THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 35
Colet Vergara
Sinara ko ang pinto matapos sitahin sila Mikki sa labas, alam ko naman na kanina pa sila nakikinig samin ni Maloi kaya hindi na muna ako nag salita at nakiramdam nalang muna at talagang, Pinanindigan na naman nila ang pagiging makukulit nila pero hindi ko na rin inintindi pa.
Lalo na nang sabihin ni Mikki na nasa Paris din si Mikha. Si Mikha, alam ko naman na nandito siya. Dito sa Paris, susunod at susunod siya sigurado ako dun. Napakurap ako saglit, pero hindi iyon ang oras para pagtuunan ko sila ng pansin. Mas importante ang nasa harap ko ngayon.
Pagharap ko, nakita ko si Maloi na nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko at mukhang malalim ang iniisip. Tahimik lang ang buong kwarto, at ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Napahinga ako ng malalim, kailangan ko siyang amuhin ngayon kahit matigas ng ulo niya.
"Maloi...." tawag ko sa kanya. Hindi siya tumingin, pero nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya, halatang huminga siya nang malalim.
"Colet, tigilan mo na," sabi niya, halos pabulong, pero ramdam ko ang bigat ng salita niya. "Ginugulo mo lang ako."
Napakunot ang noo ko. "Ginugulo? Bakit, dahil ba kay Maki?" tanong ko.
Tumingala siya at tinitigan ako. Ang mga mata niya puno ng emosyon—gulo, sakit, pero higit sa lahat, takot. Takot na ayaw niyang may masaktan siya.
"Oo," sagot niya nang diretso. "Kay Maki. Colet, bakit ba ginugulo mo ko? Alam mo namang..." tumigil siya, pilit inaalam kung paano itutuloy ang sasabihin. "Alam mo namang siya ang mahal ko."
Masakit. Gusto kong umatras, gusto kong umatras sa sitwasyon at iwan na lang siya. Pero mas malakas ang nararamdaman kong paniniwala na dapat ko siyang ipaglaban.
"Kung siya talaga ang mahal mo," sabi ko, pilit na pinatatag ang boses ko kahit na gusto ko nang umiyak. "Bakit ganito ka sa akin? Bakit kita nararamdaman sa bawat galaw mo, sa bawat tingin mo? Kung mahal mo si Maki, bakit hindi ka nag seselos?" tanong ko rin sa kanya.
Natahimik siya. Halos marinig ko ang bigat ng paghinga niya sa katahimikan ng kwarto. Hindi siya umimik, pero nakita ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya at ang mabilis niyang pagpunas sa luha niya.
"Maloi," lumapit ako nang kaunti, halos hindi na kami magkalayo. "Oo, ang daming gulo, ang daming tanong. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin." tumigil ako, hinayaang tumama ang mga mata ko sa kanya. "Mahal kita."
Napailing siya, pilit na tinatakpan ang emosyon niya. "Colet, tigilan mo na 'to. Ginugulo mo lang ang isip ko."
Pero hindi ako umatras. Lumuhod ako sa harap niya, hinawakan ang magkabilang kamay niya na pilit niyang inilalayo.
"Alam kong gulong-gulo ka. Alam kong natatakot ka," sabi ko, mas mahina na pero mas totoo. "Pero hindi ako susuko. Kung talagang si Maki ang mahal mo, sige, tatanggapin ko. Pero huwag mong sabihing ginugulo lang kita, Maloi. Kasi alam nating dalawa, hindi 'to laro para sa akin."

YOU ARE READING
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.