Chapter 67

71 9 0
                                    

CARTER took a sip of his whiskey from the glass. Matapos iyon ay huminga siya ng malalim. He closed his eyes in irritation because of too much noise around him. Hindi nga rin siya sigurado kung ano ang ginagawa doon sa bar at naisip na doon pumunta.

Pero kahit gusto naman niyang umalis at magpakalayo, hindi niya iyon magagawa sa ngayon. Ano nga ba ang magagawa ng isang preso na bagong laya gaya niya? He doesn't even know where he belongs. Sampung taon. Ganoon katagal ang kanyang tiniis sa loob ng kulungan para sa kasalanan hindi niya ginawa. Sa pagbalik niya sa totoong mundo, pakiramdam ni Carter ay wala na siyang lugar doon. He don't feel welcome at all. Parang kinalimutan na siya ng mundo. Huminto ang kanyang buhay at napag-iwanan siya ng panahon. Ngayon hindi niya alam kung saan at paano magsisimula ang isang preso na gaya niya na ilang araw pa lang nakakalabas mula sa kulungan.

Naputol ang pag-iisip niya nang mabangga ng kung sino ang kanyang likod. Nang lumingon ay bumungad ang dalawang babae na nagtatawanan.

"Ay sorry po," wika ng babaeng maikli ang buhok.

"It's okay," sagot niya.

Ngunit napukaw ang atensiyon ni Carter ng kasama ng babaeng nakabangga sa kanya. She's smiling brightly like the sun. Her beauty is radiating and glowing in the middle of that dim and cramped bar. Sa gitna ng karamihan ng tao at malakas na musika. That beautiful smile on her face resonate and calm all the nerves in his body.

When she looked at him. The lady gave him the sweetest and brightest smile he ever saw. There was something in her smile that wants to draw him closer to her. That moment, his heart started to beat faster. Sa halip na ngumiti pabalik ay tuluyan na siyang natulala at nasundan na lamang ng tingin ito nang umalis at nagpunta sa comfort room.

Natagpuan ni Carter ang sarili na inaabangan ang muling paglabas ng babae. And there goes his heart again, throbbing erratically as he saw that girl again. For the second time, she looked at him and smiled. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. That moment, Carter knew that he found the woman for him. The one he will be with for the rest of his life. Ang babaeng mamahalin niya. Ang babaeng ihaharap niya sa altar. Mula nang mga sandaling iyon, hindi na hiniwalay ni Carter ang mata sa babae. Kasabay ng pangako sa sarili na hindi matatapos ang gabing iyon na hindi niya ito nakikilala.

Pakiramdam ni Carter ay kakampi niya ang tadhana ng gabi na iyon. Makalipas ang ilang sandali, nakita niyang mag-isa na lang ang babae. She's dancing along on the dance floor. Looks a bit tipsy as well. Muli niyang sinundan ito ng tingin. Hanggang sa maalarma siya nang harangin ito ng tatlong lalaki. Nakita niya na sapilitan na sinasama ng mga ito ang babae. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa mga ito.

"Where do you think you're taking her?"

Carter managed to drive those men away from her. That moment, he knew that was the right time. He grabbed the chance. Mula ng mga sandaling iyon ay hindi na niya hinayaan na humiwalay sa kanya ang babae.

"Okay ka lang?" tanong niya agad dito.

"Oo, salamat."

"Nakaupo ako doon sa bar nang mapansin kita."

"Salamat ulit."

"Nag-iisa ka ba?"

"Hindi. Kasama ko ang mga kaibigan ko, kaya lang may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan ngayon."

"In that case, do you want to join me?" he asked.

"Sure."

Dinala niya ito sa bar at nag-order para sa babae.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon