin. Naunang bumaba sa kanya ito bago inangat ang mga kamay upang alalayan siya. Kumapit si Lei sa balikat nito at si Carter naman ay humawak sa kanyang bewang. They smiled at each other before she climb dwon the horse. Ngunit bago pa lumapat ang paa sa lupa ay sinalubong siya ng halik nito sa labi.

Tumalon ang puso ni Lei nang tuluyan siyang buhatin nito nang hindi naghihiwalay ang kanilang labi. Yumakap siya sa leeg nito at pumikit. Mayamaya ay naramdaman niya na binaba na siya nito. When she stared back at him, she can see the genuine happiness in his eyes. They were like teenagers, crazy, head over heels in love with each other. At habang tumatagal ay mas lalo nilang minamahal ang isa't isa.

"Let's go?" sabi nito.

Hawak ang kamay niya. Pumasok sila doon sa cabin. Nasorpresa si Lei nang makita na bukod sa mga prutas na binanggit kanina ay may mga gamit na sila doon. Ang tuwalya at pamalit na damit ay nakahanda na sa loob.

"Ang akala ko mga pagkain lang ang pinadala mo dito?"

"You know me? I will not ask you out on a date unprepared."

Masaya na humarap siya dito at yumakap sa bewang ni Carter.

"So, this is a date?"

"Yeah, cabin slash picnic slash swimming date. I wanted to do this before we go back to work tomorrow. Alam ko kasi na magiging busy na naman tayo itong linggo na 'to."

"Thank you, baby!" malambing na sabi niya.

"Let's go! Masarap maligo ngayon hindi masyadong malamig ang tubig."

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon