THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
•taglish• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.
Chapter 21
Jhoanna Robles.
Nakahinto ang kotse ko sa gilid ng kalsada, pero hindi iyon ang pumupukaw ng atensyon ko. Hawak-hawak ko ang cellphone, at seryosong nakatitig kahit na ang liwanag ng phone ay tumatama sa mga mata ko, Habang nakababad ako sa social media account ni Miss Stacey.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa bawat picture at post niya, kahit pa alam kong malayo ang pagitan ng mundo namin.
"Talaga namang ang ganda mo, Miss Stacey," bulong ko, habang mabilis na nag-scroll, gusto ko pa kasi makita ang ibang pictures niya.
Dumaan sa screen ng phone ko ang picture kung saan suot ni Stacey ang isang pormal na gown, kitang-kita ang elegance at sophistication niya. At dahil hindi ko napigilan ang kamay ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay sunod-sunod na ang mga heart reactions ko sa bawat post niya. Hindi ko napansin na masyado na pala akong na-engross, halos hindi na ko na namalayan ang oras sa pag-istalk ko sa account niya.
Swerte mo ah, hindi ako mahilig mag Facebook or kahit na anong social media platform pero dahil sayo gumawa ako ng account. bulong ko sa isip ko habang nakangiti. Para akong tanga dahil halos mapunit na ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko.
Pero isang text notification ang natanggap ko at bumalik ako sa katinuan. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang text ni Colet.
Aba? Himala nag text si Vergara. Hindi kasi to nag tetext mas gusto niya ang call. Tamad mag text tong gagong 'to!
From : Lieutenant. Colet Vergara
Hoy, nawawala si Mikha.
"What?!!!" sigaw ko at paulit-ulit binasa yung text niya pero ayun talaga ang nakalagay. Pinindot ko yung call at tinawagan siya. Ilang ring lang ay sinagot na niya.
"Hoy?! Seryoso?" gulat na tanong ko. Narinig ko pa ang malakas na hangin sa background niya at ilang mga ugong ng sasakyan.
"Oo tanga." sagot niya sakin. Napasapo ako sa noo ko. Anak ng tinolang garapata! Eh, bakit parang kalmado pa siya?
"Gago ka? Nawawala pala si Mikha eh bakit parang kalmado ka pa dyan?!" sigaw ko sa kanya.
"Bobo ka? Syempre hindi naman ito yung unang beses na nawala siya so I'm used to what she does." matipid na sagot niya.
Ay anak talaga siya ng nanay niya! Sus! Ano ba naman 'tong magkapatid na 'to? Talagang parehong may saltik! Basta talaga 'tong dalawang to ang magkasama matik siraulo!

KAMU SEDANG MEMBACA
Cry, or Better Yet Beg | MikhAiah
Fiksi PenggemarMikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. cry, or better yet beg.