Ang Isla Masagana

7.4K 162 2
                                    

Noong unang panahon,ay may isang isla sa gitna ng karagatan ng Dipolog.Ito ay masagana sa kabihasnan.Kahit nasa isla ay masagana ang pamumuhay.Nangunguna ang karagatang pagkain.May gulay,prutas at mga matataas na puno.Sanay na sila sa kasuotang Bahag lang.Walang paaralan pero ang mga bata ay masaya na sa pag lalaro doon.

Para sa kanilang magulang,kung anu ang ikinalaki nila ay sya ring lalakihan ng kanilang mga anak.Maliit lang ang isla at sa gitna nito namumuhay ang mga tao.

Ang populasyon nito ay higit kumulang dalawang daan limampu.Mayroon din silang opisyal na kung tawagin ay mga Odin.

Pero ang pinaka pinuno sa kanila ay si Sipirin na kung tawagin ay Tandang Sipirin.May asawa,mga anak at ang kaniyang pamamalakad ay talagang matiwasay.Walang gulo,walang pabor.Patas kung magdisiplina.

Sa tuwing masagana ang ani,may kasayahan.Lalabas ang mga ugong at ang mga kalalakihan ay masayang nagpapatugtug nito.Nagsasayawan ang mga kababaihan pati na rin ang mga bata.

Para sa kanila..Paraiso ang Isla Masagana.. hanggang sa isang maligim na pangyayari ang tumapos sa akala nilang lahat...

Lingid sa kaalaman nilang lahat.Ang isla ay matagal nang minamanmanan ng isang grupo ng espisyalista..tama espisyalista ng mga ginto!Walang kaalam alam ang mga taga isla na ang normal na bato para sa kanila na ginagawang palamuti ay isang napakalaking kayamanan.

Napakarami! Nagkalat sa mga kakahuyan! Sa putikan! Sa buong Isla..

Sa likod ng lahat ng pagmamanmang ito ay isang kilalang negosyante sa lungsod ng Dapatan na kapitbahay lang ng Dipolog ang may pasimuno nang lahat.

Kaydaling kunin lahat ng ginto kung gugustuhin pero isa lang ang kailangan gawin.

Kailangan mawala lahat ng taga isla Masagana para wala ng maraming tanong pa at solo lang nila ang kayamanang nanakawin.

At nangyari nga ang masamang binabalak nang sakim na negosyante...

Hulyo 20,1915

Alas dose ng madaling araw.Himbing na himbing ang pagkakatulog ng mga tao sa isla.Nang magising silang lahat sa sobrang init na pakiramdam! Sunog! Sunog sa lahat ng kabahayan! Walang ni isang bahay ang tinirang hindi sunugin.

Kaawa awa..ang maririnig lang ay ang sakit na nararamdaman.Mga ungol ng mga batang hindi na matitiis pa ang walang katapusan hapdi.Usok..makakapal na usok na sa ibay kumuha nang ulirat at kasamang masunog nang kabahayan.

Si Tandang Sipirin,pinilit iligtas ang dalawang anak at asawa pero kapwa sunog na ang mga katawan nito at hindi mo na makikilala..gumapang sya palabas para tingnan kung anu ang nangyari..

Sa gitna nang kanyang baryung minamahal.Baryung tinuring na paraiso kasama ng mga minamahal..ay nakita nya ang unti unting paglamon ng apoy sa kabahayan..

Alam nya,sa buong puso nya..Ito na ang katapusan ng lahat..

Nang sa hindi kalayuay may nakita syang mga kalalakihan na nakangisi at may dala dalang mga galong hindi nya alam kung anu ang laman.

Nagtatawanan..nagsisigawan..parang tuwang tuwa sa nakikitang brutal na pagkamatay nilang lahat.

Isa lang ang alam niya.Sila ang lahat ng may kagagawan nito.Halos dumugo na ang mga ugat ni Tandang Sipirin sa galit na nararamdaman niya..Parang sasabog ang mukha sa sobrang pighating nararamdaman..

Nang sa katahimikan ng Isla matapos ang pagkawala ng buhay ng lahat ng tao roon ay biglang namutawi sa bibig ng tandang Sipirin ang..

'ISINUSUMPA KO,BABALIK KAMI.BABALIK ANG ISLA MASAGANA..AT SA AMING PAGBABALIK,GAGANTI KAMI..GAGANTI KAMI HANGGANG SA KAHULI HULIHAN NG INYUNG HENERASYON..umusal ng konting litanya ang tanda bago nalagutan ng hininga..

Halos dalawang buwan ang nakalipas at nagawa nang malinis ng tauhan ng negosyante ang karumal dumal na kremin.Walang ni isang maliit na ebidensyang tinira.Pinutol ang mga kahoy at tinabunan ng lupa ang buong isla matapos makuha lahat ng ginto..

Sa paglipas ng panahon,unti unting lumubog ang isla at hanggang ngayun walang naka ka alam sa mga pangyayari..

Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now