Chapter 12

1K 46 7
                                    

Althea's POV

Ito na ang pinakaayaw kong weekend sa lahat. Akala ko makakasama ko si Jade kaso sinabi niyang lalabas daw sila ni Jaime. Hindi naman na ako nag-oppose. Nanliligaw rin naman si Jaime at alam kong mahihirapan lang si Jade pag alam niyang ayoko.

Flashback

"Uhm. Althea inaya pala ako ni Jaime na lumabas sa weekend. Nahiya akong tumanggi. Sorry."

"Ah...okay lang. Para rin makilala mo siya. Para pag nagdesisyon ka na sagutin na ako alam mo lahat ng factors. Hahaha" nagbiro na lang ako para mapagtakpan ung inis at selos ko. Ang bilis nung Jaime na yun a. Naisahan niya ako dun. Pero hindi ako magpapatalo no! Akala ba niya. Pero totoo rin naman na gusto kong makilala rin ni Jade ung Jaime na yun, para mas alam niya na ako ang karapat dapat para sa kanya. Or at least informed decision ung gagawin niya. Hindi ung dahil nadadala lang siya sa sitwasyon.

"Saan pala kayo pupunta?"

"Hindi ko alam e, basta wear something comfortable daw"

"Ok. Basta ingat ka a. At kung pwede sana itext mo ako para hindi naman ako mag-alala. Ok?"

End of flashback.

Kaya ito ako, nagkukulong dito sa kwarto ko. Nakaalis na sina Jade. Ang aga pa. Badtrip na Jaime yan. Naisahan ako. Akala ba niya, babawi ako.

Ting.

1new message received from Jade

Hey, dito kami sa John hay. Treetop adventure. You know im scared of heights pero nagkasubuan na e. At mukhang puro ganto ang gagawin namin the whole day. Wag mo ako masyado mamiss a. Will be home before you know it.

Uhm. Extreme adventure ka pala a. Sorry ka Jaime hindi mahilig dyan si Jade. Haha. Alam ko na. Maghahanda ako ng surprise kay Jade para paguwi niya BOOM! Makapoints naman ako.

Alam kong mapapagod si Jade galing sa lakad na yun kaya maghahanda ako ng pamparelax niya. Ok...pero ano?! Movie marathon? Laos na un e at pagod si Jade kaya malamang wala siya sa mood manuod. Ano kaya? Ano ba yan wala akong maisip!!! Bwisit na Jaime talaga yan.

*lightbulb* ayun! Tama! Dali dali akong nagbihis. Kailangan ko mag-internet. Magdodownload ako ng videos kung paano magmasahe at aaralin ko yun. Pero hindi pa parang manyakers ang dating ko nun?! Pero wala naman ako balak magtake advantage. Masahe lang talaga, promise! Ung ang kailangan ni Jade after ng nakakapagod niyang araw. Bibili rin ako ng scented oil, scented candles, at iba pang gamit to set a relaxing mood. At siyempre hindi pwedeng mawala ang flowers at pagkain. We are both lovers of good food e. Ito na ang chance ko makapoints.

Naghanda na ako. Nagtext na si Jade na pauwi na sila. So dali -dali kong sinindihan lahat ng scented candles at gumawa ng I❤️U Jade sa sahig using rose petals. Nagplay na rin ako ng love songs as background music. Hmmh. Naeexcite na ako...Naghintay ako sa labas ng kwarto ni Jade pero medyo tago para hindi niya ako agad makita.

"Thank you sa araw. Sige akyat na ako sa kwarto.. Hindi na wag mo na akong ihatid. Magpahinga ka na rin." Narinig kong sabi ni Jade mula sa baba. Malamang si Jaime kausap nun. Medyo nasaktan ako kasi masaya ung tono ng boses ni Jade. Nagenjoy siguro talaga siya sa lakad nila. Nagseselos ako! Pero hindi ako papatalo. 💪🏻 to no!

Jades's POV

Medyo alangan ako sa gustong gawin ni Jaime. Lahat naman kasi involves heights, e takot talaga ako dun. Pero nandito na e. Ginawa ko na rin. Masaya naman at nakakaenjoy. It gives you a certain hype. Feeling mo sayo ang mundo at kaya mo iconquer lahat ng fears mo, though wala akong planong ulitin pa yung mga un. Tama na ung one time.

Meant to be - a RaStromfanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon