Chapter 58

812 23 1
                                    

Chapter 58



Mikha Lim.



Paglabas namin ni Aiah mula sa hotel suite, ang lamig ng hangin sa umaga. Tinigil ko saglit ang mga hakbang ko, pinakinggan ang tunog ng mga alon mula sa malapit na dalampasigan, at ang hangin na nagmumula sa dagat. Si Aiah, tahimik na naglalakad sa tabi ko, medyo mabilis na ang mga hakbang. Hindi ko na siya tinanong, kasi alam ko namang may dahilan siya kung bakit gusto niyang mag morning walk.




Pero habang naglalakad kami, may ibang iniisip ako. Hindi ko na alam kung anong nangyari, pero bigla ko tuloy naalala ang mga araw na naglalakad kami sa training camp. Yung mga umaga na tumatakbo kami nila Colet, yung mga pagkukwentuhan namin ng seryoso habang naghahanda sa mga susunod na hamon. Naalala ko pa kung gaano kami ka-competitive noon, palaging may goal, may mission, at walang pwedeng sumuko.





I felt a little nostalgic. Ang saya-saya noon—walang halong drama, puro focus lang sa training. Minsan naaalala ko pa yung mga oras na magkasama kami nila Colet sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa may ibaba ng field, magkagalit minsan, pero may bonding moments pa rin. Lahat kami, nagkakasama at nagtutulungan. At syempre, nung mga times na after ng pagod, magkakasama kami sa dorm, nagtatawanan, nag-uusap ng mga bagay na wala sa loob ng training.



Ang mga memories na 'yun, kaya ko naisip kung bakit parang may kulang. Parang nagbabalik ang mga alaala sa puso ko, gusto ko na sana magpatuloy sa mga bonding na 'yun. Pero ngayon, parang ang layo na ng narating naming lahat, ang layo na ng takbo ng buhay namin. Hindi ko tuloy maiwasan magtaka—may posibilidad pa kaya na bumalik kami sa ganoong simpleng araw?





Ang saya lang isipin na mula sa training camp, hanggang dito magkakasama kami..









Napangiti na lang ako habang tuloy ang paglalakad namin ni Aiah. Bigla kong naalala kung paano lagi akong napapatawa sa mga kalokohan nila Colet at Maloi noong nasa training camp pa kami. Grabe, si Colet, parang wala talagang awa kay Maloi. Palagi siyang may paraan para asarin ito—minsan may dahilan, pero kadalasan wala lang talaga. Ang pinakapaborito niya ay ang i-assign si Maloi sa pinakamahirap na tasks, tapos tatanungin niya kung kaya ba ni Maloi o susuko na siya.



"Maloi, kaya mo pa ba o bibitaw ka na?" I could still hear Colet's teasing voice in my head. Syempre, todo pahirap pa siya habang pinipilit pigilan ang tawa.




Si Jeremy at Mikki? Walang palya sa pangungunsinti kay Colet. Nasa tabi palagi, sumisigaw ng "Go, Boss! Kaya mo yan, pahirapan mo pa!" parang nasa cheerleading competition. Tapos kami nila Jhoanna at Gwen, wala nang ginawa kundi pagtawanan ang eksena.

Laging napupuno ng tawanan yung paligid namin kahit pa nasa gitna ng seryosong training. Si Maki naman, laging maawain kay Maloi. "Kawawa naman si Maloi," sasabihin niya habang tahimik na inaabot ang tubig kay Maloi na parang gusto nang bumagsak sa sobrang pagod.






"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ni Aiah bigla, napansin siguro na nawawala na ako sa realidad.




"Naalala ko lang yung mga kalokohan nila dati," sagot ko, sabay tingin sa kanya. "Yung mga panahon sa training camp kami. Grabe si Colet mag pahirap kay Maloi, pero aminado akong sobrang entertaining nila. Ang saya nila panoorin." nakangiting sabi ko habang muling binalik ang tingin sa kalmadong dagat.




Napailing si Aiah, pero may ngiti rin siyang pilit na pinipigilan. "Masaya ka ba kasi kasama mo pa rin sila?" tanong niya sakin.




"Oo naman.. parang kapatid ko na silang lahat." sabi ko.




Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah Where stories live. Discover now