Chapter 37

127 10 0
                                    

"BABY, hindi ka pa tapos diyan?" tanong ni Carter.

"Yup. almost," sagot naman ni Lei habang hindi maalis ang tingin sa screen ng laptop.

Dapat ay mag-o-overtime na naman siya. Ngunit hindi na pumayag ang nobyo at sinabihan siya na sa bahay ituloy ang mga gagawin. Kaya sinunod niya ito. Matapos maligo at kumain ng hapunan ay agad niyang pinagpatuloy doon sa bahay ang trabaho. Mula sa kuwarto ay lumabas si Carter. Katatapos lang nitong mag-shower at nakasuot na ito ng sweatpants at tank-top. Napangiti siya nang lumingon matapos ibaba ang screen ng laptop.

"Are you done?"

"Oo."

"Ano ba kasi 'yan at hindi mo maiwan sa opisina?"

"Final list ng mga guest na invited sa Anniversary ng CJM. Kailangan na kasi bukas ng umaga ni Ate Cams 'to tapos ibibigay ko na sa events organizer."

Naupo ito sa tabi niya pagkatapos ay pinupog siya ng halik sa mukha kaya't napapikit siya habang natatawa.

"Hindi ko alam kung sino ang CEO sa atin dalawa eh, dahil mas marami ka pang ginagawa kaysa sa akin."

"Aba natural, mula sa paggawa ng kape mo hanggang sa pagsagot ng mga tawag mo, paggawa ng schedules at itinerary mo, idagdag mo pa 'yong mga reports at documents. Lahat 'yon ginagawa ko para sa'yo, boss. Tapos kapag mainit ang ulo mo kailangan pa kitang amuhin. Tapos kapag nangulit ka pa at nagpababy syempre, makakatanggi ba ako? Mahirap pala kapag jowa mo din ang boss mo, no? Dagdag trabaho," pabirong litanya.

"Nagrereklamo ka na ba, baby? Pagod ka na sa akin?" kunwari ay nagtatampo na tanong saka bahagyang lumabi kaya natawa siya.

"Oo. Demanding ka kasi," pabirong sagot niya.

Binigyan siya nito ng pilyong ngiti sabay hila palapit sa kanya. "Halika dito, tatanggalin ko 'yan pagod mo," pilyong sabi nito.

Pinaningkitan niya ito ng tingin. "May pasok pa tayo bukas."

"So? Dalawang round lang naman," sagot nito sabay hawak sa batok at hawi sa hibla na kumawala mula sa hair clamp na umiipon sa buhok niya.

"Hindi ako safe ngayon."

"Mabuti para magkababy na tayo," halos pabulong na sabi nito sabay subsob ng mukha sa leeg niya at halik doon.

"James," natatawang saway niya na may halong ungol matapos maramdaman ang mainit na labi at dila nito sa kanyang balat.

"Yes, Soleil?"

"Isa!"

"Dalawa nga, 'di ba?"

"Tatlo?!" banta ulit niya.

"Ah, tatlong round gusto mo? Sure!" sa halip ay sagot nito.

"Ang kulit!"

"I love you too," natatawang sagot nito sabay sakop sa kanyang labi.

Wala nang nagawa pa si Lei kung hindi magpatangay sa mainit at masarap nitong halik. Pumikit siya at tumugon sa paglalim ng halik nito. Habang tumatagal ay mas nagiging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila. Hindi naghihiwalay ang labi na sumampa si Carter sa sofa at lumuhod sa kanyang harapan, trapping her in between his legs. Habang ang mga kamay ay nagmamadaling alisin isa-isa ang butones ng short-sleeved button down pajama top niya.

Nang huminto ito sa paghalik sa kanya ay sinalubong nila ng ngiti ang isa't isa. Tumalon ang puso ni Lei nang halikan siya nito sa noo pagkatapos ay sa sentido at sa pisngi.

"I love you, baby," sabi nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya.

"I love you too," sagot niya sabay siil ng halik sa labi nito.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalWhere stories live. Discover now