THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 48
Mikha Lim.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aiah, huminga ako nang malalim at tumayo mula sa kama. Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon bago ako tuluyang lumabas ng hotel suite niya. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Kahit na nag-usap na kami, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Paglabas ko ng pinto, napahinto ako nang makita ko si Manager na nakatayo sa hallway, mukhang hinihintay ako. "Captain Lim," bati niya sa akin, diretso ang tingin.
"Manager," sagot ko, sabay tango.
"Babalik na tayo sa Pilipinas sa Wednesday." sabi niya nang walang paligoy-ligoy. Napakunot ang noo ko sa narinig ko.
"Sa Miyerkules na?" tanong ko, medyo nagulat. Ang akala ko ay magkakaroon pa kami ng oras dito para ayusin ang lahat.
"Oo," sagot niya. "May final briefing mamaya para sa security arrangements. Kailangan nating masiguro na ligtas ang lahat pagdating natin sa Pilipinas, lalo na si Aiah."
Tumango ako at nag-isip nang malalim. Kung babalik na kami, dapat siguraduhin kong walang butas sa plano. Lalo na't alam kong hindi pa tapos ang banta sa buhay ni Aiah at isa pa kailangan pa namin manmanan ang pamilya ni Dustine.
"Sige, Manager. Sasabihan ko ang team," sagot ko bago siya iniwan. Naglakad ako papunta sa kwarto ko habang ang isip ko ay punong-puno ng plano at mga dapat gawin.
Isang tanong lang ang bumabalik-balik sa isip ko—handa na ba kami?
Pagkarating ko sa hotel suite nila Jho, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pinatawag ko sila para mag meeting. Kailangang maipaalam ko sa kanila ang balita at masigurong magiging handa kami sa pagbabalik sa Pilipinas. Alam kong hindi biro ang sitwasyon namin, lalo na't nananatiling tahimik ang kalaban.
Makalipas ang ilang minutes ay nasa loob na sila lahat. Nakaupo na sina Colet, Mikki, Jeremy, Jhoanna, Maloi, at sina Maki at Gwen. Kita ko ang seryosong expression sa kanilang mga mukha, lalo na kay Ate Colet na parang ramdam ang bigat ng paparating na responsibilidad.
Tumayo ako sa harap at tumingin sa kanilang lahat. "May announcement ako," panimula ko. "Babalik tayo sa Pilipinas sa Miyerkules. Ibig sabihin, may tatlong araw lang tayo para maghanda. Kailangan nating tiyakin na solid ang lahat ng plano natin bago tayo umuwi."
"Tatlong araw?" tanong ni Jeremy, halatang nagulat. "Ang bilis naman."
"Wala tayong magagawa," sagot ni Colet. "Kung yan ang schedule, kailangan natin mag-adjust."
Tumango ako. "Alam kong hindi madali, pero wala tayong choice. Alam natin na tahimik ngayon ang kalaban. Pero ang tahimik na ganito, mas delikado. Pwedeng ginagamit nila ang oras na to para magplano ng mas malalang atake."
"Anong plano, Captain?" tanong ni Mikki, seryosong nakatingin sa akin.
"Gagawin natin ang lahat ng preparations sa loob ng tatlong araw. Magrereview tayo ng security protocols, iko-coordinate natin ang lahat ng posibleng ruta, at dapat alerto tayong lahat. Ayoko ng kahit anong pagkakamali. Lalo na't alam nating hindi titigil ang kalaban hangga't hindi nila naaabot ang target nila."

KAMU SEDANG MEMBACA
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
Fiksi PenggemarMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.