Chapter 43

135 11 0
                                    

"THANK you," nakangiting sabi ni Lei sa cashier ng coffee shop kung saan bumili siya ng pastry para kay Carter. Bumili na rin siya ng paborito nitong kape na palagi nitong ino-order.

Mula doon ay naglakad siya pabalik ng opisina.

"Lei!"

Nang lumingon ay napangiti siya nang makita si Hagen. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ito.

"Saan ka galing?"

"Doon lang sa kabilang building, may inutos si Ma'am Camila."

"Paakyat ka na rin?"

"Oo."

"Tulungan na kita," prisinta nito saka kinuha mula sa kanya ang isang plastic na may laman na dalawang kape.

"Thank you," sagot niya.

Habang naglalakad ay nagsalita ito. "Masaya ka ba?"

"Saan?" kunot-noo na tanong niya.

"Sa relasyon n'yo ni Sir. Are you happy?"

Napangiti siya. "Yes, super."

Marahan itong tumango. Napansin ni Lei na may bahid na lungkot ang ngiti nito.

"Are you okay?" tanong pa niya.

"Ha? Oo naman. Naisip ko lang kasi na sayang, hindi man lang ako nabigyan ng chance."

"Chance saan?"

"Na ligawan ka."

Natigilan siya sa paglalakad. Alam at ramdam ni Lei noon pa na may gusto sa kanya si Hagen. Ngunit dahil hindi naman ito nagsasalita sa kanya ay nawala na iyon sa kanyang isip. Kaya hindi niya inaasahan ang biglaan nitong confession.

"Hagen."

"I like you, Lei. I like you a lot. Matagal ko nang gustong sabihin 'yan sa'yo pero nawalan ako ng pagkakataon. Grabe kasi kung makabakod sa'yo si Sir. Iyon pala may gusto din siya sa'yo. Sinubukan ko na pigilan ang nararamdaman ko dahil alam ko rin naman na wala akong pag-asa. Pero hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga."

Huminga siya ng malalim. "Hag... I... um... thank you. Thank you for liking me. Hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan pero salamat dahil binigyan mo ako ng espesyal na atensiyon. Pero alam mo naman na—"

"Don't worry, I know. Alam ko na siya ang mahal mo. Alam ko naman na hindi mo kailan man masusuklian ang nararamdaman ko. Gusto ko lang talaga masabi ito sa'yo para maka-move on na rin ako."

Napangiti si Lei. "Thank you, Hagen. Friends pa rin?" tanong niya sabay lahad ng kamay.

"Oo naman," natawang sagot nito sabay tanggap ng kamay niya.

"Halika na sa taas, baka naghihintay na si Sir sa'yo."

Papasok na lang siya sa lobby nang matigilan matapos may mahagip ang kanyang paningin na pamilyar na mukha. Nang muling lumingon nawala sa di kalayuan ang lalaking namataan niya.

"Lei, okay ka lang?" tanong pa ni Hagen.

"Ha? Oo."

Lumingon ito sa kanyang tinitignan. "May problema ba?"

"Wala naman, para kasing may napansin ako na kakilala nakatayo banda doon. Eh paglingon ko wala naman, baka namalikmata lang ako."

Matapos iyon ay tuluyan na silang pumasok doon. Habang nasa elevator ay bigla itong nagsalita ulit.

"Nga pala, malapit na ang birthday ni Dylan. Nabasa mo ba sa gc natin? Nagyayaya siyang mag-bar. Sabado 'yon ng gabi. Invited daw tayo nila Katie."

"Ay hindi ko pa nababasa, teka," sagot niya sabay bukas ng group chat nila.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon