Pag Asa

5K 114 3
                                    


Hindi maintindihan ni Grace ang ibig sabihin ng anak ni Tandang Sipirin.Pero isa lang ang natitiyak nya,ilang minuto na lang ay mag aalas dose na..Kahit isa sa kanila ang makuha ni Tandang Sipirin ay tiyak na magtatagumpay ito sa kanyang hinahangad.Dugo lang kahit isang patak mula sa kanila at magsisimula ang isang nakaka pangingilabot na pangyayari na hindi iisipin ng lahat na totoo sa tanang buhay nila.Ang pagkabuhay ng walang hanggan ng mga Aswang.

Halos mawalan na sila nang hininga sa kakatakbo para lang hindi mahabol ni Tandang Sipirin at nakita ni Grace na nasa dulo na pala sila ng Isla kung saan tanaw na nila ang dagat.

'Best,huhuhu.Wala na tayong kawala.Dagat na..mamamatay na tayo.Huhuhu' hagulhol ni Jolibee

Tanging iyak na rin ang nailabas sa bibig ni Rizza.

Napakaliwanag ng kapaligiran dahil sa kabilugan ng buwan.Nakakakilabot kung kanilang pagmasdan dahil sa sobrang laki nito.

'Malakas si ama,pero sa loob lang ng Isla na Ito.'
Biglang naalala ni Grace ang sinabi ng anak ni Tandang Sipirin..

At nagkaroon sya bigla ng lakas ng loob mg makapag isip ng isang ideya..

'Kung tatalab ang naisip ko,makakauwi tayo.Kung hindi,at least sinubukan nating mabuhay' ni Grace

'Anung ibig mong sabihin best?' tanong ni Rizza

'Magtiwala kayo best.Pupunta tayong tatlo sa dagat.
Dahil hindi kayo marunong lumangoy,tumayo lang kayo hanggang sa leeg.Alam ko pupuntahan kayo ni Tandang Sipirin,kailangan na nya ng dugo para matupad ang sumpa.' ni Grace

'Eh ikaw? Saan ka? Bakit kami lang?'

Biglang itinurok ni Grace ang Itak sa lupa ng ubod ng lakas na syang ikinagulat ng dalawa.

'Ako ang tutusok sa ulo ng Tandang Sipirin na iyan.Ibabalik natin sya sa Impyernong pinanggalingan nya.'







Naisip nyo na ba guys ang naisip na paraan ni Grace? hihihi

Susunod na :)



Sa Baryo ng mga AswangWhere stories live. Discover now