[35] A Mother's Hug

4 1 1
                                    

RON'S POV.

It's already 7 in the morning but I'm still laying on my bed, trying to process all the things that happened last night.

"Wala ka pa bang balak bumangon pre? Gutom na ako!" Angal ni Kier na nakaupo sa may study table ko. Hindi ako sumagot.

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga hanggang sa namalayan ko nalang na nakatabi na pala siya sa akin.

"Ay putangina!" Gulat kong sabi, at muntik pa akong mahulog sa higaan ko. "Ano ba!?"

Ngumisi pa siya saglit atsaka tumayo sa harap ko nang nakapamewang. "Alam mo pre kung tinatanong mo yang sarili mo kung nananaginip ka lang... Pwes hinde!" This time ako naman yung napabuntong hininga.

"Hindi ko lang kasi lubos maisip pre, kung bakit biglaan nalang silang umuwi, hindi ko pa man din nasasabi sa kanila yung tungkol sa amin ni bebe k----"

"Bakit ano bang tungkol sa inyo?"

"H-ha?" Saglit pa akong natigilan sa tanong niya, hindi naman siya kumibo at nanatiling nakatingin lang sa akin "Diba nga ano...dito siya sa bahay nakikituloy..." Sabi ko nang hindi makatingin sa kanya.

"Oh tapos?"

"Tapos ano..." Ano nga ba?

"Oh ano!?"

"Diba ano... kapag magkasama sa iisang bubong yung uhm... yung babae at lalaki ano..." Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti. Atsaka ramdam ko rin na umiinit yung mukha ko.

Nilalagnat ba ako?

"Ano?"

"Diba pre... kapag ganun eh... parang may ano pre..."

"Isa pang ngisi mo pre kakaltukan na kita!"

"Hindi naman ako nakangiti ah!"

"Ahh... Hindi na pala nakangiti kapag nakalabas yung gilagid no pre?" Hindi na ako tumugon sa kanya at tinakpan ko nalang yung mukha ko gamit yung unan.

Tangina! Bakit ba kasi ako kinikilig!

"Going back, ano nga ulit yung ayaw mong malaman ng mga magulang mo pre? Di ko gets eh..."

"Yung ano nga pre... Yung pagtuloy niya dito sa bahay kasama ako..."

"Oh ano naman ngayon kung tumutuloy siya dito?" Sabi niya na nagpatigil ng pag ngiti ko.

"Baka kasi isipin nila mama na may relasyon kaming dalaw---"

"May relasyon nga naman kasi talaga kayo."

"S-sa t-t-tingin mo rin pre... M-may relasyon k-kam---"

"Kaibigan. Magkaibigan naman kayo diba?"

'Kaibigan. Magkaibigan naman kayo diba?'

'Kaibigan. Magkaibigan naman kayo diba?'

'Kaibigan. Magkaibigan naman kayo diba?'

"Ahhh... Kaibigan... lang."

"Wag ka ngang delulu pre, ni hindi mo nga maamin kay Zya yang nararamdaman mo, aasa ka pa ba ng label!"

Aray naman!

"Atsaka, kilala ng mga magulang mo si Zya bilang kaibigan mo lang. Kaya wag kang mag overthink pre!"

"Good thing ba yun pre? Na kilala lang nila bilang kaibigan si bebe ko?"

"Hays ewan ko sayo!"

Ilang saglit din kaming natahimik hanggang sa nagsalita na naman si Kier.

Allergic talaga sa katahimikan ampota!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now