Chapter 50

985 31 1
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.






Chapter 50





Jhoanna Robles.




"Alam mo, Gwen," panimula ko habang naka-sandal sa sofa, "Grabe talaga si Stacey, no? Ang ganda niya talaga. Alam mo ba, naisip ko na kung anong itsura ng wedding namin. Ako, naka-suit, tapos siya—grabe—naka-white gown, ang ganda niyang bride!"




Napangiwi si Gwen at tumingin sa akin na para bang hindi niya ma-gets kung bakit ako ganito. "Jho, manahimik ka nga. Delulu ka na naman tangina." halata sa boses niya na nayayamot na siya.




Hindi ko siya pinansin, lalo pa't nasa mood ako magkwento. "Tapos, Gwen, imagine mo ha? Sa altar pa lang, umiiyak na ako kasi hindi ko ma-handle ang ganda niya. Alam mo, feeling ko nga ako yung pinaka-swerte sa mundo kung sakali." pagd'daydream ko pa.





Natawa na lang siya at tumingin sa akin na para bang wala na siyang magawa. "Jhoanna, tigilan mo na yan. Wala pang isang buwan na kasama natin si Stacey, ikakasal ka na agad?"





"E bakit ba? Pwede namang mangarap, di ba?" sabi ko habang nakangiti. "At least ako, may plano. Ikaw kaya? Ano, Gwen? May plano ka ba kay Sheena?" dagdag ko, sabay kindat sa kanya.



Hindi na siya sumagot, mukhang naiirita na. Biglang napalingon siya kay Mikki na kakapasok lang sa loob.






"Mikki," utos ni Gwen, "Puntahan mo nga sina Maloi at Colet sa room nila. Kanina pa tahimik yung dalawa, baka kung anong ginagawa."






Tumango si Mikki at agad na umalis para sundin ang utos. Ako naman, bumalik sa pangarap kong kasal. "Gwen, isipin mo na lang. Pag honeymoon namin ni Stacey—"





"Jho, seriously, tama na. Masakit na ulo ko sayo," sabi niya sabay hawak sa   sa noo niya, parang nawawalan na ng pasensya sakin.






Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Mikki, pero namumula ang mukha nito, parang nakita ng multo. "Uh... guys..." pautal niyang sabi habang itinuturo ang pinto ng room nina Colet.







"Anong problema mo?" tanong ko, sabay tayo. "Parang hindi ka makahinga?"





"Tingnan niyo na lang... sila..." bulong niya habang tumuturo pa rin sa direksyon ng kwarto.





Nagkatinginan kami ni Gwen, sabay lakad papunta sa pinto. Maingat kaming sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto, at doon namin nakita ang hindi namin inaasahan.








Si Maloi at Colet. they were kissing inside the room, kaya pala ang tahimik nila..








Natulala kami ni Gwen, pareho yatang hindi makapaniwala sa eksenang nakita namin. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko, pero ang pinaka-dominante sa lahat ay—Anong nangyayari dito?!






Bigla akong napatingin kay Gwen, na mukhang mas gulat pa sa akin. "Gwen," bulong ko, "Kailan pa 'to?"





"Wala akong alam!" sagot niya, pero halata sa boses niya ang pagka-tense.





Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz