Ang Simula

10K 188 3
                                    


Nakarating din sila sa ilalim ng tulay kung saan naghihintay ang inarkila nilang driver ng maliit na bangka.

Simula na nang pagpunta nila sa Probinsya ng Duhinob.Kung saan ipinanganak si Jolibee.Dito napag isipang pumunta nang magbabarkada dahil sa maganda kuno ang tanawin.Berde ang kapaligiran.Parang luntiang palasyu.May falls,mayroon nang naghihintay na maliit na kubo sa kanila.

Perpektong perpekto sa tatlong araw na bakasyun.Tahimik,walang problema,puro kasiyahan.

Yun ang inakala nila......

'Manong,kanina ka pa?Mga ilang oras po ba ang byahe nitong bangka?' ni Marie habang tinutulungan ang mga kaibigan sa pagkakarga ng mga gamit.

'Mga kinse minutos pa naman akong naghihintay neng..Mga tatlong oras tayu sa dagat.' sagot ng lalaki na nasa mga singkwenta na ang edad,moreno,medyu kulobot na ang balat at parang may palaging malihim na iniisip.Nang pumunta si Jolibee sa tulay para magtanong tungkol sa bangka,paano makakapunta at magkano ay ito ang lumapit sa kanya at siya na nga ang kinuha ni jolibee at inatasang hahatid at susundo sa kanila.

'Ahh..Okay po'!

Nakapwesto na silang lahat sa bangka at handang handa na sa unang sabak ng kanilang bakasyun.

Selfie doon,selfie dito.
Groufie duon,groufie dito.

Kitang kita sa mukha ng magbabarkada ang tuwa at excitement.Nilulublub ang mga paa sa dagat at nagsisisigaw na parang mga bata..

Mga isat kalahating oras na ang nagdaan ng..

'IM FREEEEEEEE'!!!!!
Sigaw ni Grace habang nakatayu sa bangka at iwinawagayway pa ang mga kamay.

Tawang tawa ang magbabarka nang biglang parang lumindol ang dagat na syang ikinagalaw galaw ng bangka it ikinahulog ni Grace.

Sumigaw ang lahat..Napakapit dahil sa lakas ng pag galaw ng dagat na animoy mahahati anu mang oras..Nagpagewang gewang at halos mataob na ang bangka pero kapit pa rin ang magkakaibigan.
Umiiyak,sumasambit ng dasal.Sumisigaw..

Nang mga ilang sandali ay naging malinaw ang lahat..payapa..tahimik..walang alon..parang walang nangyari..

'Best...tulong..si Grace na naka kapit sa gilid nang bangka..nakapikit..Hapong hapo..

Agad namang kinuha nila ang kaibigan at pinahiga sa konting espayong natira sa gitna ng bangka.

Hindi mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa mukha dahil sa takot at kaba ng...

'Manong,anung nangyari'?
ni Rizza sabay lingi sa likod kung nasaan nandun ang driver.

'Manong'???

Sabay nalingi ang lahat..Walang manong.Biglang nawala na parang bula.

'Patay na sya? Sheet sheet..huhuhuhu.. Asan na sya? Paanu tayu makakauwi nito? Gusto ko nang umuwi..huhuhu..anu ba?,Anu bang nangyayari? ni joseph na nanginginig na sa takot..

'Jolibee,anu bang nangyayari?Nasaan na tayu? umiiyak na sambit ni marie..

'Oo nga best,saan to? paanu tayu maka kauwi?
Alam mo ba kung anung nangyari,? nanginginig na tanong ni Rizza.

'Hindi ko alam..paano ko malalaman eh hindi ako driver ng bangka..last 7 years pa ako nakapunta sa duhinob,paano ko maaalala ang daan sa dagat?huhuhu
iyak na sagot ni Jolibee.
'Hintayin na lang natin si Manong baka bumalik iyon..

'Tama ka jol,hintayin natin si manong..ni rizza na biglang naging mahinahun...

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now