Chapter 9

913 52 8
                                    

Althea's POV

Kinabukasan, sabay parin naman kaming pumasok ni Jade sa school. Ang pinagkaiba lang kasabay na rin namin si Jamie. Tahimik kaming naglalakad. Paminsan kakausapin ni Jamie si Jade pero matipid ang mga sagot na nakukuha niya. Howell. Ganyan talaga siya kapag hindi pa siya masyadong komportable sa tao. Tahimik.

Nasa bungad lang ng university ung classroom ko ngaun, si Jade naman nasa bandang loob pa, sa mga labs. Nagpaiwan na ako sa classroom ko at hindi na sumamang ihatid si Jade hanggang sa classroom niya. Kasama naman na niya si Jamie, hindi na niya ako kailangan. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula humiwalay ako sa kanila tumunog ung cellphone ko. *tiiiing*

1 message received from Jade

"Ok ka lang ba? Parang matamlay at tahimik ka. May problema ba tayo?"

Dali dali naman akong nagreply.

Message to Jade

"Ok lang ako. Masakit lang ulo. Sige may klase na ako."

Sent

Wala pang 1 minute tumunog nanaman. *tiiiing*

1 message received from Jade

Wag ka nga magsinungaling. Kahit may sakit ka pa lagi kang madaldal at maharot. Pero kanina iba ka. Magusap na lang tayo mamaya after class. Pick me up at 4 room101? Will be waiting.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko sa text na un ni Jade. Nakakatuwa na medyo kilala na rin pala niya ako, pero ayokong makipagusap ngaun. Sa tindi ng emotion na nararamdaman ko sa loob ko ngaun, malamang hindi ko mapigilan na ipagtapat ng diretso ung nararamdaman ko. Na mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pero kahit anong takot ko, hindi ko naman kayang hindi siputin si Jade. Kaya ito nanaman ako, nagaantay sa kanya, may dala dalang merienda. Myamya lang dumating na rin si Jade. Sinalubong niya ako ng isa sa pinakamagandang ngiti niya. Parang natunaw ung puso ko sa ganda niya. Lumapit siya sa akin at nagbeso. At saka umupo sa tabi ko at hinawakan ung kamay ko. Hay...ang pakiramdam na paulit ulit kong nararamdaman tuwing nagkakadikit kami ni Jade. Kuryente.

"So gusto ko kasi sanang pagusapanan natin ung about kay Jamie. Ok ba siya sayo?" Tanong niya.

"Ewan ko. Hindi ko naman siya kilala masyado e." Sagot ko.

" e ok lang ba sayo na ligawan niya ako?" Tanong ni Jade habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. I always find myself lost in her eyes. Gustong gusto kong sabihing hindi pero nagulat kasi ako sa sitwasyon kaya hindi ako nakapag-ipon ng sapat na lakas ng loob para ipagtapat sa kanya lahat ng nasa loob ko.

"Ikaw bahala. Sabi mo nga dati diba magkaibigan lang tayo kaya no need to ask for my permission. Tara uwi na tayo masama talaga pakiramdam ko." Niyaya ko na nga umuwi si Jade at hindi na nagsalita pa hanggang makauwi kami. Tulad kahapon doon muna ako sa kwarto ko.

Jade's POV

Bakit ba ganun si Althea ngaun? Napakacold niya. Kung ayaw niyang magpaligaw ako sa Jamie na yun sana sabihin niya para alam ko rin gagawin ko. Naguguluhan rin ako akala ba niya sanay ako sa ganito? Oo kaibigan ko lang siya pero alam ko sa loob ko na masmalalim pa doon ang meron kami. She's my home.

Naputol yung magmumuni muni ko nang biglang may kumatok. *knock knock*

"Pasok." Jade

"Hi Jade. Sorry ha busy sa school ngaun kaya hindi kita nasabayan umuwi. Para sayo nga pala. Pambawi man lang sa hindi ko pagsabay kanina." Paliwanag ni Jamie. Inabutan niya ako ng 1 stem tulip at chocolates. Nang makita ko yung tulip, si Althea agad ang pumasok sa isip ko. Yung mga walang katapusang surprises niya sa akin. Yung tulip bouquet na siya mismo ang nag-ayos. Her smile that brings warmth to my heart. Her touch that brings shiver down my spine. My Althea.

Nagstay pa ng konti si Jamie sa kwarto ko at nagkwento ng kung anu-ano lang. Pinipilit ko namang makinig sa kanya pero ung isip ko may sariling buhay. Pilit na iniisip si Althea kahit pilitin kong magfocus sana kay Jamie na nasa harap ko ngaun.

