Chapter 27

104 11 0
                                    

LABIS ang kaba ni Lei habang palapit sila ng palapit sa bahay ng pamilya ng nobyo. Kasalukuyan nitong binabaybay ang mahabang daan na may mga nakahilerang puno sa magkabilang gilid. Matapos pumasok ang sinasakyan nilang kotse sa isang malaki at mataas na itim na gate.

"Nasaan na tayo, babe?" kinakabahan na tanong niya.

"Sa Hacienda namin. My Lola's to be exact, sila ng Lolo ko ang nagpatayo nito. Iyong farm nito at ilan sa mga produkto ng Monares Gardens ay dito nanggagaling gaya ng gulay, prutas at meat products.

Ang Monares Gardens na tinutukoy nito ay isa sa mga kompanya na nasa ilalim ng CJM Group. Gaya ng sabi ng binata, puro mga fresh at organic vegetables, fruits at meat products ang produkto nito. Nagsu-supply ang Monares Gardens sa mga malalaking malls at supermarket sa buong Pilipinas.

Naroon sila sa Bulacan kung saan matatagpuan ang ancestral house ng mga Monares. Hindi alam ni Lei kung gaano pa sila kalayo dahil tila walang katapusan ang daan na iyon. Hindi magawang abutin mg kanyang isip kung gaano kalawak ang hacienda na iyon. Nalulula siya. Makalipas ng ilang minuto ay natanaw niya ang isang mansion na tila kumikinang sa puti habang nasisinagan ng araw ang harap niyon.

Agad bumukas ang itim at rehas na gate nang matanaw ang sasakyan ni Carter. Nang ibaba nito ang bintana. Ngumiti ang binata sa nagbukas ng gate.

"Good morning, 'tay delfin!"

"Good morning po, Sir."

"Si Lei po, girlfriend ko," pagpapakilala nito sa kanya.

"Magandang araw po," nakangiting bati niya.

"Magandang araw din po, Ma'am."

"Pasok na kayo sa loob, Sir. Kanina pa po naghihintay sila Senyora at Donya Matilda."

Napalunok si Lei. Sa paraan pa lang ng pagtawag ng mga tauhan doon sa ina at lola ni James ay parang gusto na niyang manliit. Nang makapasok sila sa bakuran ng mansion. Hindi napigilan ni Lei ang matulala.

Sa labas pa lang ay tumambad na sa kanya ang classic american style design ng mansion ng pamilya Monares. Kulay puti ang labas ng malaking bahay na iyon. Pagpasok ng bakuran ay may mahaba at paikot na driveway at malawak ang mismong bakuran. Nang ihinto ni Carter ang kotse, lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang biglang hawakan ng nobyo ang kamay niya. Natawa na pinisil nito ang kanyang kamay.

"Hey, are you okay?" tanong pa nito.

"Hindi," mabilis na sagot niya. "Kinakabahan ako. Bumalik na lang tayo, next time mo na lang ako ipakilala."

Natatawa na tinapik siya nito sa kamay.

"Nandito na tayo eh. Saka noong isang araw pa naghahanda si Mommy. Hindi mapakali. Excited na makita ka kaya halika na," sabi pa nito.

Naunang bumaba si Carter pagkatapos ay pinagbukas siya ng pinto. Muling lumingon sa malaking bahay na iyon si Lei.

"How do I look? Okay ba 'tong suot ko? Tingin mo magugustuhan nila?"

Marahan natawa ang nobyo. Pagkatapos ay hinila siya palapit at masuyong hinalikan sa labi.

"You look perfect, babe."

Para sa espesyal na araw na iyon. Lei chosed to wear a midi chiffon powder blue skirt. Tinernuhan niya ito ng isang simpleng v neckline short-sleeved plain white blouse at sapatos na hindi masyadong kataasan ang heels. Gusto niya na komportable sa kumilos habang kausap ang pamilya ng nobyo.

"Inhale... exhale..." sabi pa nito na sinunod niya.

"Ano? Let's go?"

Marahan siyang tumango. Hinawakan siya ni Carter sa kamay at sabay silang naglakad papasok sa bahay. Nasa pinto pa lang sila ay narinig na nila ang malakas na sigaw ng kasambahay.

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalWhere stories live. Discover now