Chapter 8

1K 48 6
                                    

Althea's POV

Sa dalawang araw na kami lang ni Jade ang tao sa boardinghouse, hindi rin naman kami masyado lumabas. We chose to stay home, watch movies, and do chitchats. Sobrang dami naming napagkwentuhan. At sobrang nagenjoy ako. May mga times na nagsosound trip lang kami, nakahiga sa kama ni Jade at magkahawak kamay. Un na ata ang dalawa sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Jade's POV

Parating na ngaun ang ibang boardmates namin. Ang bilis nung dalawang araw na kami lang ni Althea dito sa bahay. Sa dalawang araw na yun we preferred to stay home and just make the most out of our two days together. At sobrang naenjoy ko ang dalawang araw na un. My most favorite part of our bonding? Nung nagsosound trip lang kami at magkahawak ung mga kamay. We need not say anything.

Pagdating ng mga kabahay namin, nalaman nilang nung wednesday pa kami nandito kaya katakot takot na pangaasar ang inabot namin. Kibit balikat lang naman ako. I mean i dont owe them any explanation naman. Si Althea naman ngingisi ngisi lang. Siguro hindi na lang din niya pinapatulan para hindi na lumala pa. Nung gabing yun napilit ako ni Althea na sumama magdinner with the others. Ganun parin naman kasweet si Althea sa akin, pero ako ang nakoconscious. Parang lahat ng mata nakatingin samin. At ung isang babae na kabahay namin, si Jamie, todo todo ang pangaasar at pangiintriga smin.

Althea's POV

Wala naman akong problema sa pang-aasar nila, at nakikita ko rin naman na hindi apektado si Jade. Pero ung mga banat ni Jamie medyo nakakainis na.

"Hoy Althea, may kamay naman yang si Jade. Pwedeng hindi mo na siya pagsilbihan" komento ni Jamie habang nilalagyan ko ng pagkain si Jade sa plate nia, sabay tawa ng malakas.

"So bakit naman kayo napaaga ng akyat? Umiscore lang ata tong si Althea kay Jade e." Dagdag na komento pa ni Jamie. Mamaya bumanat nanaman ito.

"Lagot ka Jade, nabakuran ka na ni Althea. Hindi ka na makakawala dyan." Sabay tawa.

Mahaba ang pasensya ko sa mga bagay at mga tao, pero dito kay Jamie halos maubos ang pisi ko. Napatingin ako kay Jade at hinawakan ung kamay nia sa ilalim ng lamesa. Hinawakan rin naman niya ung kamay ko at pinisil ng marahan, parang nararamdaman niyang umiinit na ang ulo ko at sinasabi niyang kumalma ako.

Pasalamat ka Jamie at nandito si Jade. Kung hindi.... Un na lang ang nasabi ko sarili ko. Tinapos na lang namin ung dinner with the others and bumalik na kami sa kwarto ni Jade.

"Sorry sa mga sinabi ni Jamie a. Alam mo namang hindi totoo yun diba?"

"Sus wala un. And yes alam kong hindi totoo ung mga sinasabi niya kaya hayaan na lang natin. Pero ano bang problema nun? Kahit ung tingin niya satin kakaiba e." Tanong ni Jade

"Sa totoo hindi ko alam. Bigla na lang interesado siya sa buhay natin samantalang dati e hi-hello lang kami nun or small chitchats lang. Hayaan na lang ntin." Sagot ko kay Jade at mula nun hinayaan na namin ang topic na un at nagusap na tungkol sa mga ibang bagay. Tinapos naman namin ng masaya ang gabi, pambawi man lang sa pangiinis ni Jamie. At tulad ng mga nakaraang gabi, tabi kaming natulog at magkahawak ng kamay.

Sa mga sumunod na araw tuloy tuloy pa rin ang pang-aasar ni Jamie sa amin at lumalala yun sa bawat araw. She's really getting into my nerves. Ayoko lang ng gulo kaya hayaan ko na lang siya. Mapapagod din yun sa pangaasar sa amin kung hindi papatulan.

Since ung schedule na kinuha ko ay sinakto ko sa schedule ni Jade, sabay kami pumapasok sa umaga, tuwing free time namin kami ang magkasama, at sabay din kaming umuuwi sa hapon. Siyempre sinusundo ko si Jade sa classroom niya. I dont mind rin naman. Kahit araw-araw ng buong buhay ko sunduin ko si Jade ay ok na ok sa akin.

Meant to be - a RaStromfanficWhere stories live. Discover now