"Jade? Jade?" Narinig kong tawag sa akin ni Jamie. Nahalata na niya na wala ako sa sarili ko at hindi ko siya pinapakinggan.

"Oh? Sorry pagod lang rin ako sa mga klase ko kanina. Sorry. Uhm pwede ba na bukas na lang ulit tayo magusap? Pagod na rin kasi talaga ako at may mga assignments pa akong gagawin. Pasensya na ulit a." Palusot ko. Kahit na ang totoo ay wala lang ako sa mood makinig sa kanya dahil na kay Althea ang isip ko.

"Ok lang. Gabi na rin kasi. Mauna na ako a. Bukas na lang ulit. Good night. I love you." Masayang sabi ni Jamie. Bebeso sana siya sa akin pero sa hindi ko malamang dahilan bigla na lang akong umiwas. Medyo asiwa pa kasi talaga ako sa kanya.

"Good night." Sabi ko at medyo tinulak na siya palabas ng kwarto ko. Wala naman siyang nagawa at nakangiting lumabas.

Pag alis ni Jamie, nahiga na ako. Matutulog na lang muna ako dahil sa estado ng pagiisip ko ngaun alam kong wala akong magagawang productive. Isang oras mahigit na rin akong nakahiga pero hindi ako dalaw-dalawin ng antok. Iniisp ko si Althea at ung pagiging cold niya mula nung nalaman niyang manliligaw sa akin si Jamie. Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin na ayaw niya akong magpaligaw para ngayon pa lang bastirin ko na si Jamie. Hindi lang ako nagsasalita pero hindi naman ako manhid. Alam kong may nararamdaman sa akin si Althea. At hindi lang yun pagkakaibigan. Sa tingin ko sa sarili ko nahuhulog na rin ako sa kanya. Pero syempre ayoko naman maging sobrang assuming, hanggat wala siya sinasabi hindi rin ako magsasalita.

30minutes.....
Isang oras......
Isa at kalahating oras.......
Dalawang oras......

Hindi ko na to kaya. Pupuntahan ko na si Althea sa kwarto niya. Kailangan ko talaga siya makausap. Kung sakaling ayaw niyang pagusapan ung about sa ligawan, okay lang din naman sakin. Kailangan ko lang talaga siya makausap. Kailangan kong marinig yung tawa niya, mahawakan ung kamay niya. Gusto kong maramdaman na nandyan lang siya at hindi siya nawala o mawawala sakin.

Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pupuntahan ko na si Althea sa kwarto niya. Bukas pa ang ilaw kaya siguradong gising pa siya. Sa dami ng bese na natutulog si Althea sa kwarto, alam ko nang hindi siya makatulog ng may ilaw kahit gaano pa yun mahina. So kumatok ako... Knock..knock...at binukas na ung pinto, hindi ko na inantay na sumagot pa si Althea.

"Althea..." Marahan na tawag ka sa kanya. Nilibot ko ung mata ko at nakita kong nakaupo siya sa may table na nakaharap naman sa bintana. Nakabukas ung bintana kaya tuloy-tuloy ang agos ng hangin sa kwarto. Ang lamig. Nakapatong ang ulo ni Althea sa lamesa.

"Althea..." Tawag ko ulit pero hindi parin siya sumagot. Nilapitan ko siya at nakita kong natutulog siya, nakatulog siguro siya habang nag-aaral. Nakahiga kasi siya sa mga notes niya. Tinitigan ko siya habang natutulog. Ang ganda rin talaga ni Althea. Pero napansin kong medyo kunot ang noo niya at salubong ang kilay. Napansin ko rin na basa ang papel sa parteng pinapatungan ng mata niya. Umiiyak ba siya bago siya nakatulog? Biglang sumakit ung dibdib ko. Pakiramdam ko dahil sakin kaya umiiyak si Althea. Pakiramdam ko ako ang dahilan ng kunot sa noon niya at sa salubong niyang kilay. Ako ang nakakasakit kay Althea. Alam ko. Ramdam ko kahit hindi niya sinasabi. Hinawakan ko ung noo niya at tinuwid ung kilay niya. Pinunasan ko rin yung natirang luha sa gilid ng mata niya.

"Im sorry Althea kung nsasaktan kita. Pero pwede mo naman kasing sabihin. Mag-sabi ka lang at gagawin ko naman kung ano ang gusto mo, magsabi ka lang. Please. Magsabi ka lang...."

Meant to be - a RaStromfanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon