Chapter 10

994 46 5
                                    

Althea's POV

Ang sakit ng batok at likod ko. Nakatulog pala ako habang nagaaral kagabi. Nakatulugan ko ung pag-iyak habang nag-aaral. Ewan ko ba. Nanliligaw pa lang naman si Jaime kay Jade, hindi pa naman sila pero ang sakit na. Pero wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin kay Jade ng diretso ung nararamdaman ko. Bata pa ako hindi na ako magaling i-express ang nararamdaman ko through words, mas magaling ako sa actions. Kaya nga lahat ng gusto ko sabihin kay Jade idinaan ko sa surprises, pag-aalaga, at pag-aasikaso. Ewan ko lang kung naramdaman niya pero siguro naman. Hindi ko tuloy alam paano sasabayan si Jaime ngaun. Ayoko rin naman sabihin kay Jade na bastirin na niya. Unfair din naman un sa kanilang dalawa. In the first place, hindi ko pa naman kilala si Jaime, paano kung mabait naman pala siya at mahal naman talaga niya si Jade? Pangalawa, paano kung magiging magkasundo naman pala sila? Paano kung magugustuhan naman pala ni Jade si Jaime? Edi ako pa ang naging dahilan para mapigilan kung ano man ang pwede mangyari. Ayoko naman ng ganun.

Hay. Papasok nanaman. Itutuon ko na lang lahat ng attention at oras ko sa pag-aaral para medyo makalimutan ko si Jade. Siyempre, dahil hinayaan ko si Jaime na ligawan si Jade, dapat bigyan ko rin sila ng oras na makapagbonding. Kaya medyo lalayo muna ako. Hindi naman ako aalis e, medyo didistansya lang para rin makagalaw silang dalawa ayon sa gusto nila. Pero ayoko rin naman na masyadong mahalata ni Jade ung ginagawa ko kaya tuloy pa rn ang mga nakasanayan na naming gawin.

Knock...knock..."Jade? Gising na. May pasok pa tayo." At agad akong pumasok. Aba wala na siya sa kama niya, so gising na. Noong palabas na ako ng kwarto ni Jade, nakasalubong ko siya sa may pinto. Nakabath robe, may nakapulupot na tuwalya sa ulo, at dala-dala ung mga pinagbihisan niya. Bagong ligo. Ang bango talga ng babaeng to. Lalo pag bagong ligo. Tinignan ko lang siya at napalunok. Ang ganda niya. At ang hot...

"Huy Althea! Natulala ka dyan. Natutulog ka pa?" At nagising na ako mula sa pagnanasa este pagiisp ko kay Jade.

"H-hindi n-noh. Gising na ako at gigisingin sana kita kaya ako nagpunta dito. Kaso gising ka na pala. Ang aga mo a." Nauutal kong sagot. Nakakautal naman kasi talaga ung ganda ni Jade lalo pag bagong ligo. Shoot! Umiinit tenga ko sa nakikita ko.

"Ay oo, maaga kasi ako nagising kanina, hindi naman na ako makatulog kaya maligo na ako. Maligo ka na rin para makapagbreakfast na tayo at makapasok na. Dali na. Magbibihis na rin ako kaya lumabas ka na." Utos ni Jade.

"Oo na. Ito na. Napakasungit mo, ikaw na nga tong inaalala. Wala man lang good morning." Tumayo na ako at padiretso na sa pinto.

"Althea!" Malakas na tawag ni Jade kaya naman bigla akong napalingon sa kanya.

"Good morning! *mwah*" paglingon ko, hinalikan ako ni Jade sa pisngi after niya magsabi ng good morning.

"O ayan a. Hindi na ako masungit. Naggood morning na ako sayo." Sabay kindat.

"Sige na ligo na para makagayak na tayo." At tinulak na ako nang may pilyang ngiti.

Lumabas na ako ng kwarto ni Jade pero pakiramdam ko nakalutang ako. Uminit ung mukha ko. Hinawakan ko ung part kung saan dumampi ung labi ni Jade sa mukha ko. Parang ayoko atang maligo. Ayokong basain ung mukha ko para magstay lang dun ung kiss ni Jade. Naramdaman kong dahan-dahan akong napangiti. Hay....sarap naman ng kiss na yun. Kahit alam kong friendly good morning kiss lang yun, masarap pa rin. Ang ganda ng simula ng araw ko a, sana maganda ang buong araw.

Dali dali na akong naligo at nagbihis. Ayaw na ayaw ni Jade ng naghihintay kaya baka magalit un kapag matagal ko siyang pinaghintay. Nang ready to go na ako. Pumunta na ako sa kwarto ni Jade. Nakasalubong ko naman si Jaime at mukhang galing siya sa kwarto ni Jade. Nagtanguan lang kami to recognize each other.

Meant to be - a RaStromfanficWhere stories live. Discover now