Chapter 5

1.3K 64 1
                                    


THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.

--------

Chapter 5

Mikha Lim.

"Okay makinig kayo. Si Jhoanna at Mikki, kayo ang magiging on-site security sa mga public events ni Miss Arceta. Kailangan kayong nasa likuran niya sa lahat ng oras at handang rumesponde sa kahit anong panganib. Siguraduhing wala kayong mapapabayaan, at patuloy na i-scan ang paligid para sa anumang mga pagbabago."

Tumingin ako kay Maloi at Maki "Kayo naman ang magbabantay sa mga private functions. Maloi, ikaw ang magiging direct contact ni Miss Arceta sa lahat ng oras. Sure mo na walang maiiwang detalye. Maki, ikaw ang magiging primary lookout."

"Copy Captain.." sagot nila.

"Oh Gwen ikaw ang bahala sa security system." sabi ko pa sabay tingin kay Vergara. "Para naman kay Vergara, ikaw ang magiging liaison officer. Sasalubungin mo ang mga bisita at i-scan ang background nila bago sila makapasok. At kung may mangyaring hindi inaasahan, ikaw ang maunang rumesponde." tumango lang siya sakin.

"At si Jeremy ang driver ni Miss Arceta.." ani ko pa. "At Manager para naman kay Miss Arceta kailangan niyang makipag-cooperate. Mahalagang maging alerto siya sa lahat ng nangyayari sa paligid niya Huwag siyang mag-atubiling sabihin sa amin kung may nararamdaman siyang kakaiba." sabi ko pa.

"Team, May contingency plans tayo para sa bawat sitwasyon. Sa bawat shift, isa sa inyo ang magiging lead, na siyang responsable sa coordination ng mga team members. Lahat kayo ay nasa itaas ng protocol at gagawin ang lahat para sa seguridad ni Miss Arceta."

"Ehem! Captain Lim." napatingin ako kay Lieutenant Vergara nang masalita siya bigla. "Maybe you can do me a small favor."

"What is that?" takang tanong ko. Nakita kong sumulyap siya kay Maloi na nakafocus sa laptop nito.

"Pwede bang ako na lang ang makipag-partner kay Maloi? Sa tingin ko mas magiging epektibo kami bilang tandem." sabi ni Vergara. Napanganga si Maloi dahil sa gulat.

Nagbiro ang mga mata ni Vergara habang nakatayo siya sa harap ko. Bagaman nakangiti ito, ramdam ko ang intensyon sa mga salita niya. Naging katahimikan ang pumalit sa paligid saglit—halatang nabigla silang lahat, pero nanatiling pa rin akong kalmado. Sa totoo lang, walang rason para hindi pumayag. Parehong magaling sina Vergara at Maloi. Pero alam ko din ang implications ng request ni Vergara—hindi lang ito tungkol sa trabaho kundi gusto niyang asarin si Maloi!

"Hoy! Tangina ka Colet! Tigil-tigilan mo nga ako!" sigaw ni Maloi.

"Vergara, hindi laro 'to. Nasa gitna tayo ng importanteng bagay, tapos—" she cut me off.

"Alam ko." sabi niya, pero nanatili ang kanyang pilyang ngiti. "Don't worry. Hindi ko siya gagambalain habang nasa duty kami. Pero off-duty? Well, ibang usapan na 'yun."

"Shut up! Mikha wag kang papayag!" hirit ni Maloi at binato ng unan si Vergara.

"Ayaw mo pa? Ako na 'to." sabat ni Vergara.

Napapikit si Maloi sa inis. "Hindi tayo pwede maging magkapareha, Colet. Alam mong hindi 'yun magandang idea." madiin na sabi pa niya.

"Bakit naman? Perfect nga tayong dalawa, eh! Alam mo 'yun, 'yung chemistry natin—boom!" ani pa ni Colet, napangiti nang may bahid ng pang-aasar.

Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah Where stories live. Discover now