Chapter 13

1K 46 9
                                    

Althea's POV

Nagpatuloy ung paligsahan namin ni Jaime para sa puso ni Jade. Aba hindi pala magpapahuli ang lokong yun sa mga pakulo. I tried to be simple and true ang mga ginagawa ko. At pinapakita ko lang kung sino talaga ako. I dont want any pretentions. I want her to like me, the real me. Most of the time kami parin ni Jade ang magkasama, bukod naman kasi sa manliligaw niya ako, magkaibigan rin naman talaga kami. We enjoy each other's company. Hindi ko rin naman siya pinipigilan na magspend ng time with Jaime. Minsan sumasama siya dahil nahihiya siyang tumanggi. Okay lang naman sa akin dahil may tiwala ako sa kanya, at sa totoo lang secured ako kasi nararamdaman ko sa puso ko na mahal na din ako ni Jade, hindi pa lang niya maamin sa sarili niya at sa akin.

Ang bilis ng panahon, christmas break na. We have to go home and spend the holidays with our families. As much as I want to spend christmas with Jade, hindi pwede. Hindi naman ako papayagan ng mama ko na sa ibang bahay magpasko at lalong hindi papayagan si Jade na sa amin magpasko. Dibale, saglit na panahon lang naman ito. Magkakasama rin kami ulit.

"O ready na ba lahat ng gamit mo? Tara na?" Tanong ko kay Jade. Ngaun kami bababa at siyempre, tulad ng dati hatid ko muna si Jade sa terminal.

"Yes. Tara na. Para makabyahe ka na rin."

Pinasakay ko na si Jade sa bus and i made sure her things were secured. I bought her snack, candies, and some meds for her to take to avoid dizziness during the trip. Pababa na sana ako ng bus

"Althea." Jade called my name. When i turned she hugged me tight.

"Mag-ingat ka sa byahe a. Mamimiss kita." She whispered in my ear while still hugging me.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Mamimiss rin kita love. Pero saglit lang naman un. And i promise, ill call and text you every minute of everyday para huwag mo maramdaman na magkalayo tayo at para hindi mo ako mamiss. Ok? I promise!" Mahinang sabi ko. Medyo kinagat ko yung dila ko to stop myself from crying. Ito na ata ang pinaka malungkot na paghihiwalay namin.

I tightened my hug before i finally pushed her back.

"Upo na ka. And look after your things. Aalis na daw kayo. Ok?"

Mwah!

Jade kissed me in the cheek before settling in her seat. A smile formed in my lips, as well as in hers.

"Bye. God bless sa trip a. And update me." At tuluyan na akong bumaba. I was waiving at her as her bus drove away.

Noong umalis na ung bus ni Jade, tinawagan ko siya.

Ring ring....

"O bakit?" Bungad ni Jade

"Wala lang. God bless sa byahe mo a. And please update me." I reminded her again.

"And i love you Jade. Always have. Always will."

Hindi agad nagsalita si Jade pero ramdam kong medyo ngumiti siya.

"Oo na. Mag-ingat ka rin please and update me rin. Sige na. God bless." Jade said sweetly. Then ended the call.

Pareho kaming safely nakauwi sa kanya kanya naming bahay. And as promised i call Jade as often as i could. At dahil wala naman akong ginagawa, halos oras-oras ay magkausap kami.

"Nagpunta dito ung mga pinsan ko kanina. Bumisita lang. Namiss ko rin sila. Kaso parang ang layo na ng loob nakin sa isa't-isa lalo at matagal dn kaming hindi nagkita." Kwento ni Jade. Natutuwa ako kasi madaldal na rin siya. Palagi na siyang nagkkwento unlike dati na ako ng ako ang nagsasalita. Mas open na rin siya tungkol sa mga nararamdaman niya or naiisip niya kahit na hindi pa rin niya sinasabi na mahal rin niya ako. Pero okay lang. I can wait. Nakikita ko na tinitimbang pa niya ang mga bagay-bagay at mas gusto ko ang ganun para alam niya ang pinapasok niya kung sakali man. Dahil sa totoo lang, pag maging kami i want it to last. Ayoko ng short time. Gusto ko siya na ang makasama ko kaya gusto ko sigurado siya sa nararamdaman niya. Kasi ako siguradong sigurado na.

Meant to be - a RaStromfanficWhere stories live. Discover now