Chapter 82

139 14 0
                                    

"BABY? I'M HOME!"

Iyon agad ang bungad ni Carter pagpasok niya sa loob ng bahay. Nagtaka siya dahil sarado ang mga ilaw sa sala at tahimik sa buong bahay.

"Babe? Nandito na ako," tawag ulit niya sa asawa.

Sumilip siya sa mga kuwarto ngunit wala doon si Lei. Sinubukan niya na tawagan ito pero hindi pa rin nito sinasagot iyon. Papunta siya sa kusina para sana kumuha ng tubig nang makuha ng isang nakatuping papel sa ibabaw ng mesa ang kanyang atensiyon. Kinuha niya iyon at binuksan. Nakaramdam siya ng takot at malakas na kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang nakasulat sa papel na iyon.

"Mukhang hindi mo na ako kailangan. Tutal hindi mo naman ako pinapansin mula sa bahay hanggang sa trabaho. Mas mabuti na umalis na lang muna ako. I'm giving you the time and space that you need. Mas mabuti na 'yong ganito kaysa magkasama nga tayo pero para akong hangin kung tratuhin mo. Umuwi muna ako sa bahay namin."

Umagos ang luha ni Carter nang mabasa iyon. Nilamukos niya ang papel pagkatapos ay tumakbo papasok ng kuwarto. Pagdating doon ay agad niyang tinignan ang closet nito. His heart shrunk when he found out that some of her clothes were no longer there.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Carter at mabilis na tumakbo palabas para puntahan si Lei. Mabilis niyang binagtas ang daan makarating lang sa bahay ng mga magulang ng asawa. Puno siya ng pagsisisi. If he only managed his emotions well. Kung sana ay hindi siya nagpadala sa mga nangyari. Hindi sana niya mapapabayaan ang asawa. Si Lei na hindi nagkulang ng pagpapakita sa kanya ng suporta. Sa kabila ng mga nagawa nito para sa kanya. Napabayaan pa niya ito.

Makalipas ang mahigit thirty minutes ay nakarating siya sa bahay ng mga magulang nito. Pagbaba ng kotse ay nakita niya ang kotse nila na ginamit ni Lei na nakaparada sa loob ng bakuran.

"Auntie," tawag niya sa matanda na naabutan na nag-aayos ng mga halaman sa hardin.

"Ay, oh? Carter!" bulalas nito. Madali itong lumapit sa gate at pinagbuksan siya.

"Auntie, nasa loob po ba si Lei?" tanong niya matapos magmano dito.

Ngumiti ito at tumango.

"Nag-away kayo ano?" tanong pa nito.

"Opo."

"Kaya naman pala nag-alsa balutan," tatawa-tawa na sagot nito. "Hayun at pagdating dito umiiyak. Hindi mo na raw siya mahal. Ayaw ka daw niya makita muna kaya dito daw siya matutulog."

Napakamot na lang sa batok si Carter. "Auntie, alam n'yo naman na hindi totoo 'yon."

"Kaya nga, eh pagpasensyahan mo na at buntis ang asawa mo. Talagang sensitibo at emosyonal ang mga babae kapag buntis, kaya suyuin mo ng mabuti 'yan."

"Sige po."

"Naroon sa kuwarto niya, puntahan mo."

"Salamat po."

Pumasok sa bahay si Carter at dumiretso sa kuwarto ni Lei sa second floor. Bubuksan sana niya iyon ngunit naka-lock ang pinto. Pinuno niya ng lakas ng loob ang dibdib bago kumatok. Nakailang beses pa siyang kumatok bago nito buksan iyon.

"Baby," wika niya agad pagkakita sa mukha nito.

Mabilis sumimangot si Lei nang makita siya at mabilis na sinarado ulit ang pinto at ni-lock 'yon.

"Baby, please! Talk to me! I'm sorry!" panunuyo niya rito pagkatapos ay muling kumatok sa pinto.

"Ayoko! Hindi mo na ako mahal!" sagot nito.

Mula doon ay naririnig niya ang malakas na iyak nito.

"You know that's now true! I love you! I love you so much! I'm sorry kung napabayaan kita nitong mga nakalipas na araw! Please, forgive me, mahal ko. Hayaan mong bumawi ako sa'yo."

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon