THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 49
Mikha Lim.
FF | 3 days later.
Tatlong araw na ang lumipas, at ngayon, ito na ang araw ng aming pagbabalik sa Pilipinas. Para sa amin, hindi na ito isang simpleng flight pabalik sa bansa. Lahat kami, mula sa security team ay alerto at handa. Hindi ko matanggal ang pakiramdam na may banta pa rin sa amin—lalo na kay Aiah. Kaya, siniguro kong nakatutok ang atensyon ko sa kanya habang nasa loob ng airport.
Habang naglalakad kami patungo sa boarding gate, hindi ko maiwasang magsimula ng mental checklist sa lahat ng security measures na in-place. Pati ang mga galaw ko ay nagiging maingat—mabilis na magsuri ng paligid, at iwasan ang anumang hindi kanais-nais na sitwasyon. Mas mabuti nang maging handa kaysa magsisi sa huli.
Sa kabila ng lahat ng ito, sakin naman nakatuon ang paningin ni Aiah. Nakakaramdam ko ang presensya niya kahit hindi ko siya tinitingnan. Pasimple niya akong tinatanaw mula sa gilid, at para bang may hangin ng kilig na dumaan sa pagitan namin. Hindi ko maiwasang magtaka kung ano ba talaga ang nararamdaman niya natatakot ba siya, kinakabahan—o baka nga wala lang, at ako lang yung nasosobrahan sa pag-aalala. Pero ang mga mata niyang nakatingin sa akin at ngumiti nang mapang-akit, hindi ko yata matanggal yun sa isipan ko.
Hindi ko rin na-miss ang mga maliliit na galaw niya—para bang sinasadya niyang magpatanaw sa mga mata ko. Parang tinatawag niya ako, pero sa paraang tahimik, pasimple, at hindi direktang nagsasabi.
Tangina ka Aiah... Nasa panganib na yung buhay mo, nakukuha mo pang akitin ako!
"Alam ko na, may mga bagay akong hindi naiintindihan," bulong ko sa sarili ko. "Wag mo na nga siyang tignan Mikha." saway ko pa sa sarili ko.
Hinawakan ko ang handle nang bag ko ng mas mahigpit, ang mga mata ko ay kusang bumalik sa kanyang direksyon. Baliw na ba ko? Bakit parang siya lang ang nakikita ko ngayon, sa kabila ng lahat nang banta?
Suminghap ako at nagfocus sa ginagawa ko, hindi ko na pwedeng pag-isipan pa ang mga bagay na walang kasiguraduhan. Pero kahit na ganoon, alam ko—ramdam ko—na may plano si Aiah na mang-akit na naman.
:
Habang naglalakad kami palabas ng terminal, si Mikki at Jeremy ang nasa harapan bilang front guard para kay Aiah. Sa gilid naman, tahimik na nagbabantay sina Maloi at Maki, parehong alerto at seryoso sa bawat galaw ng mga tao sa paligid. Kami naman nina Colet ang nasa likod, pinananatili ang distansya para mabantayan ang buong grupo. Maingay ang paligid at kabi-kabila ang mga paparazzi na kumukuha ng picture nila dahil paano ba naman tatlong top-tier models sabay sabay umuwi diba? Magkakagulo talaga sila.
Biglang napansin kong nagbubulungan sina Jhoanna at Gwen sa likuran. Hindi naman maiwasang mapatingin ako, lalo na nang medyo tumatawa si Jho.
"Ang ganda-ganda talaga ni Stacey, feeling ko talaga para sa akin siya." bulong ni Jhoanna kay Gwen, pero sapat na malakas para marinig ko. "Parang gusto ko na siyang kidnapin at pakasalan. Bahala na si Batman!"

CZYTASZ
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
FanfictionMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.