Chapter 11

135 11 0
                                    

MAGKATULONG sila ni Lana na nagliligpit sa kusina habang si Carter naman ay kasamang naglalakad sa labas ng hardin nila kasama ang kanyang ina.

"Hindi ka pa nagkukwento sa akin. Paano nakarating dito si Carter?"

Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko. Basta narinig ko na lang na may tumatawag sa'yo sa labas, kaya sumilip ako. Pinakilala naman niya ang sarili niya na boss mo daw tapos nagdala siya ng breakfast. Mukha naman siyang mabait saka pogi kaya pinapasok ko na."

Bumuntong-hininga si Lei. Napansin niya na mukhang fresh si Carter, nakasuot lang ito ng simpleng maong at kulay puti na t-shirt at sneakers sa paa.

"Hindi ba niya nasabi sa'yo na pupunta siya?"

"Hindi. Wala naman siyang nabanggit kagabi."

"Hmmm... so, tama nga ako. Kasama mo nga ang boss mo kagabi noong bigla kang nawala!"

Natigilan si Lei pagkatapos ay tumikhim.

"We are good friends. Gusto lang niya nang may makakausap kagabi. Kaya pumunta siya."

"Hmmm... kaibigan lang ba talaga? Puwede bang magkaibigan ang nagsimula sa one-night stand?" panunudyo nito.

"Tumigil ka nga, baka mamaya marinig ka eh," saway niya dito.

Sumilip si Lana sa labas saka muling tumingin sa kanya.

"Pero sa totoo lang, gusto ko 'yong vibe n'ya. Mukha siyang mabait at disente, isa pa, gentleman," sabi pa nito habang sinusubukan alalahanin ang nangyari kanina.

"Dapat nakita mo kung paano niya pinakilala ang sarili niya kay Mama. Sabi pa niya, good morning Ma'am. Ako po si Carter James Monares. Boss at kaibigan ni Lei. Pasensya na po sa pagdating ko ng walang pasabi. Sana po ayos lang sa inyo na samahan ko kayo sa almusal," kuwento nito habang ginagaya ang baritonong boses ni Carter.

"Sinabi n'ya 'yon?"

"Oo! Sayang nga sana kinuhanan ko ng video. Para siyang boyfriend na pinapakilala ang sarili sa future mother-in-law niya," kinikilig na kuwento ni Lana.

"Ano ba 'yang mga sinasabi mo? Tumigil ka," natatawang sabi ni Lei.

"Bagay kayo," bulong nito.

"Sinabi nang tumigil ka!"

"Ate, gusto ko siyang maging bayaw. Ligawan mo na kaya."

"Heh!"

Tumawa lang ito at mabilis na umiwas ng wisikan niya ng tubig ang mukha. Ilang sandali pa ay bumalik na si Carter. Nakahawak ang Mama niya sa braso nito. Dumiretso ang dalawa sa kuwarto at tinulungan pa ang Mama niya na mahiga sa kama at kinumutan ito.

"Ako na ang tatapos dito, puntahan mo na siya," sabvi ni Lana.

Sumilip si Lei sa kuwarto ni ina. Ngumiti ito sa kanyang nang lumabas. Nagpunta sila sa garden at magkatabing naupo sa isang mahabang upuan na kahoy.

"Ginulat ba kita?" tanong nito.

"Sobra," tumatawang sagot niya.

"Sorry. Naisip ko kasi na pumunta agad ito pagkagising ko pa lang."

"Hindi ko lang inaasahan na makita kita dito sa bahay ng ganito kaaga, and gosh, nakakahiya. Nakita mo tuloy kung gaano kalala ang itsura ko sa umaga."

Natawa ito. "Ano naman ang problema? Maganda ka may makeup o wala."

Nakita niya itong huminga ng malalim at lumingon sa paligid.

"Maliit lang ang bahay namin at luma na, walang masyadong space para sa amin. Minana pa namin itong bahay kay Papa. Gusto ko nga ipa-renovate ito at gawin ko na two-story house."

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalWhere stories live. Discover now