Ang Gabi ng Lagim

5.8K 127 2
                                    


Takbo ng takbo ang tatlong babae at hindi namalayan na nagkakahiwalay na pala sila.Si Jolibee na parang aatakihin na sa puso sa sobrang takot ay napa urong sa pagtakbo nang may makitang isang maliit na nilalang na papalapit sa kanya..Tiyanak..Isang maliit na batang mapupula ang mata..matutulis ang ngipin..may buntot at sungay..nakakatakot..
Tumakbo na naman sya paikot sa puno at nagtago.Pigil ang hininga para hindi marinig. pAgod na pagod na sya..gusto na nyang magpahinga. kung papatayin sya ay patayin na agad ng matapos nana ang kanyang paghihirap.Naupo sya habang nakasandal sa malaking puno..at nakita nya ang tyanak na paparating..Ipinikit nya ang mga mata..Handa na sya.Handa na sya sa kanyang kamatayan..

At tumalon nga ang Tiyanak sa kanyang balikat at akmang kakagatin na..nang biglang natigil ito at tumakbo na parang takot na takot..

Nabigla si Jolibee...At sa isang dako ay kitang kita ni Grace ang pangyayari.
At tumakbo papalapit sa kaibigan.

'Anu yun?Bakit natakot ang tiyanak sa iyo nang makalapit?'

'Hindi ko rin alam best..hindi ko alam..Pagod na ako..gusto ko nang magpahinga'..

'Hindi pwede..Tumayo ka..lalaban tayo..Hanapin natin si Rizza..Ina asahan tayung tatlo ni Joseph at Marie..Huwag kang susuko best..huwag ngayun.' at hinagkan ang kaibigang nawawalan nang pag asa.

Tumayo silang dalawa at sabay na hinanap si Rizza.

Samantala....

Takbo pa rin ng takbo si Rizza para hindi maabutan ni Tandang Sipirin ng may marinig syang sitsit..

'Psst...pssst..pssstt

'Dahil sa takot ay napapikit sya at umusal ng panalangin..Lord please..Tanggalin mo ang takot sa puso ko..Ikaw lang ang dapat katakutan at hindi ang mga walang kaluluwang nilalang na ito.'.

Nang ibuka nya ang kanyang mga mata ay bumulaga sa kanya ang isang babaeng matanda na wala ng ngipin..nakangisi ito sa kanya at sinabunutan ang kanyang buhok..hindi sya makagalaw..Umiiyak lang sya sa sakit..inumpog ang ulo sa puno na syang ikinawindang niya.Halos mawalan na sya ng ulirat at naisipan nyang mayroon pala syang itak..At ibinaon iyon sa puso ng matanda..natumba ang matanda pero binunot lang nito ang itak. Naiiyak na sya..at naisipang katapusan na ba nya..
Kitang kita nina Grace at Jolibee ang pangyayari at agad binunot ni Grace si Jolibee papunta sa mga ito..

'Hoy! Ito ang kainin mo! ni Grace sabay tulak kay Jolibee.

Agad namang natumba si Jolibee at akmang Dadaluhan ng matanda ng bigla itong natakot at nagtatakbo palayu.

'Anu yun?' tanong ni Rizza

Hindi naman mapaliwanag ni Jolibee kung anung meron sya..

'Si Jolibee lang talaga, ang makakasagot nyan'. Sabad ni Grace

Nag aagaw na ang dilim at liwanag.Hindi maipaliwang ng magkaka ibigan ang kanilang takot na nararamdaman.Ito na ang gabing pinakahi hintay ng mga taga Isla Masagana..

Ang gabi para sa walang hanggan buhay...

Kailangan nilang planuhin ang lahat,..ang lahat lahat..

Sa Baryo ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon