Paano sya Tatapusin?

5.4K 125 3
                                    


Sa mga narinig nila at nakita sa nangyari ay napahagulhol nalang sila sa sa sinapit ng dalawang kaibigan.Hindi makapaniwala sa nasaksihang kamatayan ng mga ito.Parang mga baboy na kinatay ng mga halimaw.

'Takbo na bilis..Takbo na'.ni Grace na nauna nang tumakbo at pinasunod ang dalawa.

Habol ang hininga at sobrang kaba,napahinto sila sa isang bulto ng lalaki na bumangga sa kanila..si Tandang Sipirin..

Nawindang sila sa hitsura nito..kung gaano sya kapangit kanina ay mas grabi ngayon.Napakasangsang ng amoy.Ang mga uod ay lumalabas sa lahat ng butas ng kanyang katawan.Ang mapupulang mata na sa sobrang galit ay halos iluwa na..Nakatakot,nakakatakot talaga..

'Akala nyo?Matatakbuhan nyo ako?Ha!!Nagkakamali kayo..'

Sabay sakal kay Jolibee at inihagis sa kahoy!
Laking gulat nang hindi tinablan si Tandang Sipirin nang baong panangga ni Jolibee..

Humihingal na sya sa sakit nang kanyang likod at si Grace naman ang pinagdiskitahan nito..

Hinablot ang buhok at paulit ulit na sinampal.Maga na ang kanyang mukha at halos putok na ang labi at dahan dahan ng tumutulo ang dugo.. sabay tapon sa tabi ni Jolibee..

At ang huli,si Rizza na pinaulanan ng bugbug ni Tandang Sipirin..Sumusuka na sya ng dugo at halos maga na rin ang katawan sa tinamong sugat nito..
Hindi makagalaw ang tatlo..parang naparilisado sa pinsalang nakamit sa kamay ng kaaway..

Dahan dahang gumapang si Rizza papunta sa dalwang kaibigan kahit sumusuka na nang dugo.

'Nasaan ang kapangyarihan nyo?Ito ba?Ito ba ang sinasabi ng aking taga baryo na kinatatakutan nila?Mga inutil na babae at walang alam!! Sinu ang uunahin ko sa inyung kainin ha?Gusto ko iyong pinakamasarap ang kakainin ko nang huli para maganap na ang aking pagiging mas makapangyarihan.

Hinablot ni Tandang Sipirin ang balat sa kaliwang braso ni Jolibee at napatili ang babe sa sakit na nararamdaman nito.
Puno na ito ng dugo at unti unti mong makikita ang buto.

'Hmmm..sarap nito..mmm mmmmm...'. habang nginunguya ang balat.

Umiiyak na si Jolibee sa sakit at halos mawalan na nang bait sa tindi nang hapding dulot niyun.

Nang matapos nguyain ni Tandang Sipirin ang balat ay agad sana niyang dadaluhan si Rizza ng biglang tumalon sa harap nito si Manuel.

'Takbo na kayu...bilis!! sigaw ni Manuel habang hinaharangan nya ang kanyang amang nagpupumiglas.

Dali dali namang inakay ni Grace at rizza ang sugatang si Jolibee at mabilis na pumalayu sa dalawa.

'Traydor ka Manuel!Anu bang naisip mo at patatakasin mo ang mga hangal na iyun?Alam mong akin ang islang ito..wala silang kawala..Ilang minuto na lang ay mag aalas dose na..Tumabi ka!!!!! sabay tapon sa anak.

Dumudugo na ang mga paa ng magkakaibigan ay wala pa rin silang tigil sa paglakad.

'Saan tayo pupunta?'Malapit na ang oras..mamatay na tayo..' iyak ni Rizza

'Huwag kang mag alala best,hanggat may buhay ay may pag asa.Hindi tayo pababayaan ng Dyos.' ni Grace kahit sumasang ayun sya sa takot na nararamdaman ni Rizza.

Nang biglang sumulpot ang isang anak ni Tandang Sipirin.Ang babaeng anak nito na syang ikinabigla ng tatlo at napaurong sa takot.

'Oo ako nga..ang kapatid ni Manuel na anak ng leader dito.Gaya ng kuya ko,gusto ko na ring magpahinga.Hindi ko alam kung papaano nyo mapipigilan ang ama ko.Pero isa lang ang siguro ako..'

'Makapangyarihan sya sa loob ng isla pero sa labas hindi' makabuluhang saad nito.

Itak nyo pala.'.sabay hagis ng tatlong itak na nabitawan nila kanina.

'Paalam,at alam kong magagapi nyo si ama.Bilisan nyo,mag aalas dose na'. at bigla na lang itong nawala na parang bula.

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now