Chapter 17

1.2K 47 4
                                    

Althea's POV

Maaga akong nagising. Pero sa totoo parang hindi nga ako nakatulog.

Kami na! Girlfriend ko na si Jade!

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang saya ko. Sobrang saya. Kung hindi nga lang natutulog si Jade sa dibdib ko baka tumayo na ako at nagtatalon. Wala kasi talagang mapaglagyan yung saya ko.

Habang pinapanood ko si Jade matulog sa tabi ko, hindi ko mapigilang isipin ang future namin together. I imagine us living in a big white house with a porch and a balcony that goes around the house. I can imagine it having a small garden planted with different kinds of flowers. I imagine three little Jades running around the house. I imagine us growing old together. At hindi ko naman mapigilan mapangiti dahil sa mga naiimagine ko. Ang tagal naman mangyari ng lahat ng yun. Haha

Parang ang OA ko na. Wala pa nga kaming isang buong araw iniisp ko na agad yung mga magiging anak namin. Pero ganun ata talaga kapag alam mo sa puso mong siya na. Siya na ang taong gusto mong makasama sa buong buhay mo. At sigurado akong si Jade na yun.

Sa totoo sumagi rin sa isip ko ang mga pagsubok na haharapin namin. Paano kung hindi matanggap ng mga magulang namin? Pero huwag ko na muna isipin yun. Gusto ko na munang ienjoy kung anong meron kami ngayon. Alam ko rin naman sa sarili ko na kahit anong mangyari hindi ako susuko hanggat gusto ni Jade na lumaban ako para sa kanaya, para sa amin.

Hinawakan ko ung kamay ni Jade na nakapatong sa bandang tummy ko at hinimas ko yun ng marahan. Malambot talaga ang kamay niya at maganda, her fingers are long and slender, wala ring bakas ng kalyo, her nails are cleanly cut and unpolished, just the way i like it. Pati ako kinikilig sa ginagawa ko. Ano ba ito. Para na akong sira. Pero hindi ko kasi mapigilan. Tuwing madidikit ang balat ko sa kanya parang palaging my kuryente na may kasamang butterflies sa tiyan ko. Hindi sapat ang salita para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga ganung pagkakataon at para ipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Jade.

Inangat ko yung kamay ni Jade na hawak ko at hinalikan isa- isa ang mga daliri, palad, at likod ng kamay niya. Ipinapangako kong hindi na mapapagod ang magagandang kamay na to dahil mula ngayon ako na ang mag-aalaga sayo. Aalagaan, aasikasuhin, poprotektahan, at mamahalin kita Love kahit anong mangyari.

Hindi ko napigilang medyo higpitan yung yakap ko kay Love. Naramdaman niya ata yun kaya medyo nagising siya.

Dahan-dahan niyang binukas ung mata niya. Haaaay. Ang mga matang yan na kung tumingin ay tagos sa kaluluwa ko.

"Good morning love!" Nakangiti kong bati.

"Ang ganda ng ngiti mo a. Good morning. Ang aga mo naman nagising." Medyo pupungas-pungas niyang sabi at ipinikit ulit ung mata niya habang inaayos yung pagkakahiga niya sa dibdib ko. Naramdaman ko ring humigpit yung yakap niya sa akin at lalo akong napangiti. Malambing din pala tong Love ko. Medyo malalim na yung paghinga niya kaya alam kong hindi na siya tulog.

"Paano naman kasi ako makakatulog love, may diyosa akong katabi." Nakangisi kong sabi.

"Ang aga-aga bola na agad!" At Hinampas niya ako ng mahina sa bandang tiyan kung saan nakapatong yung kamay niya.

Natawa naman ako.

"Hahaha hindi bola yun no. Maganda ka naman talaga na parang diyosa."

Hindi na siya sumagot pero nakita kong ngumiti siya. Mukhang kinilig yung love ko a. Minsan-minsan lang yun. Madalas poker face lang yan e.

"Love antok ka pa ba? Lika na bangon na tayo para makapagbreakfast muna tayo." Pag-aaya ko habang hinihimas ko siya sa may braso.

"Love bakit ka nagmamadaling bumangon? Ayaw mo na ba tong pwesto natin?" Sabi ni Jade at saka naghikab.

Meant to be - a RaStromfanficWhere stories live. Discover now