Chapter 65

943 22 1
                                    

Jhoanna Robles.

Gabi na nung dumating kami sa bahay ni Aiah, hindi pa man kami nakakapahinga nang bigla na lang nagpaalam si Stacey.

"Uuwi na rin ako. Magpapasundo nalang ako," sabi niya, habang kinuha ang bag niya at tumingin sakin na parang may sinasabing "Wag ka nang umepal."

Pero syempre, hindi ko papalampasin yun. Hindi ko siya hahayaang umuwi nang hindi ko siya ihahatid. Ano ako, tanga?

"Ano ka ba, Stacey? Ihahatid na kita," sabi ko, mabilis na tumayo at kunwaring kinuha yung susi ng kotse ko, kahit wala naman talaga akong planong gamitin yun. Style ko lang para wala na siyang masabi.



Sumimangot siya at biglang tumigil sa paglalakad. "Hindi na. Magpapasundo na nga ako, di ba? Bakit ang kulit mo?"

"Aba, hindi mo ba naiisip? Madilim na sa labas, delikado. Ayokong mapahamak ka. Kaya ako nalang maghahatid," sagot ko na may kasamang kunwaring seryoso pero sweet na ngiti.


"Tumigil ka nga, Jhoanna. Wala akong balak sumakay sa kotse mo. Gusto mo ba talaga ibalibag kita dito mismo sa living room ni Aiah?" sabi niya, at napansin kong mas tumataas na ang tono ng boses niya. Pero alam ko, deep inside, kinikilig lang 'to.


Syempre, kikiligin yan! Ako na to eh!


"Baka ikaw ang ibalibag ko sa kwarto ko," sagot ko agad, sabay ngiti nang nakakaloko. "Mas gusto ko pa nga yun, eh."

Narinig ko ang pigil na tawa ni Aiah sa gilid. Si Mikha naman, napailing nalang pero halata mong aliw din sa drama namin ni Stacey.


"Jhoanna, tumigil ka nga! Ang kulit mo!" sigaw ni Stacey, pero ramdam ko ang kilig sa boses niya kahit anong pilit niyang itago.



Gotcha! Wag kang mag alala Stacey, makukuha din kita!



"Hindi, Stacey. Hindi kita titigilan. Ihahatid kita. Yan ang trabaho ng future partner mo, di ba?" sabi ko na medyo binabaan pa ang boses ko para kunwaring seryoso.

"Future partner my foot!" binato niya ang bag niya sakin at sabay talikod, pero nakita ko na namula na ang tenga niya. Nakangiting sinalo ko yun. Panalo na naman ako.


Sinenyasan ako ni Mikha na tumigil na, pero paano ako titigil kung ang saya asarin si Stacey? At sa totoo lang, gusto ko lang siyang siguraduhin na ligtas. Sa mundo ngayon, hindi mo alam kung kailan magkakaroon ng pagkakataon ang mga masasamang loob.





"Fine," sabi niya, biglang humarap sakin. "Pero isang maling salita mo lang, bababa ako sa gitna ng daan."


"Deal," sagot ko agad, sabay abot ng bag niya at ngiti ng todo. "Let's go, mahal."

Nakita kong halos mag-init ang mukha niya sa inis—o sa kilig. Well, kilala ko naman si Stacey. Kunyari lang yan, pero deep down, alam kong hindi rin siya papayag na hindi ako ang kasama niya.

Oo! Delulu ako kaya wag kayong ano dyan!


Habang nasa biyahe kami pauwi ni Stacey, tahimik lang siya sa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana. Ako naman, hindi mapakali. Minsan, titingin ako sa kanya, tapos babalik yung mga alaala ng asaran namin kanina. Kasalanan ba kung masyado siyang maganda?

Napangiti ako nang wala sa oras. Hindi ko na napigilan.

"Stacey," tawag ko sa kanya, pero hindi siya tumingin. Mukhang deadma mode na naman siya.

"Alam mo, iniisip ko lang," simula ko, sabay ngiti nang nakakaloko. "Kung magiging kasal natin, gusto mo ba sa beach or garden wedding? Personally, feel ko yung garden. Romantic, di ba?"


Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang