Isang Stranghero

7.3K 191 7
                                    


Hindi namalayan nang magkakaibigan na nakatulog na sila sa sobrang pagod at pagkagulantang sa mga pangyayari.Himbing na himbing sa damuhan na napapalibutan nang matataas na kahoy.Walang ka alam alam na kanina pa may nakamasid sa kanila...

Dahan dahang lumapit ang isang nilalang at..

'Gising..gising'. na parang bumubulong lang.Gising kayu'.

Si jolibee na naalimpungatan ay nagsisigaw.'Ahhhhhh..Aswang..aswang!!!
na ikinagising naman nang lahat at sumigaw na rin ng sabay sabay.

'shhhh shhh'.Huwag kayu maingay.Ako nga pala si Manuel.Oo aswang nga ako pero hindi ko ito ginusto.Narito ako para tulungan kayu.'.

HA??'' sabay sambit ng mgkakaibigan.

At mula sa sinag ng buwan ay bumulaga sa kanila ang mukha ng stranghero.Lalaki..pero ang ikinanganga nang lahat ay ang hitsura nito.

Matangkad..moreno..malalago ang buhok..kilay na makakapal na parang inukit para sa isang dyoso.Ang matatangos na ilong.Maninipis na labi na parang nag iimbitang mahalikan.Ang katawang makapaglalaway sa lahat at ang mga mata..

Mga matang nangungusap na parang may isang malagim na pangyayari sa nakaraan.

'Halina kayu..Mag aalas dose na..baka maabutan kayu.Magtiwala kayu sa akin.Sa ngayun hindi nyu naiintindihan pero malalaman nyo rin.'.

Para namang nahipnotismo ang lahat at agad sumama sa kanya..At si Joseph ang nauna at nagdrama drama na hindi makalakad kaya inakay ng stranghero.

Umikot na lang ang mga mata ng mga babeng kaibigan dahil kahit sa gitna ng katakot takot na dinanas nila ay hindi pa rin mapigilan ni Josefa ang kakatihan..:)

Sobrang dilim ng kanilang dinadaanan.Pero dahil sa sinag ng buwan ay nakikita pa rin nila ang paligid.Sobrang tataas at tatayug ng puno.Makakapal ang mga dahon at damong nadadaanan nila.

'Siguro ang ganda ng islang ito.Kahit madilim ang ganda'.ni marie na manghang mangha sa nakikita

'Oo nga..Parang garden of eden lang ang show'. Saad ni Jolibee.

'Shhhh huwag kayu maingay..baka masundan nila tayu'. ni Manuel.

Agad naman natakot ang mga babae at naghawak hawak kamay sa paglakad.

Halos isang oras din silang naglakad at narating nila ang isang maliit na kubo.Pinapasok sila ni Manuel at binigyan nang tubig.Iginiya ng magkakaibigan ang paningin sa paligid.Halos puro luma ang mga kasangkapan.Palayuk,sandok..parang sa sinaunang panahon pa.
Ang bubong na yari sa nipa at kawayan.. ang papag na halos magigiba na..Walang modernesasyon..Parang sa panahon pa ng kalolo lolohan nabubuhay si Manuel.

'Matulog muna kayu at bukas nyo malalaman ang dahilan kung bakit kayu nandito.Kailangan nyo ng lakas dahil kakaibang nilalang ang masasagupa ninyu,yun ay kung gusto nyu pang mabuhay.'.

Gustuhin man nilang ipasok sa utak ang lahat ng sinabi ni Manuel ay tuluyan na silang nilamon ng antok...

Naaawa si Manuel sa mga mortal habang minamasdan nyang himbing at hapong hapo ito sa pagtulog.Gagawa sya ng paraan sa isip nya.Para maputol na kung anu mang sumpa meron ang islang ito....

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now